Chapter 11 - Steak

3.5K 84 0
                                    

So I'd seen Ice countless of times this week already. Para na kaming super friends for seeing each other almost everyday. Dinaig pa niya sila Jade at Rhian sa pagkikita.

I have something that I want to do. I want to see if Ice and I are really meant to be. (A girl wants to believe)

So today I kinda got lazy and just took a cab early this morning to work.

Walang problema iyon pero nung pauwi na ako, doon ako nagsisi ng sobra.

Naghintay ako sa baba ng building namin hoping that we could meet pero wala so I decided to just go home.

I cursed when I saw the people and the traffic. Ano ba kasing pumasok sa utak ko at naisipan kong gawin 'to? To think that today is Friday at ito ang pinakamatraffic na araw sa lahat.

Kung ang ibang tao mas gugustuhin pang bumili ng sasakyan kaysa makipagsabayan sa rush hour pero ako, may car pero pinipilit makipagsabayan sa mga tao.

Siguradong hindi ako makakauwi ng maaga dahil sa pila pa lang at mga taong naguunahan sa bus.

Naghihintay na ako ng bus na masasakyan when the most surprising thing happened, a familiar metallic gray car stopped in front of me and rolled down its window.

"Saan ka pupunta?"

Parang bigla akong naexcite at lumakas ang kabog ng dibdib ko. He is here!

"Pauwi."

"Where's your car?"

"May gumamit." Tipid kong sagot.

Naririnig ko ang mga nagbubusinang jeep at mga sasakyan sa likuran ng kotse niya. Dahil huminto lang siya sa gilid para kausapin ako.

Well maybe we're really meant to be after all.

And he's getting impatient at the honking cars too when he's the one at fault. Pasalamat nalang siya at hindi siya binangga dahil malaki ang sasakyan niya.

"Tara na. Hatid na kita." He yelled. Kulang nalang murahin na siya ng mga drivers kaya sumakay na ako dahil ito naman talaga ang pakay ko.

So what is this? I didn't think that magkikita pa kami pero ano ito. What is happening to me is crazy.

"Gusto mong kumain? Matratraffic pa tayo."

"Hindi ako gutom."

Gusto ko lang malaman kung magkikita kami pero hindi ibig sabihin close na kami at makikipagdinner ako sa kanya. A car ride doesn't hurt.

"Sure? Okay."

I got annoyed when I saw that he stopped the car in a restaurant.

"Hindi ako nagugutom."

"I know. Ako nagugutom na so I'm going to eat first. Traffic ang daan pauwi sa inyo. You can stay with me while I eat or you can go home now."

Ayos rin 'tong lalaking 'to ha. Bumukas ang bibig ko pero sinara ko lang ulit. Fine, papanoorin kitang kumain para hindi ka makakain ng maayos.

"Hindi ka talaga kakain?"

Umiling lang ako at nilabas ang cellphone. Sympre sinabi ko nang hindi kanina kaya pinanindigan ko na pero shit lang, ang bango dito at parang masarap mga pagkain. Sa totoo lang nagugutom na ako pero ayaw ko lang kumain kasama siya. Idagdag pa na puro foods ang nakikita ko sa IG stories ko at feed.

Lalong kumulo ang tyan ko nang dumating ang pagkain niya. Nainggit pa ako lalo habang pinapanood siyang kumain and the smell isn't helping too.

Paguwi ko kakain ako ng sobrang dami!

Tinusok pa niya ang isang pirasong steak at inalok ako. "Hindi ka ba talaga nagugutom?"

"Nananadya ka ba talaga?" Iritado kong sabi. He kept on teasing me with his food!

"Ikaw ang may sabing hindi ka gutom. Ano nanamang ginawa ko?"

Tinignan ko ang pirasong steak na nasa tapat ko. Pinanliitan ko siya ng mata at kinain ang binigay niya. Because I can't resist! Ang bango and it's the medium rare that I like.

Humalakhak siya at umiling. "I thought so." Tapos ay nagtawag siya ng waiter at nagorder ng para sa akin.

We ate in silence. Nang natapos na siya ay hinantay niya akong matapos. He was smiling like an idiot the whole time too. Nacoconscious man ako ay binalewala ko nalang dahil sa nagugutom na ako and this steak is really good.

"Anong nginingiti ngiti mo?"

"I like girls with big appetite."

"So?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Hindi pa natapos doon ang pagtatalo namin. Kasabay ng pagdating ng bill ang paglabas ko ng wallet.

Pero binigay nalang niya ang card doon sa waiter ng hindi ko man lang nakita.

I don't like people paying for my food. Hindi ako sanay. Well, unless it's Michael. Gusto kong inuubos ang pera niya dahil ganon rin siya sa akin.

"Anong akala mo sa akin walang pera? I can pay for my own food."

"Woah. I'm not implying anything. I just want to be the gentleman that I am."

"Gentleman," I mocked him. "Show off."

"Why would I?"

And that shut me up. Oo nga, bakit naman siya magpapaimpress sa akin samantalang ako nga ang inayawan niya.

"Bilisan mo. Gusto ko nang umuwi."

Habang pauwi kami ay tahimik lang kami dahil wala naman kaming paguusapan. Mabuti rin na hindi siya nagsasalita dahil hindi ko naman nagugustuhan mga pinagsasabi niya.

Tumingin ako sa kanya once. Just once. To see if this is really happening.

Pati ba ang universe ay gusto na akong magkaboyfriend? Ano bang meron sa lalaking 'to at palagi kaming pinagtatagpo? Even si Oliver na nagtatrabaho rin dito ay minsan lang kami magkita.

Come to think of it, I feel like not bringing my car wasn't so bad at all. Hello, he's an eye candy!

Ano pa bang nirereklamo ko kung gwapo siya, konting yabang, yeah pero over all pwede na.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon