Chapter 8 - Miss Tiffany

4.2K 90 0
                                    

Should I be happy that he only wants a ride? I mean 'yun na talaga 'yun?

After ko makarating sa bahay ni Michael umalis na rin siya. Hindi ko alam kung anong trip niya. Nagpasalamat lang siya then went on his way.

Pinapagulo ni Ice ang utak ko. I shouldn't be thinking about whether he is safe or kung paano siya makakauwi but why am I worrying about that. Malaki na siya so I'm sure kaya na niya ang sarili niya besides siya naman ang nagpumilit na sumakay sa kotse ko so if may mangyari man sa kanya I'm out.

"Ikaw lang?" Tanong ni Jade at tumingin sa likuran kung may nakasunod.

"Sabi ko naman sayo wag magexpect. Iniwan ko siya after I got the call." I smiled. "Thanks by the way. Savior kita." Tinapik ko si Michael.

Michael shrugged. "Find someone who will save you next time."

"Nope. Ikaw lang sapat na." I said it in the most jeje way a person can.

"Tangina Tiffany." Napamura siya at nagtawanan ang lahat.

"Kuha mo ko tubig. Napagod ako papunta dito." Utos ko.

"Wow ah. Sino bang nagyaya sayo?"

"Ikaw. Ikaw tumawag eh."

"Tumawag lang ako pero hindi ako ang may gustong papuntahin ka. Okay na kami kanina."

Kahit anong away namin ni Michael ay never akong napikon. He's just like that and I'm like this. Sanay na kaming dalawa sa ugali ng isa't isa.

"Kuha mo na ko. Sige na.."

"Tubig lang pagaawayan niyo pa? Parang bata lang ah." Tumawa si Joseph.

"Sige kuha mo." Sinagot siya ni Michael.

Tumahimik si Joseph at ngumiti nalang.

"Thank you talaga. Ako nalang!" Sa huli ako rin ang sariling kumuha.

Pagbalik ko kinorner agad ako ni Jade at ni Rhian.

"So?"

Kinwento ko sa kanila ang ganap nung dinner as promised.

Pinagtawanan nila akong dalawa. "Research ka na sa computer games para makarelate ka naman next time."

"Anong next time. Wala na noh!"

"Pero seryoso. Makinig ka kay Rhian. Research ka na, friend." Patuloy silang tumawa.

"Ano bang alam ko dyan! Hindi nga naglalaro ng ganyan sila Oliver. Ngayon alam niyo na bakit hindi ko feel."

"Pero naalala niyo pa ba 'yung guy na nakagasgas sa car ko?"

Nagtinginan ang dalawa at ngumiti ng may something. Wala pa nga akong sinasabi ganyan na ang ngiti nila.

"Bakit anong meron sa kanya?"

"Nandun rin siya kanina. Actually nadalas kaming nagkakasalubong. He works in Makati too."

"Alam na.." Ani Rhian.

"Nagpapansinan ba kayo?"

"Hindi ko siya pinapansin. Ayaw ko sa kanya kasi ang yabang."

Tumaas ang kilay ni Jade.

"Hay nako. Kasalanan talaga ni Rhian ang lahat ng 'to."

She immediately went into defense mode. "Anong ako? Anong ginawa ko?"

"Ikaw kasi! Napapahiya ako dahil sayo! Feeling ko pinagtatawanan ako nun inside."

Tumawa ng malakas ang dalawa. Napatingin tuloy sa amin sila Tantan.

"For the record pinigilan kita sa idea na iyon pero hindi ko inexpect na pinush mo talaga. Ikaw na talaga girl!"

"Desperate times call for desparate measures."

"Nagulat rin ako na ginawa mo talaga. Kung ako hindi ko kaya! Sabagay you're always the bold one. Eh anong nangyari nung nagkita kayo?"

"Pinapansin niya ako. Feeling close ganon."

"Edi iclose mo na! Baka nagpakipot lang sayo nung una 'yan." Sabi ni Rhian.

"Wala kong paki. Ayaw ko sa kanya period." I end the topic about Ice.

Pumunta kami sa sala kung saan naglalaro ng baraha ang mga boys.

"Sali kami!" Umupo si Jade.

"Ayan na pala ang lucky charm ko. Lika rito lucky charm." Tinawag niya ako na parang t

Inirapan ko siya at umupo sa tabi ni Oliver. "Lucky charm mo mukha mo. Ayaw mo ko kuha ng tubig ah."

Tumayo siya at hinatak ako tabi niya. "Don't try to seduce Oliver. May girlfriend na 'yan!"

"Siya daw iseduce mo." Humalakhak si Tan.

"Kadiri ka talaga!"

"Uy wag mo nang asarin kay Michael 'yan. May ibang lalaki na 'yan!" Pinalo si Tan ng girlfriend niya pero ang motibo niya talaga ay asarin ako.

"Sino? Nakaget over ka na sa akin, Tiffs?"

"'Yung friend mo. Ano ngang pangalan nun?" Singit ni Rhian.

Napalingon sa akin si Michael at tumaas ang kilay. "Sino? Isaac? Type mo iyon?"

Sa tono ng boses niya ay nahalata kong seryoso siya na curious talaga siya at hindi lang nangaasar.

"Hindi noh. Ewan ko dyan. Hindi ko nga kilala iyon! Sino ba 'yun?"

"Parang ganyan ka rin dati kay ano ah?" Ngisi ni Joseph.

"Iba bro noh. Tsk." Oliver shook his head.

Pag dating talaga sa pangaasar sa akin ay united silang lahat. Kakaiba, wala man lang kumampi sa akin.

Nagpatuloy sila sa paglalaro ng baraha at kami ay tumitingin lang dahil sakto na silang apat na players.

Maya maya nakareceive ako ng text galing sa unknown number.

"If ever you're worried, nakarating na ako sa pupuntahan ko."

Hindi nagpakilala but I'm sure as hell it's Ice.

At talagang tinext pa niya ako ha! And how did he know that I'm worried.

I typed my reply.

"Who's this?"

"I know you saved my number, Miss sedan."

"Sorry, hindi kita kilala."

Pinatong ko na ang phone sa mesa. Wala na sana akong balak nagreply pag nagreply pa ulit siya pero halos mahagis ko ang phone nang tumunog ito.

Sinilent ko lang pero tumatawag pa rin.

Napapatingin na sa akin si Michael kaya inexcuse ko nalang ang sarili ko para sagutin ang tawag.

"Hello,"

"Hello. Sedan." Feeling close nanaman siya.

Why does he keep on calling me that. Kairita. Pero in fairness maganda ang boses niya sa phone.

"Can you stop calling me that. May pangalan ako. Tiffany ang pangalan ko, okay?"

"Sungit mo naman. Kilala mo ba ako?"

"Hindi. Sino ka ba?"

"You give your name to strangers now? Ingat ka, Sedan. Maraming scammers ngayon."

Umirap ako. "Bakit ka ba tumawag? Hindi tayo close."

"Bakit mo sinagot?"

Nanliit ang mata ko. "Napindot ko lang. Ibababa ko ba. Bye."

Narinig ko ang tawa niya. "You know you're cute. Sige na, bye na, Miss Tiffany."

Kinilabutan ako sa pagtawag niya ng pangalan ko. I prefer he call me sedan than my real name.

"Sino 'yun?" Tanong ni Michael pagbalik ko.

"Ah, si Mama lang." Then I acted like nothing happened.

And now I'm lying to Michael as well.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon