Araw nang Lunes at masayang nag kukwentuhan ang lahat tungkol sa naganap na pageant noong nakaraang Sabado. Noong araw ding yun nag bigay ng mga awards sa mga team na nanalo at mga special awards.
"Ok lang Maui kahit ikaw ang first runner-up! Para samin ikaw ang champion!" -Jayla
"Thank you guys! Pero infairness maganda at mahusay rin naman yung nanalo from third year level!"
"Tama ka dyan! Sayang wala si Ayrha. Ano kayang nangyari dun?" -Kaye
"Oo nga. At si Nīte umiiwas pag tinatanong natin about her. Ano ba talaga kaya ang nangyari?"
"Mukhang may bago yatang estudyante, ahh!" Sabi ni Alex dahil may pinagkakaguluhan.
"Transfer? Imposible! Halos nasa kalagitnaan ng taon may lilipat pa ba naman ng ganun?"
"Oo nga naman! Tama si Maui!"
"Kung ganun, sino naman kaya yun?"
"Mukhang kasama ni Bryle... patungo dito!"
♡♡♡
"Ayrha, ano ba naman yang itsura mo?"
"Bakit may dumi ba ako sa mukha Bryle?"
"Wala! Pero tumingin ka ba sa salamin bago lumabas ng bahay nyo?"
"Ano bang problema sa itsura ko ha?"
"Anong problema? Marami, yang mata mo na puno ng eyeliner at yang lipstick mo bakit black?"
"Uso ito ngayon! Rock and roll, diba?" At tumawa pa ito.
"Ayrha!" Ang tanging nasabi ni Bryle.
Nag deretso na ulit sila sa paglalakad patungo sa classroom. Lahat ng mga estudyante na madaanan nila hindi maalis - alis ang mga mata sa bagong Ayrha na kanilang nakikita. Halos manlaki ang kanilang mga mata sa pagka bigla sa pagbabago ng itsura nito.
"Si Ayrha ba yan?"
"Bakit ganun ang itsura niya?"
Ngumingisi lang siya sa bawat pagtataka at pagtatanong nila. Pag pasok niya ng classroom lahat ng andito akala mo nakakita ng multo. Deretso lang naman siya sa kanyang upuan. Pagupo niya dito ay agad inilagay sa tenga ang headset, kumain ng chewing gum habang nakikinig ng music.
Lahat ng classmates niya na dinaanan niya sa may labas ng pinto kanina parang mga timang na nakamasid sa kanya habang pumapasok sa loob ng silid aralan.
"Nīte mabuti dumating ka na!" Salubong agad dito nina Mico at Alex.
"Bakit?"
"Si Ayrha pumasok na!" -Alex
"Andyan na siya?" Masayang sabi ni Nīte at agad itong nagtungo sa may pinto ng silid pero natigilan siya sa nakita. Hindi siya maka paniwala kung si Ayrha nga ang babaeng nakaupo sa tabi ni Maui.
"Halika dito!"
Nagulat si Ayrha sa biglaang ginawa ni Nīte dahil pinilit niya itong itayo at dinala sa may bandang likuran.
"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Ayrha. Inalis niya ang headset na gamit niya.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Isang Linggo kang absent at halos lahat kami dito nag aalala sayo tapos babalik ka lang ng ganyan?"
"WALA KANG PAKIALAM!"
Tatalikod na sana ito para bumalik sa upuan ng muling mag salita ulit si Nīte.
"Wag mo ngang gawin yan ng dahil lang sa nangyari sa atin. Marami---"
"TUMIGIL KA! Ang kapal naman ng mukha mo para isipin na ikaw ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito! Sa susunod wag na wag mo na akong pakikialaman na parang may karapatan ka! HINDI MO NA AKO GIRLFRIEND!"
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...