Chapter 14 - Reputation

3.4K 65 0
                                    

"Haba ng hair mo talaga. Type na type ka ni Carl. In fairness sa beauty mo!"

"Sira." Binalewala ko nalang si Nikki.

"Kailan ang date?"

"Paano mo alam?" Napalingon ako sa kanya.

Carl asked me out and I don't have any reason to decline. Bakit naman ako hindi papayag, I haven't had a normal date for a while now. Or should I say, a date that's not been forced into me.

"So seryoso nga? Totoo 'yun?" Gulat na gulat siya. "Akala ko wala lang. Tinatanong ako kung ano daw trip mo. Nako hinayaan ko nga! Tama bang ako ang tanungin kung pwede naman ikaw na. Pero kung alam ko lang lalabas kayo sana pinagtripan ko."

Natawa nalang ako. "Magdidinner lang kami, Nikki. But who knows if it goes well pwedeng coffee na rin."

"Hindi ko alam. Sa sobrang torpe ni Carl. Naku, Tiffany! Baka kahit ayaw ka pa niyang pauwiin sasabihin niyang bye. Teka nga anong pumasok sa utak mo at pumayag ka?"

"Kung pumayag ka lang kasi friend ko siya, wag." She added.

Iling lang ang sinagot ko. "Really? You know me better than that."

"I know you better than anyone else here. Kaya alam ko rin na hindi mo tipo mga kagaya niya. Tahimik, mahiyain, torpe?" She waved a finger at me. "Aggressive kung aggressive mga type mo kaya!"

Kinunotan ko siya ng noo. "Hoy! Hindi totoo. Saan mo nakuha 'yan?"

"If I know, type mo 'yung nagtatrabaho dyan sa kabilang building. Kunyari ka pa. He's cute, tall at arogante. Check lahat."

"That's my type pero hindi siya 'yun." I glanced at the supervisor's office. "Bumalik ka na nga sa desk mo. Baka mahuli tayo nagchichikahan. Malagot nanaman tayo."

Hindi na kami ulit nakapagusap pagkatapos nun. Hanggang sa natapos na ang araw ay tsaka lang kami ulit nagkausap.

"Saan kayo?" Tanong ko.

"Food park, Tiffs. Ayaw mo?" Sagot ni Martin.

"Hindi ako pwede. Sa bahay ako pinagdidinner ni Mama."

"Sayang. Yayayain ko pa naman si Carl." Nangaasar nanaman siya.

"Tigilan mo ko Nikki. Pigilan mo nga si Nikki, Marts."

Humalakhak lang siya at nagkibit balikat saying wala siyang magagawa sa amin dalawa.

Nagtext si Mama na sa bahay ako pinakain says she cooked my favorite hindi ko alam kung bakit pero mukhang may hint na ako kung bakit.

And I'm right. I'm always right about this.

"Mama bakit mas nagmamadali kang ipakasal ako? Hindi na uso ang maagang kinakasal ngayon."

"Who said anything about marriage? Pinapakita ko lang sila sayo. So what do you think?" Hinarap niya ang Ipad sa akin. "How about this guy?"

"Akala ko ba hindi mo na ako irereto sa mga anak ng kaibigan mo? Kakasabi mo lang.."

Since nandito na kami might as well tell her about Carl.

Pinatay ko ang Ipad at binalik sa kanya. "Mama I think I'm going on a date."

"If that's your alibi again, Tiffany, hindi mo na ako maloloko."

"It's true. Magdidinner kami this Friday. Gusto mong sumama para makita mo?"

Her eyes widen upon realization. "You're not joking?"

"I'm not." I chuckled, "Totoo. He's a friend of friend. Mukha naman okay. I did you a favor na so please wag ka nang magabala pa. I told you I'll date if I want."

Sa sobrang saya niya ako nakalimutan na niya ang list na pinapakita niya sa akin kanina sa Ipad. Nagpapakwento nalang siya about sa kung paano kami nagkakilala and so on.

Sinabi ko nang wala pa. Hindi ko pa sure pero mukhang gusto na niyang makilala agad. Mama, agad agad lang? Nakakaloka.

Wala na sana akong palanong sabihin sa barkada pero saktong nagyaya silang tumambay sa bahay Michael on that night. Nagmessage agad ako sa group namin tatlo nila Rhian.

Tumawag naman si Jade.

"Papainom si Tristan. Bumalik na daw ang Tiffany na kilala niya." Sabi ni Jade.

"Thanks Jade. Minnessage ko 'yung group natin para talaga malaman ni Tantan."

She chuckled. "Sorry na. Napasigaw kasi ako nung nabasa ko tapos nagtanong siya. Seryoso raw siya na manlilibre."

Umirap ako. "Grabe naman 'yang tingin niyo sa akin. Dapat ba akong mainsulto?"

"Pero girl, grabe ngayon lang ulit kitang narinig na makikipagdate ka. 'Yung willing ka ah."

"What's the big deal ba? Hindi lang naman ako ang single sa barkada."

Si Rhian single rin naman. Bakit pagdating sa akin tsaka lang big deal ang dating.

Naririnig ko si Tantan na may sinasabi sa background.

"Sabihin mo kay Tantan shut up. Bakit ba kayo palaging magkasama? Seriously, hindi ba nakakasawa?"

"Sinundo niya ako galing work. Tsaka with that face? Never."

"Sabagay, hindi ka maiinlove sa kanya kung hindi dahil sa face. Ngayon ko lang talaga narealize na nakakairita pala talaga si Tan."

"Sabi ko sayo eh. I hate him sometimes too." But her voice says otherwise.

"Pero ano, most of the time love mo? Ugh. Stop."

Tinawanan lang ako ni Jade. "Pagtatawanan kita pag someday ganyan ka rin. Papalala ko sayo mga times na niya-yuck mo ako."

Sasagot pa lang ako pero narinig ko ang boses ni Tan.

"Hey, Tiffs? Makikipagdate ka? Shit, welcome back."

"Wag ka nga. Wala pa rin makakatalo sa reputation mo nung high school tayo." Sinadya ko talagang sabihin 'yun dahil alam kong nakaloud speak ako at naririnig ni Jade.

"Good boy reputation?" Aniya.

"Sasabihin ko pa ba, Tan?" Hinamon ko siya.

"Gusto ko lang malaman mo na nagmamaneho ako. Maybe some other time?"

"You're having that talk about your reputation with me too." Narinig kong sabi ni Jade kay Tantan.

"Okay," I said out loud. "Ayaw ko kayong marinig kaya bye na."

"Pero sunod ka. When your date goes south, you know." Jade giggled.

"Alam natin 'yan, girl." I said before hanging up.

Minsan nalang ako makipagdate date, sana naman maging okay 'to.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon