AYA
HINDI agad ako nakapag salita sa tanong ni Mother Superior pero hindi ko pinahalata na kinabahan ako. Dapat walang maka alam ng sekreto ko.
"Related ka ba sa kanya o ikaw talaga siya, Aya?" Tanong ulit ni Mother superior habang naka tingin saking mga mata.
"Mother, ano po ba yang sinasabi nyo? Hindi ko nga po kilala yun ngayon ko lang po narinig ang pangalan niya." Pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sabihin ang totoo, pero isa lang masasabi ko sayo, maybe you can hide the truth but not those eyes!"
HANGANG ngayon na iisip ko parin ang sinabi ni Mother superior sakin. Hindi maaaring malaman agad ang sekreto ko. Hindi pwede!
"Hoy, ang lalim yata ng iniisip mo, Aya!"
Napalingon ako. Si Nīte pala, naka upo siya sa harap ng isang tindahan. Nilapitan ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Naupo ako sa bakanteng silya sa may tabi niya.
"Naka upo! Hindi mo ba kita!" Pilosopong sagot niya.
"Hahaha, nakakatawa!" Sarcastic kong sabi sa kanya.
"Ikaw, bakit parang ang lalim nang iniisip mo?" Tanong niya muli sakin.
"Wala yun! About school lang ikaw kumusta na?" Pagbubukas ko ng paksa sa kanya. "Kumusta na kayo nung kaklase mo?"
"Ok lang ako. Yung sinasabi ko sayo na classmate ko, mag kasama kami nong Sabado. Grabe mayaman talaga siya!"
"Bakit? Saan ba kayo nagpunta?" Usisa ko.
"Sa isang resort, grabe nung umorder siya ng pagkain parang fiesta, hahaha!" Napa ngiti ako. Halatang halata sa kanya ang kasiyahan.
"Ang saya mo ha, inlove ka na yata."
"Ako inlove? Sa kanya?" Umiling siya. "Ayoko parin sa tulad niya!"
"Bakit ano bang gusto mo?" Wala sa loob kong tanong habang pinapanood ko yung mga batang naglalaro.
"Gusto ko simple lang, mabait at hindi mayaman."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ganyan ka maka tingin?" Paglingon ko kasi ay naka tingin siya sakin at naka ngiti.
"Bakit masama bang tumingin?"
"May sinabi ba akong ganun. Basta wag ka lang maiinlove sakin kasi bawal!" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Bakit may boyfriend ka na ba? O baka naman tomboy ka?" May halong pang aasar niyang tanong.
"Wala akong boyfriend at hindi rin ako tomboy. Bawal lang talagang mainlove sakin!"
"Ang weird mo! Alam mo ba yun? Paano kung ligawan kita?"
"Subukan mo lang at hindi muna ulit ako makikita!" Seryoso kong banta sa kanya. Ayokong pati siya madamay sa peligro.
"Tss, mag ice cream na nga lang tayo!" Tumayo siya at lumapit sa Mamang nagtitinda ng sorbetes. Iniabot niya sakin yong isa.
"Thanks! Tamang - tama cookies and cream flavor. Favorite ko!"
"Favorite mo ba yang cookies n' cream?" Tanong niya habang nilalantakan yung ng ice cream na binili nya.
"Oo. Ikaw ano paborito mo?"
"Kahit ano lang. Kung ano meron yun na lang!" Praktikal nitong sagot.
Naputol sandali ang paguusap namin ng may nagtext sakin na friend ko, binasa ko muna ito.
"Sino nagtext?"
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
Romance(Under revision) Ayrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers...
