Naka harap sa salamin si Ayrha at pinagmamasdan ang sarili. Binura niya ang eye liner sa mata. Sunod naman pinagmasdan niya ang labi na may black lipstick. Naalala niya ang sinabi ni Nīte.
"Yang labi mo na ginamitan mo ng itim na lipstick? Hindi bagay sayo! Paano naman ako gaganahan kung ganyan ang kulay niyan."
Inalis niya gamit ang tissue ang black lipstick sa labi niya. Naiinis siya sa tuwing maaalala niya ang mga sinabi ni Nīte. At mas naiinis siya dahil ang lakas ng epekto nito sa kanya. Pinagmasdan ulit niya ang sarili. Kung mag cha-change image naman agad siya sure na iisipin ni Nīte na affected siya sa sinabi nito, which is totoo naman pero, siempre ayaw niyang ipaalam ito.
"Ayrha, may bisita ka!"
"Sige po pababa na po!" Sagot niya sa kanyang Yaya habang iniisip kung sino ang pwede niyang maging bisita. Nagmadali siyang bumaba sa hagdanan para makita ito pero bigla siyang napahinto nang makitang si Bryle pala ito. Kanina iwas na iwas siyang makita ito pero ngayon wala na siyang ligtas.
"Good evening!" Bati nito kay Ayrha.
"Go-good evening!" Pinilit niyang maging kalmado. "Upo ka!" Sabi pa niya at na upo na rin siya. "Napa daan ka?"
"Ayrha, about last night..."
"Let just forget about it!"
"Pero Ayrha, hindi naman yata tama na basta na lang ganun. Alam mo kung anong damdamin ko sayo."
"Bryle, well, I think you're right hindi pwedeng iwasan ko na lang yung nangyari. And, pasensiya na talaga kung nagawa ko yun. Wala talaga ako sa tamang pagiisip."
"Ganun lang ba talaga Ayrha? Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin nang higit sa kaibigan? Bakit hindi natin subukan?"
"Bryle, wag na baka mas masaktan ka lang at ayoko mangyari ang ganun. Ayaw mo ba ang ganito mas ok tayo?"
"Ayrha, alam mo naman na Mahal kita nang higit pa sa kaibigan. Kung subukan---"
"Bryle." Tumabi siya ng upo sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito. "Maniwala ka sakin mas mabuting magkaibigan tayo kaysa higit pa dun."
"Hindi na ba talaga mababago ang isip mo?"
Umiling siya tapos ngumiti sa kaibigan.
"Ok, so, this is it! Paano uwi na ako." Magalang na paalam ni Bryle.
"Sige. Ingats!"
~♥~
Pag pasok ni Ayrha sa school ganun pa rin ang itsura niya. Hindi niya binago ang itsura dahil ayaw niyang isipin ni Nīte na dahil sa kanya kaya niya ginawa yun kahit totoo naman.
"Ayrha, baka gusto mong sumama samin!" Yaya ng isang grupo.
"Saan?" Tanong niya bago ito lumabas ng gate pauwi.
"Dyan lang sa tabi - tabi, birthday kasi nito." Turo nila sa isa nilang kasamahan.
"O sige ba! Tara?"
"Ok, let's go!"
Nagtungo sila sa isang maliit na kainan. Apat silang babae at tatlong lalaki.
"Ano inuman tayo?"
"Sige ba, order na tayo ng beer!" Tinawag nila yung waitress. Sa totoo lang ngayon pa lang siya iinom ng beer kasi hindi ganito ang iniinom nila kapag kasama sina Bryle.
"Boyfriend mo pa ba si Nīte, ha Ayrha?" Tanong nung pinaka cute sa tatlong boys at umakbay pa ito sa kanya.
"Bakit mo naman tinatanong, ha?" Tanong din ni Ayrha.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...