I can't wait for next week! Babalik na sila Dad. For now the house is mine for this weekend.
"Nasa bahay ka?" Tumawag si Ice.
"Bakit?"
"Puntahan kita dyan." With that he ended the call. Hindi ko pa nga sinabi kung nasa bahay ako.
Kung kailan wala si Mama that's when he decided to show up. Hindi tuloy siya makikita ni Mama. Sasabihin ko pa naman na I'm seeing him.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Walang pasok bukas. What do you plan on doing?"
"I plan to sleep all day and watch movies. Thank you."
Kung dati sa tuwing may holiday o walang office work may nakaplano na kami nila Oliver na outing o lakad pero ngayon tinatamad na ang lahat. We all just want to be a couch potato during holidays.
"Labas tayo."
"Ayaw. Nakakatamad." Tipid akong sumagot.
"Tara na. Kahit na samahan mo lang ako?" Hinihila niya ako patayo ng sofa papunta sa main door.
"Wag mo kong hilahin." Huminto ako sa paglalakad. "Teka nga, saan ba kita sasamahan?"
He smirked then, "Roadtrip? Baguio."
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ayaw ko nga!"
"You'd rather stay here than come with me?"
"Yes. Bakit naman ako sasama sayo? Ano ba kita."
Totoo naman. Baguio tapos kaming dalawa lang? Baka isipin pa niya patay na patay ako sa kanya.
Tumawa siya, "Bakit ba ang taray mo? Bawal bang magroadtrip ang magkaibigan?"
"Wala ka bang ibang kaibigan? Ask them. Si Mateo."
"Ikaw ang gusto kong kasama. That's why I'm asking you." Sagot niya.
"Pero ayaw kong sumama sayo. Tsaka tayong dalawa lang?" Umiling ako, "Ayaw ko."
He showed a smile, "Bakit, natatakot ka bang mainlove sa akin?"
See, sabi na iisipin niya iyon. I did ask him to be with me pero fake lang naman 'yun and now he thinks I like him.
"Woah. Baka ikaw? Gustong gusto mo nga ako isama."
Humalakhak siya na parang nagpatawa ako. "Wag kang magalala. Wala akong gagawin sayo. Need I remind you na hindi naman kita type."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na! Paulit ulit. Kakairita! Just so you know that is because wala ka kasing taste."
"Ano na, ikaw na nga niyayaya ko ayaw mo pa. Ako naman magdadrive, hindi ka naman mapapagod. Wag ka nang maarte."
"Ayaw ko nga. Bakit ba ang kulit mo! Maarte pala ako, edi iba nalang yayain mo. 'Yung hindi maarte." I stressed the last word.
Bakit ba kasi ako ang gusto niyang yayain. Madami naman siguro siyang kaibigan?
"You know what, kaya naman kitang buhatin papunta sa kotse ko. Ayaw ko lang na mapahiya ka dahil nakapambahay ka pa that's why I'm asking nicely." Aniya. "So.. what do you prefer, Tiffany?"
Ganito ba ang feeling ni Jade dati pag niyayaya ko siya at ayaw niya tapos pinipilit ko siya? Now I know the feeling. Sorry, Jade.
"Tinatakot mo ba ako?" Mataas ang boses ko. Baka akala niya matatakot niya ako sa pag ganyan niya.
"Sinusubukan mo ba ako?" Tumaas ang kilay niya.
Minutes later,
"Sit back and relax." Nangaasar pa siya.
Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.
Oo na, natakot ako. Naiimagine ko pa lang na pinagtitinginan ako ng tao dahil nakapambahay ako ay nahihiya na ako. Never in my life will I go out unprepared.
Naawa rin ako sa kanya kaya nakipagpalit ako sa kanya at ako muna ang nagdrive. Para naman makapagpahinga siya kahit papano. Una ay ayaw niya talaga dahil balak niya siya lang talaga ang magdadrive pero nagpumilit ako.
"Sigurado ka alam mo ang daan?"
"Uso po waze, Mister."
xx
Nakarating naman kami ng safe at buti nalang hindi rin ako nagkamali ng daan.
Kaya pala nito gusto mag baguio dahil may bahay sila dito. Walang tumitira dito pero malaki. Sabi niya they just go here to spend weekend or holidays.
Tinuro niya sa akin ang isang kwarto. "That's your room."
"Ikaw saan ka?"
"Bakit gusto mo rin sa kwarto ko?" Naglalaro ang ngiti sa labi niya.
Inirapan ko lang siya at dumiretso sa kwarto ko. Ang feeling talaga non kahit kailan! Akala ba niya lahat ng babae may gusto sa kanya? Not me.
"Wala ka bang balak lumabas dyan?" Kinatok niya ako. "Lalabas ako para bumili ng pagkain. Sasama ka ba?"
Padabog akong tumayo para buksan ang pinto at inunahan siya sa paglakad.
Narinig ko lang ang tawa niya bago sumunod.
Kumain nalang kami sa labas at nag grocery ng mga gusto namin kainin. Pagbalik sa bahay ay dumiretso ulit ako sa kwarto.
Hindi ko alam kung bakit pa ako sumama kung nasa kwarto rin naman ako. Hindi rin naman niya ako niyayayang lumabas at hindi ko alam ang daan dito kaya nagstay lang ako sa kwarto at nanood ng tv.
Nung lumalim ang gabi ay kinatok niya ulit ang kwarto ko at niyayang uminom. Tig isang bote kami ng beer at umupo sa may labas ng bahay nila.
Sakto dahil malamig kaya masarap uminom at magkwentuhan.
"Anong mas masarap dito o sa bahay?"
"Sa bahay kasi wala ka doon." I snarked at him.
"Weh? Gustong gusto mo nga ako kasama."
"Sino kaya sa atin? Kapal talaga ng mukha mo noh?"
"De, pero seryoso na. May tanong ako, bakit ka pala palaging sineset ng Mama mo makipagdate?"
"Bakit? Papayag ka nang maging boyfriend ko?" Biro ko.
Tumawa lang siya.
I sighed, "Akala niya kasi hindi na ako magboboyfriend. Alam mo dati madalas akong may boyfriend." Natatawa ako pag naiisip ko. "Palagi nga niya ako pinapagalitan. Siguro hindi lang siya sanay."
"Ah playgirl.." He teased.
"Heh! Pero 'yun nga. Pero sa ngayon ayaw ko na muna kasi gusto ko muna magconcentrate sa career. I think she's worried that I will not be able to marry."
"Baka sa susunod kasal na iooffer mo sa akin at hindi na boyfriend."
"Hindi nga kita type ang kulit mo rin eh noh." I hit him.
"Kunyari ka pa. Wag ka lang magoffer sa akin dahil hindi rin kita type. Baka magalit ka nanaman at magwalk out." He nudged me.
Nainis talaga ako dahil first time akong natanggihan pero buti na rin because I don't think magiging ganito kami kaclose kung hindi.
"Ngayon pa lang winawarningan na kita. Baka ma in love ka sa akin at ikaw ang magoffer? Know that tatanggihan kita, okay?"
"Touche."
BINABASA MO ANG
Accidentally on Purpose (Completed)
RomanceWhat happens when two people meet by an accident? (Tiffany from The Bad Boy's Girl story)