AYRHA
SABADO, 6:15 palang ng umaga andito na ako sa tagpuan na sinabi ni Nīte. 7:00 ang na pag usapang oras. Maya maya lang dumating si Maui.
"Hi Ayrha. Good morning, aga mo ahh!"
"Good morning. Teka anong ginagawa mo dito?", takang tanong ko sa kanya.
"Invited ako ni Nīte. Saan at ano ba yang pag subok na yan?", curious na tanong niya.
"Hindi ko nga alam e!"
"Hi girls!", bati ni Mico samin ni Maui.
"Andito ka rin? Don't tell me Nīte also invited you!", mataray na sabi ko.
"Tumpak! Tama! You're right! Sayang nga wala si Alex may pinuntahan sila ng family niya!", naka ngiti nitong sagot sakin.
"Kelangan talaga na alam pa ng lahat? Kakainis siya!"
Naupo ako sa upuang bato. Hinihintay na lang namin si Nite . Si Maui nagbabasa ng aklat. Hanggang dito may dala parin. Si Mico busy sa phone niya. Kinuha ko yung iPod ko at nag sounds na lang ako. Naupo ako patalikod sa kanila.
"Kanina pa ba kayo?"
"Hindi naman Nite, wala nga pala si Alex, may lakad daw pamilya nila."
"O ano tara na?"
"Ok!"
Nagulat ako ng biglang may nag alis ng earphone sa tenga ko.
"Hoy! Aalis na tayo!", sabi niya sa tapat ng tenga ko.
"Ano ba? Ang aga - aga e nang iinis ka!", bulyaw ko sa kanya.
Tumayo na ako at lumapit kina Maui.
"Tara na!", casual na sabi niya. Nag simula ng maglakad si Nīte.
"Teka, asan yung wheels na sasakyan natin!", sosyal na tanong ko.
"Wheels? Naghahanap ka ng wheels? Ayan o, mga sapatos mo! Yan gawin mong sasakyan!", pang aasar na sabi niya sakin. Sinimangutan ko lang siya.
"Sa bahay muna deretso natin, medyo maaga pa.", at nag lakad na ulit sila.
Wala akong nagawa kundi sumunod na lang.
"Akala ko ba kaya mo kahit anong pagsubok ibigay niya? Kung ganyan ka ngayon palang baka matalo ka lang at hindi mapatunayan na mali siya.", mahinang sabi ni Maui sakin.
"You're right!" Tama si Maui. Dapat ipakita kong pursigido ako.
Binilisan na namin paglakakad, tulad ng sabi ni Nīte deretso muna daw kami sa bahay nila.
"Magandang umaga po!", bati namin sa isang babae na sumalubong samin.
"Magandang umaga naman sa inyo! Ako ang nanay ni Nīte. Luna pangalan ko."
"Nay, sila yung mga volunteers mga classmates ko po sila.
"Mabuti naman kung ganun, malaki maitutulong nyo sa pag linis ng ilog."
"Volunteers? For what?"
"Maglilinis daw ng ilog!", ulit ni Maui sakin.
"So, ano Ms. Ledezma kaya bang maglinis ng marumi at mabahong ilog?", paghahamon ni Nīte sakin.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na ganun pala ang gagawin ko!"
"Bakit umuurong ka na ba?"
"Of course not! Wala sa vocabulary ko ang salitang yon! Maglilinis lang pala kaya ko yun!", mayabang kong sagot.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Roman d'amourAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...