ANG bigat bigat ng pakiramdam ni Ayrha habang papasok ng school. Masaya sana ngayon dahil walang klase at manonood lang ng mga games pero dahil sa biglang pag iiba ng mood ni Nīte kahapon nasira na rin ang mood niya hanggang ngayon."Bwisit!" Mahina niyang sabi habang hinahalungkat ang bag niya. "Naiwan ko pa yata ang earphone ko!" Kung kelan naman niya gagamitin.
"Beep beep beep!" Busina ng kotse sa tapat niya. Huminto siya sa paglalakad. "Ayrha, sabay ka na!"
"Ikaw pala Bryle, wag na malapit na naman!"
"Sige na!" Binuksan niya ang pinto sa may front seat kaya wala ng nagawa si Ayrha.
"Ok!" Sumakay siya. Anyway kaibigan naman niya si Bryle at dati na rin niya itong ginagawa, ang sumabay dito. Tahimik lang silang pareho hanggang marating nila ang school.
"Thank you Bryle!"
"Ok lang! Wala iyon Ayrha!"
"Paano, see you around na lang!" Kumaway pa siya sa kaibigan bago tuluyang umalis.
Ang ingay sa classroom ng dumating siya wala dun ang iba sa mga classmates nila. Wala rin si Nite.
"Girl, kanina ka pa namin hinihintay!"
"Bakit Jayla?"
"May laban mamayang 9 sina Kaye sa volleyball nood tayo ha?"
"Sure!" Kahit medyo tinatamad siya pumayag na rin. "Asan ang iba?"
"Siguro andun na sa may school ground Section 1 at Section 3 ang unang game bago satin, baka naka tambay na sila dun!"
"CLASSMATES TAYO NA! NAG WAWARM NA ANG MGA GIRLS!"
NAGSIPAG sunuran naman silang lahat upang manood ng laban. Ang dami nang nakaupo sa mga bench mahirap nang makahanap ng lugar na kasya silang lahat.
"Ayun si Ian kumakaway!" Sabi ni Kaye at agad namang nagsipag sunuran sila. Sumunod rin si Ayrha.
"Dito ako! Tabi tayo fafa Mico ha? Doon ka Ayrha sa tabi ni Nīte!" Turo ni Jayla sa may unahan. Medyo nag alangan pa itong lumapit pero inalis ni Nīte ang bag nitong nakapatong sa upuan ng hindi man lang tumitingin. Kahit nag aalangan naupo na rin siya sa tabi nito."Ayan magsisimula na!"
"Wow! Ang sexy sexy talaga ng mga section 1!" Sabi ng ilan sa mga boys na kasama nila dito. Ang iksi kasi ng mga shorts na suot ng mga taga section 1.
"Tingnan natin kung mahuhusay din sila!"
"Naku ano ba yun! Ang bola tinitira hindi iniiwasan! Hahaha!" Birong sigaw ni Jayla kina Amber.
"Oo nga! Hahaha!"
Nag tawanan silang lahat maliban kay Ayrha. Para tuloy siyang na out of place sa nangyayari masyado siyang apektado sa nangyari kagabi. Mukhang wala yatang balak siyang kausapin ng katabi. Mukhang pangangatawanan niya talaga iyon.
Tumayo si Ayrha at iniwan sila. Pakiramdam niya kasi maiiyak siya ng wala sa oras.
"O Ayrha saan ka pupunta?"
"Hoy Nīte anong ginawa mo dun?"
"Wala ano! Wala akong ginawa dun!"
"Yun ang dahilan hindi mo siya kinikibo kaya umalis siya! Sundan muna!"
HINDI na napigil pa ni Ayrha ang mga luha niyang pinipigil na tumulo kanina at umiyak na siya. Naiinis siya dahil pakiramdam niya wala man lang pakialam sa kanya si Nīte.
"Ayrha!"
"Bryle!"
Tumakbo siya dito at yumakap. Pakiramdam niya she need someone to talk and someone who would comfort her.
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...