Chapter 25 - Lavender

2.8K 74 2
                                    

We all gathered at Rhian's house for tonight. Gusto sanang gumimik nila Oliver pero ayaw namin mga girls. In the end nagyaya nalang si Rhian na dito sa bahay niya uminom.

"Magouting naman tayo guys. Plano naman!" Tanong ni Rhian with a bowl of popcorn in her hand.

"Kayo anong balak niyo?" Tanong ni Tantan.

"Isama niyo kasi si Rhian sa date niyo." Sabi ni Oliver kay Tan.

"Ayaw ko magthirdwheel sa dalawang 'yan. Lalanggamin ako sa sobrang tamis." Sabi niya.

"Tiffs? Plano?" Tumingin sa akin si Joseph.

Some thing's just never change. Ako pa rin ang gumagawa ng plano para sa grupo.

"Lahat ba pwede?" Kumuha ako ng popcorn.

"Yup. Pwede ako." Ani Jade. "Oliver, si Allana yayain mo rin. Mas masaya kung marami."

"I'll ask her kung pwede siya."

"Bakit si Joseph hindi niyo tinatanong! Joseph wala kang isasama?" Tumingin si Rhian sa kanya at mukhang nangaasar.

"Sama ko si Mama. Okay sa inyo?" He joked.

Tumawa kami. "Bakit hindi? Tara!"

"Joke lang pero game. Tagal na natin walang outing!"

"Saan niyo gusto? Beach ha. Ayaw ko ng private. Elyu o maiba naman?" Tanong ko.

"As much as I like surfing, pwede sa iba naman?"

"Porket palagi kayong nasa elyu. Grabe Jade! Hindi na nagsasama, ban pa kami doon." Sagot ni Michael.

"Tigilan mo ko Michael. Siya oh!" Nginuso niya ang boyfriend niyang umiiling.

"So ano? Batangas nalang para mas malapit. Wala naman may gustong magdrive sa inyo."

"Game game."

"G 'to ah. Baka mamaya ngayon lang kayo game tapos pag nandyan na magsiback out-an kayo."

Nung nagkausap kaming tatlo nila Jade ay tinanong nila ako kung gusto kong yayain si Ice.

"Bakit naman?"

Ayaw ko sana kasi since buong barkada ang kasama ko baka maawkward siya around them. Ang alam ko lang magkakilala sila ni Michael at nila Tan pero hindi sila close.

"The more the merrier? Wala naman masama."

"Eh kung si Mr. Lawyer kaya ang yayain mo?"

"Ayaw ko. Next time na. Tsaka hindi pa naman kami official so I don't wanna scare him. Grabe pa naman mantrip sila Michael."

"True. Hide him from them or else mahahawa siya sa kalokohan nila." Jade laughed.

"Tiffs? Ano, sama mo na si Ice! Masaya naman siyang kasama."

"Hindi ko alam. Baka kung anong isipin niya pag niyaya ko siya."

"Anong klaseng bad reasoning 'yan? Alam mo kung totoong just friends lang kayo, hindi niya bibigyan meaning ang paginvite mo sa kanya. Hindi mo naman binigyan meaning 'yung pagyaya niya sayo sa debut ng sister niya. Medyo girlfriend duties pa 'yun ha."

May point si Rhian. Oo nga naman. Hah, what is with you, Tiffany!

"Yayain mo rin si Mateo. Ayan ha baka sabihin mo pa may something."

"Hindi naman halatang gustong gusto niyo siya kasama? Kayo kaya ang magyaya?" Tawa ko.

"Basta ha. Isama mo."

Hindi ko pa nga alam kung papayag siya o kung may oras siya pero nageexpect na agad sila na kasama ko siya.

"May isasama daw si Tiffany."

"Bago mo?" Tumawa si Joseph.

"'Yan ba 'yung kadate mo?" Tanong ni Tan.

"Hindi." Umirap ako. "Wala akong isasama. Ewan ko dyan sa dalawa."

"Sabi mo kanina yayayain mo?"

"Wala kaya akong sinabi. Ang sabi ko ewan."

"Sino ba 'yan? May bago ka nanaman?" Tabi ni Michael sa akin.

"Anong nanaman? Grabe talaga kayo sa akin. Tagal na kaya ako walang boyfriend."

"Si Ice. Diba kaibigan niyo siya?" Si Jade ang sumagot.

"You will be his date and now.. Kailan pa kayo naging close?" Tanong ni Tantan. Now they are all asking me questions.

Wow ang popular ng pangalan ni Ice ha. Lahat ng atensyon napunta sa akin eh. Pangalan pa lang 'yan ha what more kung nandito siya.

"Ewan ko. Paano ko maaalala."

"Tapos close na agad kayo? Are you really going to be his date?" Parang iritadong tanong ni Michael.

"It only takes a minute to know a person. For the record, pupunta lang ako as his friend and we're going with friend pa." Umirap ako. Napapagod na ako paulit ulit na sabihin 'to ah!

"At mabait siya actually pero katulad niyo rin siya walang ginawa kung hindi asarin ako."

"Dapat nga masaya ka pinapansin ka pa rin namin. One day mamimiss mo rin kami pag hindi ka na namin inaasar." Binato ako ni Oliver ng throw pillow.

Nasalo ko naman 'yun at binato pabalik sa kanya. I faked a laugh and rolled my eyes. "I can't wait!"

xx

Nakahanap na ako ng dress I'm going to wear for the party just the day before. Looks like I'm expected there dahil nakita ko ang invitation letter na binigay sa akin ni Ice kahapon lang.

Isaac Mendoza and his plus one.

At talagang plus one ang nakalagay sa akin! Nagreklamo ako doon pero ang sabi niya hindi niya pinalagay dahil hindi siya sigurado kung papayag ako pero sinabi na niya beforehand na magdadala siya so talagang nageexpect sila.

I hate him for not informing me earlier edi sana nakapagready ako!

Si Mama naman ay mas excited pa sa akin at kanina pa niya ako iniintriga about this guy. Hindi ko sinabi sa kanya ang pangalan dahil siguradong hindi niya ako titigilan.

"Mama pupunta ako kasi friends kami. All of his friends are invited."

Hindi ko rin sinabi na plus one ako.

"I just heard about this friend recently. Susunduin ka niya?"

"No. Sasabay ako sa isa pa namin friend."

Pero sa totoo ay si Ice talaga ang magsusundo sa akin. Ayaw ko lang na lalo siyang macurious.

Tinignan ko ang phone ko at napatayo nang nakita ko ang text niya. Yes, I'm getting out of Mama's interrogation. Feeling ko palaging interrogation pag kausap ko si Mama regarding a man.

"Thank God! Akala ko matagal ka pa! Ang daming tanong ni Mama. Gusto ka nga niyang makita!" I start blabbering when I entered his car.

Nung tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa akin.

"Crush mo na ako ngayon?" Tawa ko.

"You looked beautiful." He smiled.

Then he added, "But still not my type. Ano tara? Are you ready?"

Hinampas ko siya and checks him out too. "Gwapo ka rin ngayon. Ngayon lang ah. Pero kung manliligaw ka hindi pa rin kita sasagutin."

Doon ko lang napansin na our outfit matches. Nakalavender ako na long dress at ganon rin ang kulay ng neck tie niya.

Hindi namin 'to pinagusapan! Nakakaloka ang pagkaparehas namin. As in pati shade!

"Your tie matches my dress." Sabi ko sa kanya. I'm really amused by this. Totoo, walang joke. How in the world na parehas kaming dalawa without asking each other the color.

"We look cute together." He laughed.

"Yeah, we do." I laughed with him.

Evening acoustics ang playlists ng kotse niya ngayon and I'm loving the vibe.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon