K A B A N A T A 14

14 3 0
                                    

AYRHA



HINDI ko alam ang mararamdaman ko dahil sa sinabi ni Nīte. Malungkot akong tumingin sa kanya.

"O bakit ganyan mukha mo? Iiyak ka ba?"

Matapos niyang magtanong ay bigla akong napa iyak.

"Hoy! Anong problema mo?"

"Sabi mo kasi... break na tayo!"

Pinitik na naman niya ang noo ko. "Sira! Ibig kong sabihin break muna tayo sa ginagawa natin. Sumasakit na kasi yung ulo ko!"

"You mean, tayo parin?", Panigurado kong tanong.

"Malamang! Lumapit ka nga dito."

Na touched ako sa ginawa niya kasi pinunasan niya ang luha ko.

"Kadiri may sipon pa!", Pang asar niya sakin.

"Kainis ka! Wala naman e!"

At nag tawanan lang kami.

"Hindi parin tumitigil ang ulan!" Sumilip siya sa may bintana. Sumunod naman ako.

"Naku may baha na pala sa kalsada!" Nababahala ako dahil iniisip ko kung paano ako uuwi.

"Paano ka uuwi niyan? Hindi kita maihahatid walang tao dito. Nagtext si Nanay bukas pa ng tanghali uwi nila."

"Maaga pa naman 4 palang baka mawawala din yan mamaya. Hindi ba kayo pinapasok ng tubig dito?"

"Hindi naman dahil pag lumampas na sa may gutter ang tubig, bubuksan ko yun,, para dun pumunta ang tubig! ", Tinuro sakin ni Nīte ang hugis square na parang manhole, nasa may gilid ng bahay nila.

"Mabuti na lang may ganun!"

"Isara na natin yan, umaampiyas e." Marahang niyang isinara ang bintana.

"Ano aral na ulit tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Maya na! Nood lang akong basketball. NBA!"

"Ok! Mag sasounds na lang ako dito!"

Pinanood ko lang si Nīte habang nanonood siya ng tv ako naman nakinig na lang ng mga songs sa Ipod ko. Na iimagine ko pano kung maging asawa ko siya, then dito kami titira parang ang saya-saya at wala na akong mahihiling pa.

"Nakita mo Ayrha ang galing nung---". Hindi natapos ni Nīte ang sasabihin niya ng makita niya akong tulog. Actually, inaantok pa lang ako pero hinayaan kong ganun ang isipin niya. Lumapit siya sakin at bahagyang niyugyog pero hindi ako nagmulat. May kasabihan nga "mahirap gisingin ang taong di naman tulog". In-off niya ang iPod at inalis sa tenga ang earphone na gamit ko.

Naramdaman kong umangat ako. Binuhat niya pala ako at inihiga sa may kwarto. Tinanggal niya ang suot kong sandals tapos kinumutan bago lumabas ng silid. Lihim akong natuwa sa ginawa niya.

"Hay, makapag luto na nga baka mamaya mawalan pa ng ilaw. May manok pa pala dito, papaya, talbos ng sili, luya, ahh, tinolang manok na lang lutuin ko."

Dinig ko mula dito ang ingay sa kusina.

"Brownout! Tsk! Yan ang sinasabi ko sa hula!"

"AHHHHHHHHH!!! "

"Bakit? anong nangyari sayo?"

"Wahhhhh! Multo!" Lalo ako sumigaw.

"Anong multo? Ako ito!" Pakilala ni Nīte bago siya lumapit.

"Bakit ba ang dilim at bakit ka may dalang candle?" Yun ang dahilan kung bakit napagkamalan ko siyang multo.

"Obvious ba! Brownout!"

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon