"YAWN!"
Sinadyang inilakas ni Ayrha ang paghihikab at sinabayan pa ng pag stretched ng mga braso. Hindi naman ito naka ligtas sa mga mata ni Bryle na ganun naman talaga ang gusto niyang mangyari.
"Sandali na lang Ayrha may hinihintay lang tayo." Magalang at nahihiyang wika ni Bryle.
Kasalukuyang nasa loob sila ng kotse ng binata at hindi maitago ni Ayrha ang pagka inip.
"Sina Amber ba hinihintay natin?"
"Hindi Ayrha, wait lang darating na, eto na pala siya!" Sabi ni Bryle at lumabas sa kotse niya.
"Hi Bryle! Hi Ayrha!" Bati ni Maui sa dalawa.
"Ano namang gagawin niya dito, Bryle?" Bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Ayrha.
"Ahm, mag papatutor ako sa kanya kaya kasama natin siya."
"Kung sasabay siya dito hindi na lang ako sasabay sayo!" Mabilis na binuksan ni Ayrha ang pinto at lumabas.
"Ayrha, bakit ka ganyan? Kaibigan mo si Maui diba?" Bryle trying to stop Ayrha to leave.
"Kaibigan? Siguro? Dati?"
"What's wrong with you Ayrha?" Patuloy na pagtatanong ni Bryle sa dalaga.
"Ahm, Bryle ok lang next time na lang siguro---"
"Hindi Maui, hindi ka aalis!" Matigas na wika ni Bryle dito at nakinig naman ito.
"Well, naka pag decide ka na, so, ako na lang yung aalis!"
"Ayrha please!"
"Bryle next time na lang. Sige alis na ako."
Tumalikod na si Maui at iniwan ang dalawa. Bumalik naman sa loob ng kotse si Ayrha at ganun din ang ginawa ni Bryle.
"Ayrha hindi ko gusto ang---"
Agad nitong isinalpak sa teinga ang headset at nakinig ng music. Naiiling na lang ang walang magawang si Bryle. Alam nitong walang balak makinig ang kaibigan sa mga sermon niya.
"Andito na tayo."
Nang makita ni Ayrha na nasa tapat na sila ng gate ng bahay nila ay inalis na nito ang headset sa teinga.
"Thanks!" Bababa na sana ang dalaga pero pinigilan ito ni Bryle.
"Ayrha, what's happening to you?"
"What do you mean Bryle? Ganito na ako dati pa di ba?"
"Hindi ko gusto ang ginawa mo kay Maui kanina."
"Oh, masyado ka yatang affected! Sabihin mo nga sakin Bryle gusto mo ba si Maui?"
"Bakit naman gusto mo pang malaman yan?"
"Sagutin muna lang! Gusto mo ba ang nerd na yun?"
"Hindi ko pa alam. Ewan! Siguro dahil hindi siya mahirap magustuhan."
"Talaga lang ha!" Lumapit si Ayrha dito. "Paano kung sabihin ko sayo na I like you? Anong gagawin mo? Si Maui pa rin ba ang pipiliin mo?" Dahan dahang inilapit ng dalaga ang mukha niya sa mukha ng kaibigan.
"Ayrha, stop it!"
Hindi nakinig si Ayrha. Ginawa parin niya ang tumatakbo sa utak niya. Tinitigan niya ang labi ng kaharap at hinalikan ito. Alam niyang gulat si Bryle sa ginawa niya pero ilang segundo lang at naramdaman na rin niya ang mga yakap nito at gumaganti narin ito ng halik. Parang binuhusan ng malamig na tubig ay biglang nagising ang dalaga. Tinulak nito si Bryle at lumayo sa binata.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Romance(Under revision) Ayrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers...
