K A B A N A T A 20

17 2 0
                                    

(Third person's pov)

FIRST day na one week intramurals ngayon sa DEHS. Nasa quadrangle ang lahat para sa ceremony at ilang announcement ng kanilang principal.

Pagkatapos, may parade ang mga players. Una, ang mga freshmen, sophomore, junior at mga seniors. Pinakahuli pa sa pila sina Ayrha dahil section 5 sila. Si Maui ang muse nila dahil ito ang representative nila sa Beau-con. Marami sa kanila ang humanga sa bagong Maui.

"Hindi masyadong familiar sakin ang muse ng Senior Black Team!"

"Oo nga at ang ganda niya!"

"Sabi nila si Maui daw yan!"

"Si nerdy girl?"

"Oo! Ang ganda niya ano!"

"So, totoo nga yung naririnig namin!"

Ilan lang yan sa mga sinasabi nila sa tuwing makikita ang bagong Maui. Hindi sila maka paniwala sa transformation nito.

"Diba tama ako Maui? Ang daming hindi makapaniwala sa nakikita nila ngayon sayo!" Mahina wika ni Ayrha.

"Kahit naman ako hindi pa rin maka paniwala sa sarili ko."

"Ikaw lang naman walang bilib sa sarili mo!" May pagmamalaking wika muli ni Ayrha.

Natapos na ang parada ng mga teams. Nag kanya kanya na sila ng punta kung saan ang mga laban nila.

"What time ba ang laban ng team natin sa basketball?"

"Maya pang 2pm Ayrha. Section 3 kalaban natin ang yellow team!" Sabi ni Maui sa kanila habang hawak ang schedule book.

"So, una pala ako! 1pm ang laro namin sa badminton versus section two!"

"Ayos yan Ayrha mapapanood ka pa namin!"-Kaye

"Kung ganun sa canteen muna tayo gutom na kami!" Hirit ni Ian.

"Hindi ba tayo manonood ng ibang game?" Sabi ni Jayla na halatang excited.

"Naku sa canteen na lang tayo tutal mga totoy pa ang nag lalaro ngayon wala lang makikitang fafa dun!" Biro ni Ian dito.

"Ok, gutom na rin naman ako! Tara na!"

Sa canteen muna nag palipas ng oras ang magka kaklase. Kumain na rin sila ng sa ganun may energy sila sa pag dating sa laro.

"Ayrha 12: 30 na hindi ka pa ba pupunta sa game mo?" Nag aalala tanong ni Maui sa kanya.

"Oo nga girl para naman maka pag warm up ka pa! At sure hinahanap na rin tayo ni Miss Kim." Singit naman ni Jayla.

"Sige,, tara na!"

Kahit ayaw pa niyang dahil hindi pa bumabalik sina Nīte na pilitan na rin siyang tumayo at tinungo ang school ground kung saan ginaganap ang ibang games.

"Saan ba kayo nag punta kanina ko pa kayo hinahanap?" Salubong agad ni Miss Kim.

"Sa canteen po Miss nag lagay ng energy!" Magalang na sagot ni Maui.

"Mag handa ka na Ayrha sa game mo! Teka ok ka lang ba? Are you nervous?"

"No Miss!" Pinilit niyang ngumiti. Hindi naman talaga siya kinakabahan iniisip niya lang na kung kelan oras na ng laban niya saka naman umalis si Nīte.

"Warm up ka na Ayrha!"

"Ok!"

Nag tungo na siya sa kabilang panig ng net at nag simulang mag pakondisyon ng katawan. Maya maya lang nag simula na ang laro.

"Teka,, bakit ganun ang laro ni Ayrha? May problema ba siya?"

"Hindi ko rin alam Jayla kanina pa yan ganyan bago mag simula ang laro. Asan ba sina Nite?"

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon