Chapter 22 - Debut

3K 76 0
                                    

Umaga pa lang ay nagtext na sa akin si Ice na magkita kami sa may labas ng Starbucks. Buti nalang hindi ako tinamad gumising at may extra time ako before ng time in.

"Kanina ka pa? Talagang dito ka sa labas nagantay?" Natatawa kong sabi at nakita ko ang hawak niyang cup.

"Para sa akin ba 'yan?"

Inabot niya iyon sa akin, "Good morning."

Kumunot ang noo ko because he is being weird. "Anong meron? Baka may something 'to?"

I look at the cup he handed me. "Dapat pa ba ako magulat na alam mo ang inoorder ko?"

"Narinig ko 'yung order mo nung una tayong nagkita." He smiled. "May gagawin ka mamaya? Dinner tayo kay Mateo."

"Okay?" Hindi siguradong sagot ko dahil nakakapagtaka lang. He is being extra kind to me. "Babalik na ako sa office. Thank you for the coffee."

Pagbalik ko ay nakasalubong ko si Nikki.

"Hindi mo man lang sinabi dadaan kang SB. Sana nagpabili rin ako."

"Saan ka nanaman ba gumimik kagabi?" Tawa ko at inalok siya ng kape.

"Wala. Ikaw lang naman kasama ko gumimik palagi eh busy ka na." Aniya.

Napaubo siya bigla pagkainom niya ng kape. Sabi ko na nga ba may something sa kape!

"Anong nangyari sayo?" Tumatawa kong sabi.

I knew I couldn't trust him.

"Nagkita pala kayo ni Isaac! Kaloka umagang umaga, Tiffany!" Sigaw niya. "Sayo na nga 'yang kape mo. Ayaw ko niyan, with love 'yan!"

Umiling lang ako at pumunta na sa desk ko.

Nagtext pa sa akin si Ice para ipaalala na magdidinner kaming dalawa.

"'Yung totoo! Anong kailangan mo? Kape tapos dinner?"

I narrowed my eyes at him when he just gave me a wide smile at sinabing kumain muna ako.

Binilisan ko ang pagkain ko at gusto pa niyang magorder ako ng dessert.

"Ayaw ko na! Busog na ako so sabihin mo na. Alam ko may something!"

He inhaled deeply and exhaled.

"Wait. Ano ulit sabi mo?" I have to pause to process it.

"A date. Plus one or whatever you call that." Ulit niya.

Tumawa ako. "So you need a date at ako ang tinatanong mo? Tama?"

I'm laughing out loud deep inside. Hah, dumating rin ang araw mo. What comes around goes around.

"I'm kinda having a deja vu right now. Ikaw hindi?" Tumagilid ang ulo ko para asarin siya.

"I know you would say that. Nevermind. Kalimutan mo nalang na sinabi ko iyon."

Kaya pala may good morning pa siyang nalalaman at sinalubong ako ng kape! Ngayon libre pa niya ang dinner. He needs something!

Apparently he need a date or plus one in his sister's debut party. Halos makalimutan ko nang may kapatid pala siya because he only mentioned her once to me.

"Hindi naman ikaw ang magdedebut bakit kailangan mo ako isama?"

"Like you, pinepressure rin ako ni Mama sa girlfriend. I want her to stop worrying."

"At puro mga girls doon. Party is not my thing. It gets boring after.." He added.

I laughed at his reaction. "Bakit feeling ko gusto mo akong isama para hindi ka bored and not because of your mother."

"Actually both. But nevermind. I'll figure it our myself. Baka si Mateo nalang ang isasama ko."

Lalo akong natawa. "Ang sweet mo naman. Idedate mo si Mateo sa debut ng sister mo." I teased him.

He just shrugged.

"Okay. Enjoy." I showed him my most annoying smile.

"Right. For the record, I'm sorry. So just go with me please, Tiffany? Hmm?" Pacute pa siya.

"Wag kang gumanyan hindi ka cute! Sorry rin pero hindi ako pwede that day."

"Fine. Forget I asked. It's not a big deal anyway. Maybe I'll just bored myself to death there."

"You know that won't work right?" I said because he's been testing my conscience since earlier.

"I have to try."

I smiled at his cuteness. "I think I mght be free that day. Maybe I can. Pero iisipin ko pa. Depends kung mabait ka sa akin."

xx

Sobrang bait pala si Ice pag may kailangan. Sineryoso niya talaga ang magiging mabait niya sa akin.

Sabi niya ay huwag na akong magdala ng kotse ay siya na ang maghahatid sa akin pauwi. Though walang kape kaninang umaga pero may fruit tea naman siya para sa akin paguwi.

Habang nagmamaneho siya ay busy ako sa phone ko.

Nagviber ako sa group namin tatlo at sinabi sa kanila because I need their help.

Jade:
Nako! Minsan lang ako magsabi ng mga ganitong bagay pero may gusto 'yun sayo!
Trust me!!

Rhian:
Wait lang, kikiligin muna ako! Just date already.

Me:
Okay guys. Pumayag lang ako kasi kawawa naman siya. And I'm a good friend.

Pumayag na ako pero hindi ko pa sinasabi sa kanya because I'm enjoying the treatment I'm getting from him. Tsaka baka bigla niya akong pababain ng sasakyan ngayon. Kidding. Pero nabawasan ang pagiging annoying niya though minsan pilosopo at sarcastic pa rin siya.

Rhian:
Jade, good friend daw. Saan? Baka kay Ice lang..

Jade:
Oo nga. Agree ako Rhian!

Me:
Wag nga kayo. Pag nagpasama kaya kayo sa akin sinasamahan ko kayo. Good friend ako diba!

Jade:
Oo nalang pero maniwala ka talaga sa akin. May gusto si Ice sayo!

Me:
Alam mo kung sino talaga may gusto sa akin? Si Tristan mo!
Actually nandito siya ngayon.

Jade:
So dyan pala sila nagbasketball nila Michael..

Nakakainis 'tong si Jade inisin kasi hindi siya naiinis!

Me:
Next week pa naman iyon pero tulungan niyo na akong maghanap ng susuotin guys!

Tinago ko na ang phone ko at nilingon si Ice.

"Ano nga ulit theme ng party ng sister mo?"

"Papayag ka na?" Nagningning ang mga mata niya.

"Chill. Tinatanong ko lang. Wala pa akong sinasabing pumapayag na ako."

Habang nagmamaneho ay kinekwento niya sa akin ang kapatid niya. Her sister's really excited for her party. At kahit na mabobored to death siya doon ay masaya rin siyang masaya ang kapatid.

"Okay." Sabi ko bago bumaba.

Tumaas ang kilay niya.

"I'll go." I nodded.

He pumped his fist and yelled.

Hindi naman siya sobrang saya, ano?

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon