AYRHA'S POV:
Bilis ng araw second week na agad ng February at birthday na ni Bryle kaya naman andito kaming lahat sa party.
"Ayrha!" Tawag sakin nang kumakaway na si Chesca. "Dito!" Lumapit ako sa table nila.
"Kumusta?" Bati ko sa kanilang apat. Kasama kasi niya sa table sina Liam, Mark at gf nito na si Abby. "Lumabas na ba ang birthday celebrant?"
"Kanina. Hinahanap ka nga kaya lang may dumating na mga bisita kaya nag paalam muna." Sagot sakin ni Chesca.
"Andito na ba yung, Maui ba yun? Gf daw ni Bryle from your school, right?" Tanong ni Abby.
"Yeah, si Maui!"
"Kasing ganda mo ba Ayrha?"
"Ano ka ba Liam, hindi naman kailangan na ka pareho ko para magustuhan siya ni Bryle!"
"Tama si Ayrha!"
Sabay sabay kaming lumingon.
"Bryle, happy birthday!" Binigay ko ang gift ko sa kanya at kiniss ko siya.
"Akala ko hindi ka na darating. Thanks Ayrha!" Sabi ni Bryle sakin.
"Pwede ba naman yun! Si Maui? Ipakilala mo nga sa mga ito nang hindi na manghula pa!" Biro ko sa kanya.
"Don't worry parating na kasama mga classmates mo!"
"Ayan, hintayin nyo para makita nyo kung gaano siya kaganda!" Biro ko sa kanila at bahagya pa akong tumawa. Bigla akong nakaramdam nang konting hilo. Mabuti na lang naka hawak ako sa mesa.
"Are you ok, Ayrha?"
"Namumutla ka!"
"I'm fine! Don't worry mag CR lang ako." Iniwan ko na sila para wala nang mag tanong pa. Deretso agad ako sa loob nang CR. Naupo ako dahil pakiramdam ko matutumba ako.
"Ano bang nangyayari sakin? Bakit bigla akong nahilo?" Saglit akong nag isip nang sagot sa tanong ko. Humarap ako sa salamin. "Tama, hindi pa ako kumakain kaya siguro nahilo ako. Gutom lang ito." Muli akong humarap sa salamin. "Kailangan ko nang lumabas baka kung ano pa isipin nila pag nagtagal pa ako dito." Huminga muna ako nang malalim bago lumabas.
"Grabe, hindi kami maka paniwala na ikaw ang magiging girlfriend ni Bryle!"
Sumilip ako para makita kung sino yung naguusap sa may bandang likuran. Sina Amber at si Maui ba yung pinalilibutan nila.
"Sa isang tulad mo lang babagsak si Bryle! Kainis ka!" Galit na sabi ni Amber.
"Ano bang problema nyo sakin?" Tanong ni Maui sa mga ito.
"Ikaw ang problema namin nerdy girl! Nabihisan ka lang nang konti lumandi ka na!" Sabi ni Katie.
"At ano ba ang dapat ginagawa sa malalandi?" Naka ngising tanong ni Charie at lumapit sa likuran ni Maui at hinawakan ito.
"Teka, anong gagawin nyo? Bitiwan mo ako!"
"Ano pa di hubaran!" Sabi ni Amber at lumapit si Katie para gawin yun kay Maui.
"TIGILAN NYO SIYA!"
Lumingon silang lahat sakin.
"Ayrha, mabuti andito ka! Alam mo ba na inahas sayo ng babaeng ito si Bryle!" Mataray na sabi ni Amber.
"Hindi sakin si Bryle kaya may karapatan siyang gustuhin kahit na sino! Kaya walang inahas sakin si Maui!"
"Ayrha, what happened to you?Mabait ka na naman ba sa kanila!"
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomansaAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...