AYRHA
HALOS 1 week na laging cutting classes si Nīte. Tulad ngayon, Friday at absent na naman siya.
"Hindi nyo ba talaga alam kung bakit siya absent ngayon?" Tanong ko kina Alex at Mico, andito kami sa cafeteria.
"Hindi e, nagtext ako sa kanya at sinabing hinahanap siya ni Ms. Kim pero hindi nagreply.", sagot ni Alex sakin.
"Pwede ko ba makuha number niya?" Pangungulit ko sa kanila. Gusto ko talaga malaman kung ano nangyari sa kanya. Buti naman at binigay sakin ni Mico.
"Super concern ka talaga kay Nīte, Ayrha."
"Hindi naman sa ganun kaya lang sayang naman kung hindi siya maka graduate ngayon."
"Oo nga. Sabagay tama ka dyan Ayrha!"
"Sige mauna na ako sa inyo."
Tumayo na ako.
"Saan ka naman pupunta Ayrha?" Tanong nila sakin.
"Hanapin ko si Nīte!"
HINDI na ako pumasok para sa afternoon class nag cutting ako at firstime kong ginawa ito. Naglakad - lakad lang ako. Nagpunta ako sa mga lugar na pwede niyang puntahan.
"Hay, asan na ba yung lalaking yun!"
Kinuha ko sa bag ang phone ko then dial his number, pero walang sumasagot, i dialed again hanggang naging subscriber cannot be reached na.
"Hay, ano bang klaseng phone meron siya!"
Na upo muna ako. Nakakapagod din at ang init pa naman. Pero muli akong naglakad at hinanap siya. Napatingin ako sa dalawang tao na parang pinapagalitan yung isa. Nang paalis na yung pinagalitan, nagulat ako, kasi si Nīte yun. Sinundan ko siya.
"Nīte!"
Lumingon naman siya pero deretso ulit naglakad.
"Hoy, sandali lang!" Hinabol ko siya. "Bingi ka ba?" Humarang ako sa daraanan niya.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Huminto naman siya.
"Hinahanap kita? Bakit lagi kang nag cu-cut ng klase? Tapos ngayon absent pa?"
Tumingin siya sakin ng masama. "Nanay ba kita? Bakit mo naman ako hahanapin?"
"Pwede ba maupo muna tayo dun sa park? Pagod na ako at ang init pa dito." Reklamo ko.
"Sino bang may sabi sayo na sundan mo ako?" Asar niyang tanong, pero thanks narin kasi pumunta siya sa park at na upo. Sumunod naman ako.
"Bakit ka nga nag cucutting classes?" Mahinahon kong tanong.
"Ano pa dahil sa work!"
"So you mean may work ka na ulit?" Masaya ako para sa kanya.
"Kanina, pero ngayon wala na ulit!" Bigla siyang nainis.
"Ha? Bakit naman?"
"Ano pa, di gawa ng mga mayayabang na mayaman na tulad mo!"
Biglang nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita.
"Sorry." Mahinahon niyang sabi. Mukhang naka halata siya.
Ilang segundo kaming walang imikan. Pakiramdaman lang pero ako ang hindi naka tiis.
"Ahm---
"Tara merienda tayo. Nagugutom ako e."
Hindi ako sumagot pero hinila na niya ang kamay ko. Tumigil kami sa harap ng isang aleng nagtitinda sa may gilid ng park.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...