Chapter 2 - Not Close

6.5K 129 0
                                    

At the age of 24 marami pa akong gustong gawin. At hindi kasama doon ang pag bobooyfriend. It's not on the top of my list to find someone significant right now. Ang priority ko talaga ay travel, family and my work.

Hindi ko alam kung bakit ako minamadali ni Mama na magboyfriend. Si Dad ay chill lang, basta matino okay sa kanya. Kahit si Rhian ay wala pa ngang boyfriend and Jade is just enjoying her time with Tantan.

So I'm not really feeling the pressure to settle down yet.

Hindi naman sa ayaw ko magboyfriend but that's not really my top priority. For now I just want to focus on my work and my life. Isa pa marami pa akong gustong puntahan na lugar. I'm also happy on my own. I have my friends with me so why do I need someone just to make me happy.

And I'm tired of the pointless arguments. I'm so done with it. Marami na rin ako naging boyfriends and flings. And clearly they are not the one for me.

Hindi ko naman kailangan ng lalaki para mabuhay. I can survive without one so I'm not searching. I'm just having a break for now. For me, if it happens, I want it to happen naturally.

"Ayaw mo ba talagang tawagan?" Tinawagan ako ni Rhian para itanong sa akin si Ice.

"Hindi na. Sayang pa oras ko."

"Malay mo gwapo."

"So? Hindi naman marunong magpark." Sagot ko.

Turn off ang lalaking hindi magaling magdrive. Baka ako pa ang magdrive sa date namin.

"Ayun lang. Ay gusto mo pumarty later? Friday night naman. Yayain rin natin sila Michael."

"Pwede pero titignan ko pa kasi baka may kailangan tapusin dito sa office."

My life at 24 is not that bad. Buong akala ko ay hindi ako makakatagal sa work dahil hindi ako sanay ng ako ang gagawa ng trabaho para sa iba because I'm more of a leader.

But surprisingly I love my job. Hindi naman pala mahirap minsan kung susunod ka lang.

I still don't know how to achieve all my goals but I'm contended.

If you just accept whatever shits life throws at you, then congrats you can survive.

Tinapos ko ang dapat tapusin na trabaho bago ako nakipagkita kanila Jade. Hindi na nga ako nakasama pa sa pre game. Dumiretso na ako sa bar kung nasaan sila.

"Nagiging workaholic ka na! Where's the chill Tiffany that I know?"

"Secret." Tumawa ako.

Bumaliktad ang mundo namin ni Jade after we graduated. Ako nagfocus sa work habang siya ay focus kay Tan at sa pagparty.

"You're earlier than usual." Joseph turned to me.

Michael poured me a drink. "Shot na!"

Bago pa niya maiabot sa akin ay may babaeng nakabangga sa likod niya.

"Oh. Sorry! Sorry!" Tumawa 'yung babae.

Nakangiting tumango lang si Michael doon sa babae nang may parang nakita siya.

Tinignan ko rin ang tinitignan niya. The guy that he's looking at turned around then napamura si Michael at tinawag 'yung guy.

"Ice pare!" Sinuntok niya ang dibdib nung lalaki.

Napakunot ang noo ko. This guy looks familiar to me pero hindi ko matandaan kung nagkita na ba kami. Malamang ay maaalala ko dahil sa tindig niya ay hindi ko naman siguro siya makakalimutan.

"Sinong kasama mo?" Aniya.

Bigla akong hinila ni Michael. Nakatingin pa rin ako sa kanya dahil inaaalala ko kung kilala ko ba siya.

"I'm sure kilala mo si Tiffany. Nandun sila Tristan."

"Kumpleto kayo ah!" Puna niya nang nakita rin sila Joseph. Nagtanguan lang sila ni Joseph so I figured they're not close. Paano naman 'to nakilala ni Michael?

Hindi ko rin alam na may gwapo pa lang kaibigan si Michael. Grabe ang tagal naming magkaibigan!

"Have we met before?" Tanong ko sa kanya.

"Style mo, Tiffs!" Humalakhak si Michael. "Isaac Mendoza. Kabatch natin siya nung high school. Hindi mo kilala?"

Umiling ako. Paano ko siya makikilala kung ang palagi kong kasama ay sila Tristan tsaka ang daming sections noon kaya imposibleng kilala ko lahat.

And I'm also sure that he doesn't look like this before. Malamang ay totoy pa siya non!

Nginitian niya ako. Uy in fairness ang puti ng ipin. His smile makes me wanna smile too. But that smile faded when I heard the next thing he said.

"Ice nalang."

"Ice? Your name is Ice?"

Then bigla kong naalala ang sulat na nakaipit sa kotse ko. "Wait," Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang papel na nakita ko sa windshield.

"Don't tell me sayo 'to galing?"

Nanlaki ang mata niya sa akin. "The black sedan was yours?"

I pursed my lips. Kung sineswerte nga talaga ako! Parang kanina lang ayaw ko tawagan pero sinong magaakala na magkikita pala kami. And he's friends with Michael too. Great!

"Woah. What's happening here? Magkakilala kayo?"

"Actually no. He just left this at my car after he scratched it." Mataray kong sabi.

May dating sana siya kung magaling lang siya magpark.

Inagaw niya sa akin ang note at binasa. "What the fuck? You did this? Kung ako 'to tinakbuhan ko na 'to."

Siniko ko si Michael sa pinagsasabi niya. "Shut up!"

"You didn't call.. Okay na ba kotse mo? I know someone who can fix it." He offered.

"No need. It's already done." Sabi ko.

"Huy inom na dito!" Hinila ako ni Tantan.

"Yeah. I think I need a drink to cool down." Inirapan ko si Ice bago sumama kay Tan.

Napapansin ko na panay ang tingin sa akin nung Ice. Lumipat na nga ako ng pwesto kung saan hindi ko siya makikita pero nararamdaman ko pa rin ang mata niya.

Pag napapatingin ako ay nahuhuli ko siyang nakatingin.

Nilapitan ko siya nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"What's your problem? Bakit tingin ka ng tingin?"

"You're looking too." So he admitted it. Bakit may ganitong tao na mayabang pa!

"Because you're staring!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Okay," Tumawa siya. "Hindi na. Bakit ang taray mo? Hindi ka naman ganyan."

"So kilala mo na ako ngayon huh? FYI, hindi tayo close. I don't even know you." I'm not sure if it's the tipsy me talking or not but I don't care because he's getting in my nerves.

"I'm sorry, you're right. We're not." Aniya bagk ako tinalikuran.

Naging sobrang taray ba ako kanina? Teka nga, bakit ba ako pa ang nakokonsensya? Totoo naman na hindi talaga kami close ah!

Argh!

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon