Chapter 13 - Italian

3.4K 85 0
                                    

Today is just an ordinary day. I wake up, went to the office and now I'm ready to go home.

I'm feeling good too because after that awful date, I definity told Mama that I won't go to any of her arrange dates anymore.

Hindi ko kakayanin ang stress pag iisipin ko pa iyon. Tama na para sa akin ang stress sa trabaho, ayaw ko nang dagdagan pa. Luckily, she just agreed and didn't say anything. Medyo hindi pa rin ako naniniwala pero at least for now, alam kong hindi niya muna ako iseset.

And as I've said, she is indeed proud of me for stepping up on to that guy. Hindi ako pinalaki ni Mama ng weak noh.

Sinabi ko rin sa sarili ko na never ko nang iiwan ang kotse ko. Kahit gaano pa katraffic ang daan pauwi, kahit mastuck pa ako sa daan ay hindi ko na uulitin ang ginawa ko.

Pag dating ko sa parking ay nakita ko na si Ice sa malayo pa lang. Anong plano nanaman niya at nasa tabi siya ng kotse ko.

Wala akong sa mood sa mga kalokohan niya kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Pinatunog ko ang kotse at papasok na pero nakaharang siya. "Excuse me."

"Hi, Tiffany."

I maintained a poker face while staring at him. Nakipagtitigan rin siya sa akin. I figured kailangan ko rin siya pansinin para umalis na siya. "Okay. Hi. Happy? Alis na."

Umalis naman siya pero, "I need a favor."

"I don't care."

"C'mon sira ang kotse ko."

Kumunot ang noo ko. "Are you sure nakapasa ka sa driving test? Bakit palaging sira ang kotse mo?"

Nagkibit balikat lang siya. "You don't want to owe me right? Hm?"

"Oo na." Umirap ako. Tsaka siya umalis at umikot para pumunta sa kabila.

Tama bang pinagdrive ko siya ng dalawang beses. Ilan beses ko na 'tong nasabi but seriously, hindi ko siya kilala pero hindi ko alam kung bakit ako pumapayag.

"Matratraffic tayo. Gusto mong kumain?" Ayan nanaman siya! With matching ngiti pa. "Italian? You like italian foods right?"

"Nope. I hate italian the most." How did he know?

"You love italian, Tiffany. Kung ayaw mo sabihin mo lang. Ikaw naman ang nagmamaneho. I'm just suggesting, you know. Baka magutom ka ako pa sisihin mo." Lintanya niya.

Dahil traffic ay nagkaroon ako ng pagkakataon humarap sa kanya. "How did you even know?"

"Smart guess? I know a place."

Pumayag lang ako because he really is convincing. The way he talk about the place and how I'll love it blah. Okay, eating dinner won't hurt so why not.

This one is a hole in the wall pero maraming tao. Hindi ko alam kung dinner time lang ba o talagang masarap kaya maraming tao.

"Walang parking. Sa iba nalang." Sabi ko.

"You can park there." He pointed at the parking space na may harang na reserved sign.

"Ano? Sigurado ka? Ayaw ko nga."

"Akong bahala."

"Now I know kung bakit palaging sira ang kotse mo."

Nung hindi ako gumalaw ay bumaba siya at siya mismo ang nagalis ng harang at ginuide ako sa pagpark.

"Pag may nangyari sa kotse ko, lagot ka talaga sa akin. Hindi ako nagbibiro." Sabi ko sa kanya pagkababa ko.

Pagpasok sa loob ay wala rin pwesto pero nung nakita siya ng isa sa waiters ay agad itong lumapit.

"Sir Ice." Nakangiti siyang binati.

Napatingin ako sa kanya.

"May nakaupo sa dulo?" Tanong niya.

"Wala. Umalis si Sir, e."

"Sige, ako nang bahala. Thank you John." Tinapik niya 'yung balikat nung John at naglakad papasok.

"Madalas ka dito?" Tanong ko. Ang lakas ng loob niyang magalis ng reserve sign na parking at may pwesto pa siya agad.

"Once in a while."

"Ah. Can you ask kung pwede ba magpark doon? I don't trust you."

Ngumisi lang siya. "Trust me on this. I know the boss." He winked.

Tinignan ko ang menu pero sa dami ng gusto kong kainin ay hindi ko alam kung anong ioorder kaya siya na ang pinagorder ko dahil alam niya kung ano ang masarap.

I say we both have the same taste when it comes to food. Favorite ko lahat ng inorder niya and I didn't even tell him that.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bigla siyang nagmura. Nakatayo sa harapan namin ang isang lalaki and he looked furious.

"The fuck. Saan ko ipaparada ang kotse ko?"

Then napatingin ako sa kanya at napaubo. Ganon rin siya sa akin at mukha siyang nagulat. He sighed and calmed himself.

"Mateo. Mateo right?" I smiled awkwardly. "Uh, actually that's my car. I can move it para makapark ka."

He then looked at Ice then at me. "Oh. That's yours?"

Then, "Pinagdrive mo siya? Woah, Isaac. So gentleman."

Halos nakalimutan ko nang Isaac pala ang totoo niyang pangalan.

"Nakikisabay lang. Nasira daw 'yung kotse niya, e."

"Really?" He sounds amused then chuckled.

"Yup. Ilipat ko nalang 'yung car ko."

"No, it's okay. Nakapark na ako." Tapos tumaas ang kilay niya kay Ice.

"Ayaw magstart bro." Sabi ni Ice. "By the way, free na daw ang dinner natin tonight, said the boss."

"What?" Tumaas ang boses ni Mateo.

Tumayo si Ice at inakbayan si Mateo. "I told you, I'm friends with the boss."

Umubo ako. "Ito 'yung resto mo?"

"Yup. But you see, this guy likes to act like this is his'. Wag ka nang magtaka kung isang araw magsara nalang 'to."

Tumawa ako dahil sa pagkasarcastic niya.

The three of us ended up staying at Mateo's resto until midnight. I was also served a cocktail. On the house daw. Everything we ordered tonight was on the house. That's the advantage when you're friends with the boss.

I didn't regret having dinner too. For one, I discovered a yummy hole in the wall place and masayang kakwentuhan si Mateo.

His sarcastic remarks towards Ice is the best. I think he's the only one who can tolerate Ice's arrogance. Maybe that's why they're best friends.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon