Chapter 27 - First Dance

2.8K 75 0
                                    

After the dinner tinawag na ang iilan sa pinsan niya at si Ice ng coordinator para sa 18 roses.

"Okay ka lang dito?" He asked.

"Yup. Nandito naman si Mateo." Sagot ko.

I even felt his hand on my back before he left the table.

"Tayo nanaman ang naiwan. Gusto mong mag games ulit?" Tumawa ako.

"Nakikita mo lang ako pag wala si Ice." He tsked at umiling.

"Grabe ka naman! Ang layo mo kasi sa akin. Kung ayaw mong mag games okay lang rin naman sa akin.." I trailed.

"We are definitely playing that game. Hindi ako naniniwalang hindi ako mananalo. Gutom lang kasi ako kanina." Palusot niya pa. "Game ah, mamaya. Panoorin mo muna 'yung boyfriend mo."

I patted him. "Wag kang magselos, hindi ko siya agawin sayo."

Pabiro niya akong siniko. Pinanood namin ang sayaw at ang 18 candles and treasures niya.

Malamang kung nagdebut ako ay puro kalokohan ang sinabi nilang speech. It's a good thing hindi ako nag ganito dahil malalaman lahat ni Mama mga kalokohan ko.

One of her friends spill that they gave guys nickname like vanilla and mocha para walang makaalam na sila ang pinaguusapan.

Gustong gusto ko 'yung part nung kasayaw niya 'yung Papa niya. She looked so happy and it gave me so much feels especially nung binigay na siya sa next guy.

When it's Isaac turn nilabas ko ang phone ko ay kinunan siya ng picture with his sister. Kinakausap niya ang kapatid which I'm sure sinasabi niyang bawal magboyfriend.

"Palagi niyang inaasar 'yan si Nina pero alam mo ba palagi niyang pinagtatakpan si Nina sa parents nila na may time na hindi sila nagusap ng Mama niya for a week." Kwento ni Mateo sa akin while they are dancing.

I admired him even more for that. Everyone needs a brother like him. It's sad I'm an only child. I bet it's good to have a brother who always have your back.

"A good brother and a friend." I nodded.

Pabiro niya akong siniko, "Are you sure friend lang? Because I don't mind."

"Sira ka!" Tinawanan ko nalang siya.

Malaki ang ngiti ni Ice nang makabalik siya. "You're okay?"

I nodded, "Ang kulit lang ni Mateo! Kung ano ano pinagsasabi."

After everything ay nagannounce 'yung host na games naman at nagtawag siya galing sa table ng mga kaibigan ni Nina. They played how well do you know me game with Nina and 2 truths 1 lie.

Umalis kami sa table para magpunta ulit sa mga games at sa photo booth na ang daming taong gustong pumila.

"Ang haba ng pila."

"Ngayon lang tayo gwapo at maganda sympre kailangan natin magphoto booth."

"Palagi naman ako maganda." I corrected him.

"Ngayon lang ako gwapo. Masaya ka na? Trip mong asarin ako noh?"

Kumuha kami ng props at nagkanya kanyang pose. Sobrang inenjoy namin ang photo booth at marami kaming takes bago umalis. Ang isa ay tatlo kami tapos pinasolo namin si Mateo then kaming dalawa ni Mateo dahil umalis ulit si Ice.

Bumalik kami sa seats namin nung intermission number daw. Nagpalit na rin ng damit si Nina. This time nakabeige naman siya at may mic sa harapan niya.

And the person seating beside him shocked me. It's Ice holding a guitar! Tinanggal na niya ang itim niyang coat at nakapolo nalang na katulad kay Mateo na nakatupi hanggang siko.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon