NĪTE
KITANG KITA ko sa itsura ni Ayrha ang pagka gulat niya ng makita niya ako dito.
"IKAW?"
"Ako nga!"
"Teka, Nīte anong ginagawa mo dito? Diba may work ka?"
Sa halip na sagutin ko ang tanong niya iniabot ko sa kanya ang mga bulaklak.
"Para sayo Ayrha, HAPPY MONTHSARY!"
Hindi nanaman siya nakakilos ng sabihin ko yon. So, tama ako na iniisip niya na nalimutan ko ang araw na ito.
"You mean, sayo talaga galing ang mga roses na ito?"
Naka ngiti akong tumango sa kanya kaya bigla niya akong niyakap.
"Ayyiee.....ang sweet naman!" Tukso ng lahat samin.
"O, sagot daw ni Nīte ang merienda natin! Order na kayo!" -Alex
"Ano?" Gulat kong sabi.
"Hayaan mo na." Bulong ni Ayrha. "Sige sagot namin!" Nakangiti niyang sabi sa lahat.
"Ok!, Kainan na!"
MASAYA kaming nag paalam sa isat isa. Tahimik kong pinagmamasdan si Ayrha habang naglalakad kami pauwi.
"Anong iniisip mo?"
Pabigla siyang humarap sakin. Sa tingin ko naputol ko ang pangangarap niya ng gising.
"Wala!"
"Wala?" Hindi ako naniniwala sa sagot niya.
"Okay, I'll be honest with you." Seryoso akong nakatingin at nakikinig sa kanya. "Well, malayong malayo ito sa inaasahan ko sa first monthsary ko sana pero this is the happiest surprise na natanggap ko. Higit pa ito sa inaasahan ko!"
Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya.
"Pasensiya na ha, kung nasira ko ang expectation mo sa iniisip mong monthsary, baka naman kasi iba ang prince charming na andun sa pangarap mo---"
"Ano ba ang sinasabi mo Nīte? Masaya ako at ikaw ang kasama ko. Nakaranas ako ng bagong experience ng dahil sayo."
"Bakit ako Ayrha? Ang dami naman dyan, bakit ako pa?" Hindi ko alam saan nangaling yon pero yon ang lumabas sa bibig ko.
"At bakit naman hindi ikaw?"
"Tss,,ibinalik mo lang sakin ang tanong e! Baka naman na challenged ka lang kaya---"
"Nīte! Monthsary natin ngayon at ang saya natin kanina pero bakit nauwi sa ganito? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"
"Ikaw, ano bang gusto mong mangyari?" Biglang tanong ko agad sa kanya.
Walang nagsalita saming dalawa, nakatingin lang kami sa isat isa at nagpakiramdaman.
"Papasok na ako sa loob!"
Hindi ko na hinintay pa na lumapat ang gate pasara at umalis na ako.
"O NĪTE, anak maaga ka yata ngayon?"
"Nay, wala po akong pasok sa trabaho."
"Ganun ba,,hindi mo naman sinabi, ayan tuloy kumain na ako."
"Ok lang po Nay, kumain na rin po ako. Nagkayayaan po kaming magkakaklase."
Direderetso ako saming silid at nagbihis pagkatapos pabagsak akong nahiga sa kama.
Iniisip ko ang nangyari kanina. Hindi ko maitatanggi na sumaya ako nang makita kong sumaya si Ayrha ng batiin ko siya ng happy monthsary. Masaya naman ako kapag kasama siya.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Romance(Under revision) Ayrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers...
