K A B A N A T A 17

14 3 0
                                    

AYRHA


"KUMUSTA na kayo ni Nīte?"

Napatingin ako kay Maui. Sa totoo lang iniisip ko ngayon kung maaalala ba ni Nīte na 1 month na kami bukas.

"Ayos lang!", sumagot na rin ako kahit sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko.

"Ano ba namang sagot na yan! May problema ba kayo?"

"Wala Maui. Wala kaming problema, Siguro?", hindi ko na naitago pa ang lungkot ng boses ko.

"Girl, halata sayo,,sige na, sabihin mo na sakin.", makulit din itong si Maui.

"Wala naman talaga,, bukod kasi dito sa school, wala nang iba pang time para magkita kami. Busy siya sa work. Ayoko naman na puntahan lagi siya dun, sabihin na naman niya ginugwardiyahan ko siya!"

"In love ka na talaga sa kanya ano? Sabihin mo kasi na namimis mo na siya, na mag date naman kayo.", maganda sana ang suggestion niya pero hindi ko kayang gawin iyon. Isa pa pag nag reklamo ako baka isipin ni Nite demanding ako.

"Ewan ko ba Maui,,pero between samin dalawa ako ang girl, kaya dapat siya ang gumawa ng mga ganung bagay." Ang hirap naman kasing maging babae lalo na at di naman pormal na naging kami.

"Well, tama ka dyan. O baka naman part pa rin yan ng trial, sinusubukan ka pa rin niya!"

"Ang totoo monthsary namin bukas. Hindi ko alam kong tanda ba niya!", sinabi ko na rin ang totoong iniisip ko.

"Ayun! So, nag wo-worry ka na baka hindi niya maalala ang monthsary nyo?"

"Ganun na nga!"

"O, speaking of...andyan na prince charming mo!"

Tumingin ako sa direksiyon na tinuro ni Maui. Sina Nīte palapit samin.

"Andito pala kayo!", masayang bati samin ni Mico.

"Ano bang pinaguusapan nyo?", si Alex naman yun.

"Wala naman, it's a girls talk!", sagot naman ni Maui sa mga ito.

"O siya, tara na, malapit ng mag time!", pagyaya samin ni Nīte.

Tumayo na kami ni Maui. Nauna siyang maglakad kasabay nina Alex at Mico. Nasa likuran naman nila kami ni Nīte.

"Ano bang pinaguusapan nyo ni Maui, mukhang seryoso kayo?"

"Wala naman. Hindi naman seryoso." Hindi ako tumitingin sa kanya, steady lang ang mga mata ko sa daan.

"Sure ka? Pakiramdam ko kasi ako ang pinaguusapan nyo kanina."

Bigla akong napahinto sa paglalakad.

"O bakit, tama ba ako?"

"Paano mo naman nasabi na ikaw?", pinag patuloy ko ulit ang paglalakad.

"Pakiramdam ko lang saka lately kasi parang ang lalim lagi ng iniisip mo."

Napapansin niya pala iyon.

"Wala nga! Ano namang iisipin ko?" Pagsisinungalin ko.

Bigla siyang huminto sa paglalakad. "Gusto mo na yata makipag break sakin e, Ayrha?"

Napahinto rin ako sa paglalakad at tumitig sa kanya. Hindi ko alam kung seryoso o biro lang ba iyon pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.

"Ano? Talagang about break up pa ang naisip mo!"

"Nagbibiro lang ako."

"PWES HINDI NAKAKATAWA!" Iniwan ko siya, dahil alam ko any minute papatak na ang luha ko.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon