AYRHA
IT'S SATURDAY. Maaga akong gumising kasi ngayon ang usapan namin ni Nīte. Nag stretching muna ako then nag breakfast. 7:30 naligo na ako, after that nag bihis na. Simple lang suot ko capri pants na printed at polo. Nag flat shoes lang ako kasi mag dadrive ako. Exactly 8:30 am ako umalis ng bahay.
"OMG, bakit traffic ngayon? Wag naman sana ako malate nakakahiya!"
Saktong 9 am ako dumating. Nakita ko na siya. Naka sandal dun sa pader. Hindi muna ako lumapit at pinagmasdan ko muna siya. Naka black pants at white tshirt na pinatungan niya ng checkered polo at naka shades pa ang loko, mukang anak mayaman siya sa itsura niya. Napangiti ako. Tinigil ko ang kotse sa may dapat ng main gate, napa deretso siya ng tindig nang makita niya akong lumabas ng kotse.
"Kanina ka pa ba?", tanong ko agad sa kanya. Inalis ko ang suot kong shades. Hindi siya sumagot tumingin lang siya sakin tapos sa kotse. "Tara na!", sabi ko. Tatalikod na sana ako pero nag salita siya.
"Kotse mo ba yan?"
"Natural, ano palagay mo sakin holda---"
"Wala kasi akong nakikitang kotse na gamit mo pag pumapasok ka."
"Di ko lang kasi dinadala!"
"Sabagay, mayaman naman talaga kayo."
"O, ano shall we? Malayo pa pupuntahan natin!", yaya ko na sa kanya. Hindi na siya nag salita sumakay na siya sa kotse kaya sumakay narin ako.
"Bakit ka late? Usapan 9am pero 9:05 ka na dumating?", tanong niya sakin.
"May nagka sabitan kasing taxi dun kaya ayun! Grabe ka naman 5 minutes lang yun!"
"Kahit na, late parin yun."
"Sungit naman ng ka date ko!"
Tumahimik na siya at hindi na ulit nag tanong.
"SLEX na ito ahh! Saan ba punta natin?", tanong niya ng mapansin niyang nasa labas na kami ng Maynila.
"Sa Batangas!"
"Batangas? Layo naman!", reklamo niya.
"Pwede ba shut up na lang! I told you I'm the one who'll choose the place!"
"Ang layo naman kasi! Ok, tatahimik na ako."
Mabuti na lang tumahimik narin siya. Medyo malayo pa yung biyahe namin pero enjoy naman ako kasi kasama ko siya.
NANG makita ko yung sign board ng resort pinasok ko na ang kotse dun.
"Wow, mukang maganda nga dito ahh!"
"Just wait until you get inside!", naka ngiti kong sabi sa kanya, pinark ko na yung kotse at bumaba na kami.
"Sure ko mga sosyal andito."
"Wait me here, punta lang ako sa may lobby!", tumango lang siya. Dumeretso ako sa receptionist at pinakita ko yung membership card ko, nag fill up lang ako sandali at umalis na ako.
"Tara na, gutom na ako e!", sabi ko sa kanya pag lapit ko.
"Ok!", sumunod lang siya sakin sa likuran ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Ang sabi mo gutom ka na at sumunod ako sayo, kaya eto sumunod sayo.", pilosopong sagot niya.
"Oo nga, pero wag ka dyan sa likod ko! Sumabay ka sakin, para kitang bodyguard dyan e!", inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry, hindi mo naman nililinaw e!", sabi niya at sumabay na siya sakin sa paglalakad. Alam ko iniinis nila lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Roman d'amourAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...