Chapter 16 - Not Dating

3.4K 82 0
                                    

Having two dates in one night can really make me a playgirl. But I swear I'm nothing like that. Sure marami akong naging boyfriends before pero this is the first time that I'm having a date after date.

We did end up in his place.

Nope, didn't happen. Dapat ay ako ang mahiya at mailang pero baligtad ang sitwasyon ngayon. Hindi ko inexpect na may ganon side sa kanya. Akala ko ay puro lang siya yabang pero ngayon ko lang nakita sa kanya ang mahiya sa harapan ng isang babae.

Nakahanap kami ng coffee shop malapit sa lugar that serves good coffee. Habang nandoon kami ay napansin ko na he's not the Ice that I know. Tahimik lang siya not the usual I'm-full-of-myself-Ice. Himala na walang nakakaasar na remarks or sarcastic na sinasabi.

So I had to be the one to talk dahil ayaw ko ng awkwardness.

"Bakit ka pala nandoon?"

"I'm stalking you. Didn't you accuse me of being one?"

"Aren't you? Nakakatakot ka na."

Humalakhak siya, "I'm there for the sushi actually."

I smiled. We talk about lots of things. And there we got a chance to know one another.

For how long? Until the closing. Hindi ko pa nga napansin na closing na dahil nakafocus ako sa kanya at sa sinabi niya. May sense siya magsalita at bukod doon ay may konting humor rin. At least he's not talking about his partying habits or video games.

Ang weird because ang topic namin ay halos puro about sa carreer pero it doesn't bore me. Guess I'm really an adult now.

Sa time na 'yun, masasabi kong mas naging maagan ang pakiramdam ko sa kanya. I discovered things that I didn't know before.

And he didn't try to do anything na hindi maganda. Looks like we can even be friends after all.

I also had a realization that night. Nikki was all wrong about me. Yes, I have a type. And no it's not the sexy arrogant cliche bad boy type but I just found out I like shy ones. 'Yung mahihiya everytime I mention his place and my place. 'Yung walang masabi in front of a girl. I find guys cute that way because I know konti lang ang babaeng nadate nila.

Cliche pero doon kami simulang naging close. We often do dinners after work too. Madalas kami sa resto ni Mateo because why go to other resto when you got a friend that offer great food and free drink (depends on the owner's mood but yeah).

I also brought my officemates one time at nagustuhan nila ang food. Babalik daw sila. I think solely because of the owner talaga.

Minsan niyayaya ko si Nikki since magkakilala na sila ni Ice. Hindi ko inexpect na close pala kami sa paningin ng ibang tao. To the point na inaasar niya ako everytime pupunta siya sa working desk ko.

Sobrang shini-ship niya kami ni Ice that she convinced Carl to get over his little crush over me. But I'm still friends with him. Minsan kasama namin siya only if hindi kasama si Ice.

"Maaga ka uuwi?" Ice called.

"Don't tell me makikisabay ka?"

"Dinner?"

"Libre mo?"

"My salary is above the wage pero nauubos rin ang pera." He laughed. "But if you're willing to go to dinner. I don't mind having no money."

Tumawa ako. "Dami mong sinasabi. Dala ko kotse ko. Magkita nalang tayo doon."

When the call ended, sumulpot si Nikki sa desk ko.

"Padate date ka nalang. Sarap ng buhay mo." Sumandal siya sa desk.

"Sama ka?"

"Pag kasama si Mateo.." She trailed.

Tumawa ako. "Nikki ha. Mukhang napapadalas ang pagbanggit mo ng pangalan niya. Mukha lang."

Pinalo niya naman ako. "Hindi ah. Gusto mong kalbuhin ako ni Anthony?"

"Joke lang! Defensive ka naman agad."

"Ayaw mo sumama?"

"Thirdwheeling? No thanks. Yayayain ko nalang si Anthony." She rolled her eyes. "Single's club."

"Ewan ko sayo. Nothing's going on between me and Ice. Dinner between friends lang."

"Ganyan ganyan ang sinasabi ng mga taong may tinatago." She gave me a malicious look. "Pinagdaanan ko rin 'yan!"

"He's just an acquaintance."

Hindi ko binibigyan malisya ang mga dinner namin together dahil wala lang naman talaga iyon. Mostly naghihintay lang kami ng oras para hindi matraffic pauwi.

At madalas namin kasama ni Mateo so it's not a date.

Naunang nakarating si Ice sa kakainan namin. I chose the resto this time dahil sigurado akong pipiliin niya ang kay Mateo nanaman. Tamad kasi siyang maghanap ng parking.

"Babe." Salubong niya sa akin.

"Tantanan mo ako." Irap ko at umupo sa tapat niya.

"Nagorder ka na?"

"Hindi pa love. I'm waiting for you."

I groaned. "Stop!" Then kinuha ko ang menu.

"Order ka ng crispy pata, babe."

Binaba ko ang menu at tinignan siya ng masama. "Hindi ka ba talaga titigil?"

He chuckled, "I'm just testing this out. Paano kung pumayag ako sa favor mo noh?"

"Buti hindi. God! I couldn't imagine. Tumataas balahibo ko sayo oh! Tsaka hindi bagay." Ngumiwi ako.

Humalakhak siya. "What? Bagay daw tayo sabi ni Nikki."

"Wala akong paki. Gutom na ako. Magorder na tayo, Isaac."

"Woah. Beastmode na. You called me Isaac. Ikaw nang bahala basta magorder ka ng crispy pata." Nginuso niya ang menu na hawak ko.

Hindi naman siya masyadong nagcrecrave sa pata noh? Inulit pa niya sa waiter ang pata niya. Pagalis ng waiter ay humarap ulit siya sa akin.

"You don't think so?" His eyes narrowed.

"Isang beses ko lang 'to sasabihin, hindi kita type at talagang wala lang akong choice nun. I might be high the time I asked you. I don't know."

"That's what I said too." Lumayo siya ng konti sa seat niya at tinitigan ako. "Nope, not my type."

Sarcastic akong ngumiti.

"Ubusin mo 'yang pata na inorder mo." I said when the big plate of pata came.

Wala siyang reklamo at excited lang kumain. One reason why I love eating with him. Ang lakas niyang kumain kaya ang sarap tuloy niyang tignan.

"Kumain ka nga. Ang payat payat mo!"

There is another reason. 'Yan. Palagi niyang sinasabi na payat ako and to eat more.

"O bayaran mo na." Binigay niya sa akin 'yung bill.

"Ang gentleman mo talaga Isaac." Kinuha ko 'yun sa kanya at nilabas ang wallet ko.

Hinablot niya ulit iyon sa kamay ko. "Ako ang nagyaya ako ang magbabayad."

"Ako na. I can pay for my food."

"You said that every time we eat pero ako rin ang magbabayad so just give me the bill."

"Fine. I'll pay for coffee later."

Tumaas ang kilay niya. "There. I just gave you an excuse to date me."

I shrugged. "We are not dating."

"Absolutely not."

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon