Chapter 1 - Ice

12.8K 167 0
                                    

"I think busy ako that day. Yup, I'm definitely busy. I can't." Umalis ako sa kitchen hoping to avoid the talk.

"That's Saturday. Wala kang pasok."

"Makikipagkita ako kay Rhian, Ma."

"Cancel it. Ask for a rain check."

"Will do. Pero may sakit ako nung araw na 'yun." It's ridiculous pero sinabi ko pa rin para alam niyang ayaw ko talaga.

This time she just looked at me. And I know that look.

Maybe pilitin ko pa ang sarili kong magkasakit para lang hindi matuloy.

"Ma, ayaw ko. Stop doing things like that behind my back. Maghahanap ako if I want a boyfriend."

"He likes you. Sinabi lang sa akin ni Rose. Wala akong magawa. Just do me this favor."

Pang ilan favor na ba 'yan sa akin ni Mama? Wala akong time makipagdate kaya si Mama ang gumagawa ng paraan. It's like she wants me out of this house already.

After college pinabalik niya ako dito sa bahay pero mukhang nagsasawa na siya sa mukha ko ngayon.

It's ironic. Parang dati lang problema niya ang pagboboyfriend tapos kung kailan wala naman siya ang naghahanap. Seriously, siya rin ang gumagawa ng sarili niyang problema.

Also blind date is not my thing. I hate it. Who likes that shit anyway?

"What did Dad say? I'm sure hindi siya papayag. I'm--"

Nilagay ni Mama ang dalawang kamay sa beywang. "He knows. Just dinner. Hindi ko naman sinabing kailangan mo na siyang iboyfriend. You can go out as friends, right? Just think of him as Michael or Oliver or whoever you want to."

"Iba pa rin 'yun, Mama."

Ugh I can't believe we're arguing about this again. Alam ko na kung ano ang kalalabasan nitong usapan na 'to.

Conclusion: I will still go as planned.

"Fine. But you know I don't like Jerry so just this once. Wala nang next time."

xx

Tinawagan ko si Rhian at si Jade. At least sila maiintindihan nila ako.

"You got to talk to Tristan. Nagseselos na siya sayo." Jade laughed for no reason.

Buti pa 'tong babaeng 'to! Galit na galit lang kay Tantan dati pero ngayon mabanggit lang ang pangalan niya ay ngingiti.

"Just break up with him." Inis kong sabi.

"Problema mo nanaman? Boss mo?" Tumawa rin si Rhian.

"Worse. Si Mama, ayun pinilit nanaman niya akong makipagdate sa anak ng kaibigan niya. Alam mo naman ayaw ko 'yung pinipilit ako. Pero wala naman akong choice."

"Baka gwapo naman. Carry naman siguro?" Rhian asked.

Sa totoo lang wala naman akong pakialam sa itsura niya. Kahit pa gwapo siya ay ayaw ko pa rin. The point is ayaw ko talagang sineset up ako sa mga date. And I've seen the guy more than once. Hindi siya pangit pero kasi may pagkaweird lang siya that's why hindi kami nagkakausap.

"Dinner lang naman diba? Kaya mo na 'yan."

"No. This guy is," Nagisip ako ng word na pwede kong idescribe sa kanya. And I can't think of any. "Basta hindi ko siya trip. May something off lang."

"Or you can just date him." Nginuso ni Jade ang isang waiter.

"I'd rather date him. Seriously." I rolled my eyes.

Parang ang laki laki ng problema ko noh?

"He's really that bad? Bakit ka naman iseset up ni Tita kung hindi naman pala okay?"

And now even my friends are feeling bad for me. Hindi naman ako pangit para kailangan ko pang umasa sa parents kung gusto kong makipagdate. I can get a guy on my own. Buy my Mom just don't understand that.

"Nakakahiya daw kasi kay Tita Rose pag hindi siya pumayag."

"What happened to the office mate guy you're dating? Wala na kayo?"

"Please. Ikaw ang nagsabi sa akin na makipagbreak na sa kanya. He's a jerk anyways."

Natahimik si Rhian dahil doon. Kung bakit kasi wala akong matinong naging boyfriend. If only one of them were edi sana wala na akong problema ngayon.

"Sabi kasi sayo si Michael nalang. Gwapo na, mabait pa. Bonus pa if you dig a rich boyfriend. Ano pa bang hanap mo?"

I scowled. Just not Michael.

"Nako Jade parang hindi mo kilala 'tong kabigan natin."

Sobrang okay na kaibigan si Michael. Like 101% okay. Wala talaga akong masabing pangit sa kanya pero gaya nga ng sabi ko hanggang kaibigan lang talaga. Because he's basically one of my best friends and I don't date my best friends.

"Gusto mo bang kainin ko lahat ng sinabi ko? Mga ew at yuck ko." Umirap ako. "Marami naman dyan iba. Just know na pag wala na akong choice aagawin ko nalang si Tantan sayo." Ew.

"You are welcome to do that. I would love a challenge." Jade laughed.

See. Nakakainis! Now she talks like him too.

"So makikipagkita ka nga talaga doon sa guy?"

"Ano pa ba?"

"Just ask Michael to be your fake boyfriend or something para naman tumigil na si Tita kakareto sayo."

"Kayo kailan titigil kakaasar sa akin kay Michael?"

"Never." They grinned.

Kung ganon lang sana kadali nagpatulong na ako kay Michael.

My mom is not easy to fool. Ang tagal na naming magkaibigan ni Michael tapos ngayon lang. At kilalang kilala na niya si Michael kaya hindi ko rin siya maloloko. And things aren't always so easy with Michael anyway.

Nasa parking na ako and the first thing I noticed was the grey lines sa may door ng passenger seat.

What the hell.

Itim ang kotse ko kaya nakita ko agad ang mga gasgas. Imposibleng meron na 'to kanina dahil alam ko kung nagasgasan ko ang kotse ko.

Wala na rin ang kotseng nakaparada sa tabi ko na sa tingin ko ay ang nakagasgas nito.

May puting papel lang ako nakitang nakaipit sa windshield na sa tingin ko ay hiningi pa sa restaurant dahil resibo ito na may nakasulat sa likod.

Itatapon ko pa sana kung hindi ko nakita ang sulat.

Please. Wala na bang mas papangit pa sa araw na 'to?

The note says,

I'm sorry I scratched the side of your car. This is kind of rude pero nagmamadali kasi ako. But you can reach me in this number
09177873341

- Ice

What now. Ice? Seriously?

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon