AYRHA'S POV:
Andito ako ngayon sa may plaza. Nagtext si Nīte na magkita kami dito dahil may dapat daw kaming pagusapan. Kahit wala akong ideya sa pag uusapan namin ay nagpunta pa rin ako.
"Ayrha! We're glad nakita ka namin dito!"
Sina Amber, Katie at Charie. Ano naman kaya ang kailangan nila sakin at ganun ang sinabi nila.
"Bakit?"
"Well, hindi na ako magpapaligoy pa" Sabi ni Amber at may pinakita siya saking picture. Kumunot ang noo ko ng makitang picture ni Nite at may kasamang babae.
"We heard na....Aya ang name ng girl na kasama niya. Compared to you wala siyang ka class class man lang!" Sabi ni Charie.
"And matagal na yang picture na yan at kung hindi kami nagkakamali kayo pa ni Nite ng kuhanan ang mga pictures na yan!" Sabi ni Katie.
"Kuhanan? You mean hindi kayo ang nag picture sa kanila? Sino naman?"
"We don't know! May nagsent lang samin. Matagal na namin gustong sabihin ito, na niloloko ka lang ni Nite! We think si Aya ang dahilan ng break-up nyo dati!"
"Ano namang basehan para maniwala ako sa inyo?" Hamon ko sa kanila.
Hindi ka namin pinipilit na maniwala pero ayaw lang naman namin na muli kang lokohin ni Nīte."
Hindi ako sumagot. Naka mata lang ako sa kanila.
"Well, bahala ka na kung ayaw mong maniwala. Let's go girls!" Wika ni Amber at iniwan na nila ako.
Ilang minuto lang si Nite naman ang dumating.
"Pasensiya na late ako. Ang aga mo naman kasi---"
"Ano bang paguusapan natin tungkol ba kay Aya?" Tanong ko agad.
"Ha? Ano? Paano naman na pasok si Aya dito?" Gulat niyang tanong.
"Magsabi ka nga sakin ng totoo Nite! Gusto mo ba si Aya at siya ang dahilan talaga kung bakit ka nakipag break sakin?"
"Gusto mo talaga malaman ang totoo?"
"OO!"
"Kung ano ang sinabi kong dahilan sayo noon kaya nakipag break ako yun talaga ang totoo!" Sandali siyang huminto. Pagkatapos, "Pero, tama ka gusto ko nga si Aya!"
Natigilan ako sa sagot niya. Hindi ako nakapag salita.
"Kasi hindi siya kumplikado. Hindi naglalayo ang estado namin sa buhay at simple lang siya. Kaya lang..."
Huminto na naman siya.
"Kaya lang ano?" Tanong ko.
"Kaya lang, BAWAL DAW MAINLOVE SA KANYA! Ang weird ano?"
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya.
"Samantalang ikaw mayaman. Hindi pala, super yaman. Apo lang naman ng founder ng school na pinapasukan ko. Kahit nakikisama ka samin halatang angat na angat ka pa rin kumpara sa lahat!" Huminto muli siya.
Sa totoo lang naiirita na ako sa ginagawa niya. Pinapa suspense pa niya ang mga sinasabi niya.
"Oo gusto ko si Aya, pero anong magagawa ko kahit kumplikado ikaw ang MAHAL KO!" Bigla akong napatingin sa kanya. "Kahit hindi ko pa lubusan nakakalimutan ang ginawa ng Ama ko sa Nanay ko at yun ang dahilan kung bakit galit ako sa mayayaman, hindi ko kayang lokohin sarili ko Ayrha, MAHAL KITA!"
Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang kaligayahan na nadarama ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ito mula sa kanya.
"Totoo ba na Mahal mo ako?" Tanong ko ng lumapit siya sakin.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Romance(Under revision) Ayrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers...
