K A B A N A T A 15

14 3 0
                                        

AYRHA

ARAW ng Lunes at grabe ang ingay. Andito palang ako sa may pathway dinig ko na ang ingay nila.

"Anong meron? Parang one month silang hindi nagkita - kita ah!" Naiiling ako habang naglalakad patungo sa classroom namin.

"Ayrha!"

Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses. "Bryle! O bakit?"

Tumingin muna siya sakin tapos pinakita niya yung phone niya. Nanlaki ang mata ko kasi picture namin yung dalawa ni Nite nung nagpunta kami sa resort. Nakatayo sa bukas na pinto ng hotel room si Nite habang ako naman ay nasa labas nito, ganun ang position namin sa picture.

"What's the meaning of this?" galit na tanong niya sakin.

"Nothing! It's only a picture. That's all I can say!" I know kung sino nagpadala nito kay Bryle.

"Really? Yun lang talaga yun?" Hinawakan ni Bryle ang braso ko.

"Bryle ano ba nasasaktan ako!" Pilit kong hinihila ang braso ko sa kanya, pero ayaw parin niyang bitawan. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Hinila ako ni Bryle palayo dun.

"Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako! Ano ba!" Sinisigawan ko na siya. Pumasok kami sa classroom nila.

"Kayong lahat magsilabas kayo dito!" Sigaw niya sa mga classmates niyang andun sa loob ng room. Nagsipag sunuran naman ang mga ito.

"Bryle ano bang nangyayari sayo?Hindi ka parin talaga nagbabago!" Galit na sigaw ko sa kanya. Umiinit na rin ang ulo ko.

Tumingin siya sakin ng masama kaya napaatras ako.

"Oo naging ganito ako dahil sayo Ayrha! Pinilit kong magbago pero hindi mo parin yun nakikita at kahit anong gawin ko invisible lang ako sayo!"

"Hindi kita maintindihan Bryle!"

"Kasi nga manhid ka! Hindi mo nararamdaman na ang lahat ng ginagawa ko ay para sayo dahil, Mahal Kita!"

Nagulat ako sa sinabi niya. All this time may gusto siya sakin, pero ang alam ko yung kapatid ko gusto niya.

"Wag ka nang magsinungalin Bryle, sa simula palang alam ko na kung sino talaga ang gusto mo at hindi ako yun, kundi ang kapatid ko!"

Natigilan siya sa sinabi ko.

"Ano?"

"Tama ako diba? Kailan mo lang ba ako napansin, nung nawala na ang sister ko, di ba?"

"Yun ba ang akala mo? Hindi dahil lagi ang kapatid mo ang nakakasama ko ay wala na akong napapansing iba." Makahulugan niyang sabi.

"I think, wala namang kapupuntahan itong pag usap natin. Si Apple ba nag padala sayo ng picture na yan? May gusto siya sayo, siya na lang ligawan mo! I think i should go!" Tatalikod na sana ako pero pinigil niya ako.

"Please Ayrha, just give me a chance to prove to you na mahal kita!" Kitang - kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa.

"Bryle please, don't do this! Kaibigan kita at ayoko kitang saktan, but im sorry."

Biglang nag iba ang mga mata niya. "Dahil ba sa lalaking kasama mo sa picture, ha?"

"Wala siyang kinalaman dito desisyon ko ito!"

"Bakit kayo na ba? May nangyari na ba sa inyo?"

"What? Ganun bang klase ang tingin mo sakin? Dahil lang sa picture na yan nagbago agad ang tingin mo sakin!"

Naputol ang pag uusap namin ng may kumatok nang kumatok sa pinto.

"Ayrha ok ka lang ba dyan?" Sumisigaw si Nīte sa labas.

TEMPORARY LIESMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon