NĪTE
BILIS talaga ng oras. Natapos na ulit ang mag hapon sa school.
"Nay andito na po ako!"
"O Nite , mag merienda ka na dyan!"
"Sige po Nay maya na lang mag bihis na muna po ako.", sabi ko at deretsong pumasok sa kuwarto.
"Siya nga pala anak galing dito sina Kapitan kelangan daw nila ng volunteers para sa paglilinis ng ilog sa sabado!"
"Sa sabado po? Ok lang po pwede ako.", sagot nito.
"At kung may maisasama ka daw na ibang volunteers magsama ka daw. Hindi na problema ang pagkain libre daw nila."
"Try ko po kung pwede sina Mico at Alex."
"Anak ikaw muna mag bantay dito at magluluto ako para sa hapunan natin."
"Sige po Nay, ako na po bahala dyan!"
Habang wala pang bumibili gumawa naman ako ng assignments. Napahinto ako sa pagsulat ng bigla akong may na alala.
"Tama! Isasama ko siya sa sabado! Tingnan ko lang kung masikmura niyang maglinis ng maruming ilog!", sabi ko sa sarili habang na ngingiti pa.
"Mukang maganda ang araw mo ahh, naka ngiti ka sa kawalan!"
"Aya, ikaw pala!"
"Ano bang meron at naka ngiti ka dyan?", tanong niya.
"Wala!"
"Ows? Wala daw! Sige na, ano?" May taglay din pala itong kakulitan.
"Hay! Wala nga! Tungkol lang sa classmate ko. May naisip akong pagawa sa kanya!", sabi ko habang nangingiti pa.
"Ikaw ha, nang titrip ka yata!"
"Hindi. Gusto ko lang na malaman niya na tama ako!"
"Paano kung tama siya at mali ka? Anong gagawin mo?"
"Basta, tama ako!"
"Anong name niya?"
"Basta! Sila ang may ari nung school na pinapasukan ko!"
"Talaga? Saan ka ba nag aaral?"
"Sa Don Emilio High School!"
Napansin kong natigilan siya ng sabihin ko ang pangalan ng school na pinapasukan ko.
"Bakit?", tanong ko.
"Wala. Baka mamaya niyan ma inlove ka sa kanya! Maganda ba?" May himig panunukso niyang sabi.
"Pano mo naman nalaman na babae at tinanong mo kung maganda?"
"Hula ko lang! Ano tama ako? "
"Oo maganda siya pero ayoko talaga sa mayaman! Bakit mo naman natanong? Nagseselos ka ba?"
"Hoy, hindi ano! Bakit ako magseselos boyfriend ba kita?" Maangas niyang sabi.
"Aba malay ko baka may gusto ka pala sakin!"
"Yabang mo! Baka ikaw ang may gusto sakin?"
"Kung sakali, may gusto ako sayo Aya may magagalit ba?"
Hindi agad siya sumagot. Tinitigan muna ako.
"Hoy, nagalit ka ba? Nagbibiro lang ako!"
Hindi parin siya sumasagot pero nginitian niya ako.
"Alam mo ba na ang ganda ng mga mata mo. Di pang karaniwan at dalawa lang kayong nakita kong may ganyang klase ng mga mata."
"Sige na, alis na ako may pupuntahan pa kasi ako!", paalam niya sakin at tumalikod.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...