S2 - 04

20 1 1
                                    

"Mommy kay Tito Bryle po ba ulit galing lahat ang mga balloons? Ang dami naman po."

Lumingon si Ayrha sa anak na tuwang tuwang pinagmamasdan ang mga lobong nagbigay kulay sa loob ng silid. "Hmm, hindi baby."

"Kanino po?"

"Sa manliligaw ng Mommy mo!"

"Ma!" Pinandilatan ni Ayrha ng mata ang Ginang kaya naman muli na lang pinagpatuloy nito ang pagbabasa.

"Sino po siya Mommy?"

Lumapit si Ayrha sa anak. "Baby, classmate at kaibigan siya ni Mommy." Pinagdiinan pa niya ang huling sinabi. "Siya ang naghatid sakin dito sa hospital nang malaman kong dinala ka dito."

"Pwede ko po ba siyang makilala Mommy?"

Umalis sa tabi ng anak si Ayrha at muling pinagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit nila para sa paglabas ng anak.

"Pwede naman pero--

"Pwede po ba paglabas ko dito mamaya?"

"Anak wag masyadong excited. Ang kailangan mong gawin ngayon ay magpahinga."

"Pero Mommy malakas na po ako. Wala na nga po akong ibang ginawa dito kundi matulog. Please Mommy gusto ko po siya makilala."

"Okay, let see kung may free time siya."

"Okay na ang bill. Pwede nang umuwi ang gwapo kong apo." Sabi ni Mr. Ledezma habang papasok sa loob ng silid.

"Thanks Pa."

Ilang saglit lang ay may kumatok sa silid at pumasok ang isang lalaki.

"Good morning po."

Sabay sabay silang tumingin sa bagong dating. Si Ayrha natigilan samantalang naka ngiti naman ang mag asawa.

"Hi Ikee. Kumusta ka na?"

Nakatitig lang ang bata sa bagong dating na bisita. Halatang ngayon niya lang ito nakita. Pero dahil sa taglay na kakulitan hindi napigilang mag tanong.

"Classmate po kayo ni Mommy o manliligaw?"

Napahagikgik sa tawa si Mrs. Ledezma dahil sa tanong ng apo samantalang si Ayrha naman ay natitigilan at parang walang mukhang iharap kay Jin.

"Baby siya yung sinasabi ko sa'yong classmate ko."

"Ahh, akala ko po siya yung tinutukoy ni Mamita na manliligaw nyo. "

Hindi na napigilan pa ng ginang ang pagtawa kaya naman sinamaan nang tingin ni Ayrha ang ina.

"Hindi baby. Siya si Jin, classmate siya ni Mommy at nina Tita Maui at Tito Bryle."

"Hi Ikee." Masayang bati muli nito sa bata.

"Hello po Tito Jin. Thank you po sa mga balloons."

"You're welcome. Pero di lang yan dahil may pasalubong ako sayo!"

Inilabas nito sa isang paper bag ang isang kahon at saka iniabot sa bata.

"Wow! Big car!  Thank you po."

Masayang binuksan ni Ikee ang kahon at agad nilaro ang kotseng laruan na laman nito.

"Pa, Ma, lalabas lang po ako sandali." Tumango lang ang mag asawa habang nakikilaro sa apo. Tumingin ng makahulugan si Ayrha kay Jin bago ito lumabas at na gets naman ng binata kaya sumunod din ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong agad ni Ayrha pagka sarado ng pinto.

"Obvious naman kung ano di ba?" Pinanlakhan lang ni Ayrha ng mata ang kaibigan hudyat para sa maayos na sagot. "Okay, I heard from Maui na lalabas na daw ngayon ang anak mo. Gusto ko siyang makilala, so, naisipan kong dumaan tutal absent narin naman ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon