Chapter 42 - Pancake

2.9K 82 1
                                    

"Wait." I shouted from my room because of the continuous knocking of the door.

Tumayo ako sa kama at nakapaang binuksan ang pinto.

Nanlaki ang nata ko at napakunot ang noo nang nakita ko kung sino ang nandoon.

"Surprise!" He said cheerfully.

Bored ko siyang tinignan at kunyaring isasara ang pinto.

"Is that a way to treat your boyfriend?" Hinarang niya ang kamay niya at tuluyang pumasok sa kwarto.

Nakapajama lang ako at tshirt. Nakaheadband pa nga ako sa ulo and I don't care if he sees me like this. Normal nalang ata 'to sa amin.

"Who are you again?" Umupo ako sa gilid ng kama.

"Sus. Ang bilis mo naman makalimot." He sighed then said his next words in a very exaggerated way he can. "You don't get to say the word leave until I said so."

See. Akala ko makakalimot siya dahil sa dami ng ininom niya pero mas malinaw pa ang alaala niya kaysa sa mata ko. Nakakainis kasi may bagong pangasar nanaman siya sa akin.

"Minsan napapaisip ako kung anong nagustuhan ko sayo." I stared at him and made a face. "Bakit ka pala nandito? Akala ko mamaya ka pa?"

"Natapos ng maaga ang meeting ko." He said as he looked around my room. "Pinaakyat ako ng Mama mo."

"Bakit niya gagawin 'yun? She barely know you." Curious ko siyang tinignan.

Gustong gusto na ni Mama na magkaboyfriend ako pero mataas ang standards niya pagdating sa mga dinedate ko. I don't see why first meeting pa lang nila at pinayagan siyang umakyat magisa.

"I gave her flowers." He said as a matter of fact.

Napatingin ako sa kanya at natawa. "Seryoso ba 'yan?"

Tumango tango at lumapit sa akin. He pulled me up to hug me. Sumiksik naman ako sa kanya at niyakap siya pabalik.

Kainis ang bango bango niya samantalang ako hindi pa nakakaligo.

"I miss you."

Hindi ako sumagot instead lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

Humiwalay ako sa kanya.

"Kumain ka na ba? Gusto mo kumain?" I asked but didn't wait for his answer. I head for the door at sumunod naman siya.

Pagbaba namin ay walang tao sa kitchen. Binuksan ko ang ref and I scanned the food inside then decided to shut it again. 

Binuksan ko naman ang cupboard at may box doon ng pancakes at brownies.

Kinuha ko ang isang box at hinarap sa kanya. "Pancakes!" I announced excitedly.

We prepared it like a pro. If there is one thing I'm good at, that is making instant food tastes not like one. After all doon kami nabuhay ni Jade nung college pa kami.

But we ended up playing with it. I don't know who started it, if it was me or him basta puro batter nalang kami sa mukha at buhok. 

He raised his hand and was suppose to throw it when he suddenly stopped hands mid air. Tapos tinignan niya ako at alam ko na agad kung bakit. I slowly turned my head and saw my Mom standing few feet away with her arms crossed.

"You shouldn't play with food, Tiffany." Sabi ni Mama pero hindi naman siya galit dahil kung 'yung ang usapan, she rather look amused. Mukhang pinipigilan niyang matawa.

"Be sure to clean up this mess." She said before walking away.

Isaac doesn't look guilty at all. Natawa pa nga siya at hinilamos pa sa akin ang kamay niyang puno ng batter bago siya naghugas.

We did make a mess out of the kitchen but no regrets, really. Medyo sayang nga lang ang pancakes na sana nakain namin but we had fun.

We already had our fun. I had my share of fun so now I have to deal with it. Si Ice ay pinaakyat ako at pinahugas ko sa bathroom ng buhok at mukha. Buti nalang at hindi nalagyan ang damit niya.

Habang ako ay naglilinis ng kitchen ng may malagkit pa sa buhok ko. Tinulungan rin ako ni Manang kaya mas mabilis kaming natapos. Pero habang nililinis ay sinesermonan rin niya ako. Natatawa nalang ako kasi hindi ko rin alam ang sasabihin.

Pagakyat ay nakita ko si Ice na nakaupo na sa kama at malinis na pero basa pa ang buhok niya.

He held out his phone and asked me to come closer. Lumapit ako but with some distance dahil baka madikitan ko ang damit niya. He snapped a picture of us together pero sumimangot ako after.

"Sige ikaw nanaman ang fresh. Habang ako.."

"Gusto mo bang sabihin kong maganda ka pa rin?" Tumawa siya.

"Nakakahiya naman sayo kung napipilitan ka pa." Kinuha ko ang towel sa tabi at pinanusan ang buhok niya. "Basa pa buhok mo."

Hinayaan niya akong punasan ang buhok niya pero minutes later hinawakan niya ang wrists ko at binaba ko ang kamay ko.

He then kissed the back of my hand then looked up to me. Nakatayo pa rin kasi ako while nakaupo siya sa kama.

"You are always beautiful to me."

I flushed at huminga ng malalim. Ang hirap maging prepared dahil bigla bigla nalang siyang ganyan. Aasarin ka, tapos babawi naman after. How can I not love this man?

I leaned down and brush my lips lightly to his lips. Just enough for our lips to touch then I pulled away.

"Dyan ka lang. Maliligo ako." I said grabbing the towel. "Don't talk to Mama alone. Wag kang lalabas."

"Yes ma'am."

Pagkatapos kong maligo nakita kong nakadapa siya sa kama habang tinitignan ang isang photo album.

Halo halong pictures ang nandoon. Mahilig kumuha ng picture si Dad kaya marami talaga akong pictures from baby days hanggang high school.

'Yung mga gusto talaga niya pinapaprint niya at nilalagay sa album.

Ayaw niyang lahat nasa camera lang o cellphone dahil pwede daw 'yun mabura.

Nilabas niya ang isang picture sa slot at pinakita sa akin.

"First time I won the compe."

"Yup. Look closely."

Kumunot ang noo ko pero tinignan ko. Ngayon ko lang napansin na may lalaking nakasalamin sa background at malaki ang ngiti.

"Oh my God. Ikaw 'to!" Sabi ko.

"Yeah. Can I keep this?"

Meron pa naman akong soft copy kaya binigay ko na 'yun sa kanya. I can tell that he really like the picture.

Umupo naman ako sa dressing mirror and start applying moisturizer when I saw him standing behind me.

Kinuha niya ang blower sa table, "Let me?"

Tumango ako. Maingat niyang sinuklay ang buhok ko at binoblower. Sobrang ingat na halos hindi ko naramdaman at nakakaantok 'yung feeling.

Hindi katulad sa parlor na kung makahila sila ng buhok na parang matatanggal na sa anit.

Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard habang nakahiga naman ako sa lap niya.

"Isaac." I like his name kahit na minsan ko lang siya tawagin sa buo niyang pangalan.

Pinaglalaruan nanaman niya ang kamay ko at mga darili.

"Paano kaya pag hindi ko tinawagan 'yung number?"

"Hindi ko alam. But I think it doesn't matter. We will still find each other, I think."

Ngumiti ako. Our unplanned meeting happened countless of times. 'Yung gabi sa bar kung saan ko siya unang nakita, 'yung pagbili ko ng kape sa starbucks, and his office being near mine.

I guess fate always find a way.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon