Chapter 33 - Photograph

2.7K 75 0
                                    

Hindi masyadong busy ngayon sa office kaya may oras si Nikki na asarin ako.

"Kamusta na kayo ni Isaac?"

Naiinis ako sa tuwing naririnig ang pangalan niya.

"Ewan." Umirap ako.

"Teka teka. Ang sweet sweet niyo lang ah. Maypa kanta kanta pa siya. Anong nangyari? Away kayo?"

"Hindi." Tipid kong sagot. Umalis rin si Nikki dahil alam niyang pag matipid akong sumagot ibig sabihin ayaw kong pagusapan.

Si Ice lang talaga ang dahilan kung bakit ako late umuuwi galing work. Palagi siyang nagyayaya tumambay kung saan saan. Ngayon wala siya didiretso ako umuwi.

Two days pa lang naman ang dumaan after ng birthday ko. Dalawang araw na rin niya ako niyayayang makipagkita. I said no and that I'm busy.

Akala ko tumigil na siya dahil hindi niya ako niyaya ngayon. 'Yun naman pala may iba siyang plano.

Pagpunta ko sa parking ay nakaharang ang kotse niya sa tapat ng kotse ko.

Binaba niya ang bintana nang nakita ako. "Let's meet at Mateo's."

"For what?"

"I want to talk to you about something."

Ayaw ko sanang pumayag dahil alam ko tungkol saan ang paguusapan namin pero tumango nalang ako para matapos na.

Sabay kaming nakarating at doon kaming dalawa sa usual seat namin sa dulo.

Tumayo siya at pumunta sa loob. Pagbalik niya ay nilapag niya ang dalawang bote ng Smirnoff Mule sa mesa.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"One on one. We're going to talk."

"Fine." Tumaas ang kilay ko. Mukhang tinatakot niya kasi ako. Well I'm not afraid of talking. Besides marami akong gustong sabibin sa kanya.

"Tell me anong problema mo sa akin?"

Walang lumalapit na staff sa amin. Not even Mateo. I turned to look at Mateo at marahan lang siyang ngumiti.

One on one pala ha.

"Isa lang naman problema ko sayo pero hindi rin kita masisi. I don't know. Mataas lang siguro ang expectations ko sayo. You threw me a surprise party and kumanta ka pa because you know I like it. Nagexpect ako na maybe because you cared, maybe you value our friendship. But at the end of the day you gave me an invitation just because you need me again."

"You know me better than that, Isaac. You can just ask without doing all of that, you know I'd agree."

I sip on my smirnoff because after saying all of that I need a drink.

He know me so well pero bakit hindi pumasok sa isip niya bago niya binigay sa akin ang envelope that he might disappoint me.

"You didn't open it." Umiling siya sa kanyang sarili.

"I did and throw it away after."

"You can't go in a party without an invitation. I thought you'll go with me?" At natawa pa siya ah!

Is this funny to him? Seryoso akong nakikipagusap pero siya tumatawa.

"So this is it? Nagaalala ka na hindi kita sasamahan? I'll go. I'm sure magagawan mo naman ng paraan."

"No I can't. You need that invitation."

"I said I already threw it away. Wala na akong magagawa."

"So you threw it after you saw the invitation?"

"Paulit ulit? You know what, wala akong sa mood makipagusap. Uuwi nalang ako." I grabbed my bag and ready to leave when he called me.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon