K A B A N A T A 29

13 2 0
                                        

Sa music room nagklase ang section 5 dahil ngayon nila gagawin ang activity nila para sa semi-finals sa subject nilang music.

Ang na unang grupo, classic style ang napiling theme. Ang sumunod naman ilang mga solo number. Sumunod ang grupo nina Jayla na ala glee, kung saan member niya sina Mico, Alex, Nīte, Ian, Maui at Kaye. Nakakatuwa ang number nila dahil sa boys sumama si Jayla as one of the boys at sina Maui at Kaye ang chinichase nilang girls. Kumakanta sila habang may sumasayaw. Dalawa pang solo number ang sumunod.

"Class, nakita nyo ba si Ayrha, siya na lang ang hindi pa nagpeperform.

Walang nagsalita sa grupo hanggang sa may tumugtog sa piano. Si Ayrha.

Playing: Black Roses

Tahimik ang lahat habang nakikinig sa pag awit ni Ayrha. Madarama ang sobrang kalungkutan sa awitin niya na tungkol sa kabiguan sa pagibig.

Si Nīte, titig na titig kay Ayrha habang tumutugtog sa piano, na ngayon ay wala ng itim na make up sa mukha maliban sa pulang lipstick nito.

Pagkatapos ng number ni Ayrha, sandaling pinunasan niya ang luha sa mata tapos ngumiti na at nag bow sa harap ng classmate niya. Pinalakpakan naman siya ng lahat.

Simula noon muling makikita ang dating Ayrha walang black make up ngunit sa pagkakataong ito, tahimik at halatang malulungkutin.

"Malungkot ka na naman." Si Bryle. May iniabot itong drinks sa kaibigan.

"Malungkot? Hindi naman. Thanks!" Sabi niya at tinaas ang drinks na bigay ni Bryle.

"Halata sayo, wag ka na mag deny!"

"Kaya ba gusto kong gumamit nang black make up para hindi halata." Biro niya sa kaibigan.

"Hay, wag ka na ulit gagamit nang ganun! Mukha kang bruha!" Sabi nito habang tumatawa.

"Sira ka talaga!" At kiniliti niya ang tagiliran ng binata. At least kahit paano sumasaya si Ayrha kahit sa simpleng paraan.


~♥~

"Ayan, hindi mo agad nilapitan! Na unahan ka tuloy!"

"Ikaw pala Maui. Tsk, wala yun!" Sabi ni Nīte at umalis na ito sa sulok na pinagkukublian niya.

"Nagseselos ka ba sa kanila?"

Hindi ito sumagot sa halip bumuntong hininga at napa suklay sa buhok niya.

"Alam mo, hindi mo kailangan mag selos. Mag kaibigan lang sila ni Bryle at ikaw ang mahal ni Ayrha at alam ko rin na mahal mo siya."

"Ano ba yang sinasabi mo!"

"Asus, mag deny ka pa dyan. Halata ko sayo kung paano mo tingnan si Ayrha kanina."

"Bahala ka kung yan ang gusto mong isipin!" Sabi ni Nīte at tumayo na.

"Saan ka pupunta?"

"Wala!"



~♥~

MABILIS lumipas ang mga araw, Linggo at buwan. Natapos na rin ang holiday vacation nila at ngayon balik eskwelahan ang lahat.

"Kumusta ang Christmas vacation mo?" Salubong agad ni Bryle ng makita nito ang parating na si Ayrha.

"Sa Singapore kami nag bakasyon doon kami nagkita-kita nina Papa."

"Wala ba akong pasalubong?"

"Sa birthday mo na lang this month! Ano may party ba?"

TEMPORARY LIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon