HINDI maka paniwala si Aya sa kanyang natanggap na balita.
"Saan? Ok darating ako!" Tinapos na niya ang paguusap nila ng nasa kabilang linya.
"Mukhang masaya ka Aya. Ano daw balita?" Tanong nang kaibigan niyang si Gwen.
"Well, tama nga ang hula ko babae ang mastermind nila. According sa private investigator may nakausap daw sila. Yun nga lang hindi daw alam nito ang pangalan pero may pakikita raw itong larawan."
"LARAWAN? Paano naman daw siya nakaka sigurado na totoo ang sinasabi ng taong yun?" Sabi ni Gwen at na upo ito sa harap ni Aya.
"Magkikita kami mamaya nung imbestigator at sabi nito makikipag kita daw yung taong sinasabi niya."
"Kung ganun good luck! Sige maiwan na muna kita Aya." Muli siyang tumayo at lumabas ng bahay.
"Ingat!" Pahabol naman nito sa kanya.
Matiyaga naghihintay sina Aya at ang private investigator sa isang coffee shop. Dito ang usapan nila na magkikita.
"Akala ko ba alas kwatro usapan nyo? Mag aalasingko na!" Hindi na niya maitago ang inis na nararamdaman.
"Nagtataka nga rin ako kung bakit hanggang ngayon wala pa siya. Malinaw naman yung usapan namin."
"Alam mo ba ang bahay nila?"
"Oo. Bakit?"
"Puntahan na lang natin at nang malaman natin ang dahilan kung bakit wala siya dito ngayon." Tumayo na sila at lumabas sa coffee shop na yon.
"Dito na ba ang bahay niya? Bakit ang daming tao? May lamay yata." Pagtataka ang rumihistro sa mukha ni Aya. Kinukutuban na rin siya.
"Hintayin muna lang ako dito. Ako na lang ang pupunta dun."
Ilang minuto rin ang pinag hintay ni Aya bago bumalik ang imbestigator.
"Ano?" Salubong niya agad dito.
"Masamang balita. Kaya hindi siya nakarating dahil patay na siya. Sabi nung asawa niya ka aalis lang daw kanina nang bigla itong tambangan."
"Unbelievable!"
"Pero yun ang sabi nila. Sa tingin ko kilala ka nang taong hinahanap mo at alam na niya na hinahanap mo siya."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo niyang tanong.
"May iba ka bang pinag sabihan tungkol sa pakikipagkita natin sa taong pwedeng magturo kung sino ang mastermind?"
"Pinag sabihan?" Bahagya siyang nag isip at biglang kinutuban. "Ahh, wala na!" Pagsisinungalin niya.
"Kung ganun baka nga nagkataon lang ang lahat! Paano balitaan na lang ulit kita."
"Sige. Salamat."
Mag aalas siyiete na nang maka uwi si Aya. Nakita niya agad si Gwen nasa may pintuan at mukhang hinihintay talaga siya.
"Aya, musta ang lakad?" Ngiting ngiti ito.
"Wala. Patay na yung taong kakausapin sana namin!" Buntong hinga ako.
"WHAT? Ibig sabihin wala na naman yung lead sana!"
"Oo nga e. Para kasing may humaharang!" Makahulugan niyang sabi bago tumingin ng makahulugan sa kaibigan. "Ikaw kumusta naman ang lakad mo?"
"La-lakad?" Kumunot bigla ang noo nito.
"Oo. Umalis ka kanina diba?"
"Ahh, yun ba? Ok lang may dinalaw lang! Akala ko kung ano na."
![](https://img.wattpad.com/cover/86996161-288-k994458.jpg)
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...