Chapter 5 - Third Time's the Charm

4.5K 101 0
                                    

Iniwasan ko na lahat ng pwede kong iwasan pero hindi ko alam kung pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana dahil nagkita nanaman kami!

Iniwasan kong pumunta ng Starbucks. Iniwasan ko rin ang maglunch out. Nagdala nalang ako ng sarili kong lunch at sa pantry kumain.

"Uy diba siya 'yung last time?" Nikki nudged me when she saw Ice.

Hindi ko na nga siya nakita pero sinabi pa ni Nikki.

"Siya ba? Parang hindi naman." Nagpatay malisya ako.

Pasimple kong tinignan ang table kung nasaan siya. May kasama siyang isang lalaki at may bote ng whiskey.

Ano 'to, heart to heart talk?

"Siya 'yun! Hindi ko makakalimutan 'yung itsura niya, okay? Tara lapitan natin."

Pinigilan ko siya, "Bakit? Magkakilala ba kayo? Hindi ko nga siya kilala."

"Anong meron?" Tinanong kami ni Martin 'yung isa pa namin kasama.

"Ewan ko dito kay Nikki."

"Ako pa talaga? Sino kaya 'yung may kilala sa kanya tapos ayaw aminin. 'Yung totoo, may past ba kayo? Ikaw Tiffany ah, ano bang meron sa inyo ni Ice?"

Napalingon ako sa kanya. "Ay close lang kayo kung makatawag ka ng pangalan?"

"Akala ko ba hindi mo siya kilala? You sound like a jealous girlfriend."

I composed myself again. "Hindi nga. Alam ko lang pangalan niya."

"Oo na hindi mo na kilala. Ano tara na!" Hinila kami ni Martin sa bakanteng mesa.

"Sunod daw si Anthony mamaya pero magorder na daw tayo. Ano, hard or beer lang?" Tinigilan na rin ako ni Nikki.

Nagorder kami ng isang boteng black habang nagaantay kay Anthony.

Hindi ko na kailangan pang tumingin kay Ice para malaman ang ginagawa niya dahil nirereport na sa akin ni Nikki ang lahat.

"Friend tinitignan ka niya."

"Uy tinanguan niya ako! Naalala niya ako."

"Hinihintay ata niya na pansinin mo siya."

Ganyan si Nikki hanggang sa dumating na si Anthony. Hindi namin siya pinapansin ni Martin dahil may sarili kaming pinaguusapan.

"Uy pakilala mo naman daw si Anthony."

Napatingin ako kay Anthony na nagkukunyaring tampo at umiirap sa isang tabi.

"Kay Nikki ka magpakilala. Mukhang close naman sila."

"Anong ako? Nako Anthony. Si Tiffs talaga may kilala sa kanya." Tapos bumulong siya. "Nahihiya lang siya kasi crush niya kaya ayaw lapitan."

"I heard that, Nikki." Nilaro ko ang baso ko.

Bakit ba namin siya pinaguusapan? Is he a big deal? Wala naman meron sa kanya. He got the looks, okay, I give that to him pero other than that wala naman.

"Ayaw lang talaga nila ipakilala sayo, baka agawan mo sila." Tumawa si Martin.

Umaarte pa rin si Anthony na umiirap.

"Pag close na kami ipapakilala kita. Pati dun sa cute na kasama niya." Malanding sabi ni Nikki kay Anthony.

Tuwang tuwa naman si Anthony at kung ano ano nang sinabi. I blocked my ears para hindi marinig ang pinagsasabi niya.

"Uwi na tayo, Marts. Hindi na tayo kailangan dito."

Tinawanan lang niya ako. "Anong meron, Tiffs?"

"Pati ba naman ikaw? Nakakainis na ah."

"Joke lang. Oh iinom mo nalang 'yan." Dinagdagan niya ang alak sa baso ko.

"Sabi sayo may something eh."

"Wala nga!"

"Eh bakit parang bitter ka? Tapos naiinis ka pag pinaguusapan. Tinatanggi mo rin na magkakilala kayo. Ganyan ganyan ako sa ex ko!"

Napaubo ako. "Hindi nga. May mutual friend lang kami at hindi ko lang siya feel. Nothing more."

"Sige nga lapitan mo!" They challenged me.

"Ayaw ko nga. Why would I do that?"

"She's definitely in love with that guy. I can tell." Sabi ni Anthony kay Nikki.

Sumang ayon naman si Nikki at nginingitian nila ako.

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko at tumayo.

"Oh saan ka pupunta?"

"I'm just going to say hi to my friend." I faked a smile.

"Ayon pala. Hindi naman pala bitter." Nikki commented.

"Sama mo daw si Anthony." Tawa ni Martin.

Napatingin sa akin 'yung kasama niya habang papalapit ako sa table nila at napatingin rin si Ice.

"Third time's the charm isn't it?" Tinanong niya 'yung kasama niya. The guy just shrugged but smiled.

"Anong trip mo? Close ba tayo? I don't even know you." Mataray kong sabi.

"Anong trip ko? Ikaw ang lumapit sa table namin. Anong trip mo?"

"Bakit ka ba kasi nandito." I didn't mean to say it out loud.

"I could say the same to you, Miss sedan."

And that was rhetorical.

Umirap ako. There is only one way I could think of right now.

"Do you still have my number?"

Hindi pa siya sumasagot then naisip ko na hindi naman niya kailangan malaman. We're not gonna be textmates anyway.

"Nevermind. I'm going to text you from time to time and ask where you are para hindi ako pupunta doon."

"Woah. Girlfriend ba kita? Kailangan magreport?"

Bakit ko ba nakalimutan na sarcastic pala ang isang 'to!

"To be honest ayaw kong nakikita ka. Naiirita ako so.. okay?"

"Talo mo pa nanay ko kung magdemand ka." Tumayo siya.

Lumapit siya sa akin kaya lumayo ako. Hinawakan naman niya ang braso ko at hinila ako palapit para bumulong.

"Miss, I don't like seeing you either."

Then bumalik siya sa pagkakaupo. Pinapanood lang kami ng kaibigan niya.

"But I like seeing your annoyed face." Ngumisi pa siya na parang nangaasar. "Paano ba 'yan mukhang magiging madalas ang pagkikita natin, Miss?"

I'm really tempted to punch his arrogant face but instead I just kicked his leg that is resting under the table.

Serves you right!

Pagbalik ko sa table namin ay inis na inis nanaman ako. Sa tuwing nakakausap ko siya ay naiinis lang ako lalo!

Sobrang sarcastic kasi niya at pilosopo nakakainis rin mga sagot niya.

"Anong nangyari? Bakit may paghila na ganap?" Makahulugan akong nginitian ni Nikki.

"Nagselos tuloy si Anthony." Inasar naman ni Martin si Anthony.

"Okay lang Tiffany. Doon nalang ako sa friend. Alam mo na ah!"

Ang yabang yabang talaga nung Ice na iyon!

Ang tanda tanda na pero mga sagot niya patang bata pa rin. Kairita ha!

Gwapo siya pero hindi siya sobrang gwapo para pagaksayahan ko ng oras. He's just not worth it.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon