Present Year!
Matapos niyang palitan ng mga bagong bulaklak ang flower vase isinunod niya namang linisin ang picture nito tapos ang bawat letra na nakaukit.
"N I T E C A B A L L E Í R O "
It's been three years, matapos ang mga nangyari noon. Pero, lahat yun sariwa pa rin sa isip ni Ayrha. April 9, 1993 - March 5, 2012. Hindi dapat nangyari sa kanya ito, he's only 18. Ang bata pa niya at dapat nakilala at kasama pa niya ang anak nila ngayon.
"Happy Birthday, Nīte! Miss na miss na kita."
"Mommy!"
Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata.
"Hello big boy!" Salubong niya sa bagong dating. "Nabili mo ba yung para kay Daddy?"
"Opo Mommy! Dala ni Tito Bryle!" Pumasok si Bryle na may bitbit na cake at balloons.
"Ano ba naman ito dapat ba talaga may balloons pa. Ang balloons pambata lang! Twenty- two years old na yan!"
"Ano ka ba! Pagbigyan muna ang bata!" Natatawang sabi ni Ayrha.
"Ang sungit mo talaga Tito Bryle susumbong kita kay Tita Maui!"
"Ay, natatakot ako." Biro nito.
Malaki rin ang pasasalamat ni Ayrha dito dahil lagi nitong sinasamahan si Ikee lalo na kung kailangan nito ng Daddy.
"Wag ka na nga mag reklamo dyan! Hindi ko pa nakakasamang mag celebrate ng birthday niya si Nīte nung nabubuhay pa siya dahil hindi pa kami magka kilala that time. Kaya kahit ganito gusto ko siyang makasama."
"Sus, dinaan pa sa bata! Yun pala ikaw lang may gusto!"
"Nīte naririnig mo si Bryle di ba? Dalawin mo nga minsan!" Biro niya.
"Naku! Ok na ako Bro, hindi na kailangan." Biro din nito. "Siyanga pala Ayrha, if you need some notes para sa school year na ito sabihin mo lang kasi meron ako."
"Naku! Wag na, kay Maui na lang ako hihiram."
"Sus, mas matalino ako dun!" Natawa siya sa sinabi nito. "I'm glad Ayrha, nakikita na ulit kitang tumatawa." Sincere na sabi ni Bryle. Ngumiti naman siya dito.
FIRST DAY of school, third year College and a Management student. Graduating na sana siya ngayon tulad nina Maui at Bryle pero nag stop siya ng one year dahil nga sa mga nangyari.
"Ano ba naman ito! Unang araw wala agad professor!"
As usual, ano pa ba ang bago at tulad din ng dati sa library siya tumatambay kapag ganitong wala silang professor.
Kasalukuyang naghahanap ng librong babasahin si Ayrha habang hinihintay ang sunod na klase nang matigilan siya. Naka sandal siya sa bookshelves habang nakikinig sa dalawang naguusap. Hindi niya mawari kung anong pinaguusapan ng mga ito pero hindi iyon ang naka tawag ng pansin niya kundi ang boses ng isa sa mga ito.
"Hindi ako maaaring magka mali! Ang boses na yun!" Wika ni Ayrha sa isip niya.
Huminga siya nang malalim at nag hintay pa ng ilang segundo bago nagawang sumilip sa pagitan ng mga libro pero hirap siyang makita ang mga ito dahil matatangkad. Naupo siya sandali at sumandal ulit sa shelves. Huminga muli siya nang malalim.
"Bahala na!"
Tumayo siya at mabilis na gumilid upang tunguhin ang kabila ng bookshelves.
"Nite!"
Lumingon sa kanya ang isang lalaking naka sandal sa bookshelves. Nag iisa na ito. Walang reaksiyong naka tingin ito sa kanya. Luminga linga naman si Ayrha na parang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomantizmAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...