Chapter 45 - Gifts

4.1K 81 1
                                    

I tapped my foot on the floor impatiently. Napagusapan namin ni Ice na sabay kaming pupunta sa Christmas party ng barkada sa bagong bahay nila Tan. Pero wala sa usapan na malilate siya.

I volunteered to drive kasi palagi nalang siya ang sumusundo sa akin. Well para maiba naman. He refused at first because "what kind of a man he is if he lets a woman drive". I argued na maraming beses ko na siyang ipinagdrive bago pa maging kami. He shuts his mouth instantly. 

He came out of the gate rushing na parang kanina pa siya nagmamadali but I know him too well. Alam kong nung nasa gate na siya tsaka lang siya nagkunyaring tumakbo palabas. Seeing how his hair is done hindi siya nagmadali.

I held up a hand before he could say anything. "What time is it, Isaac?"

"Uh, 6:35?"

"Anong oras ang usapan natin? It's 6 right? I can't believe you let me wait here outside."

"Yup. Sorry." He walk towards me and stopped in front of me. 

Nakataas pa rin ang kilay ko. 

"Love. Sorry na. Babawi ako, promise. Promise talaga!" Nagpacute pa siya sa harapan ko. Kung hindi niya ako tinawag na love galit pa rin ako sa kanya but since he already said sorry fine. Christmas naman so dapat mapagbigay.

Hinawakan niya ako sa may siko. "Hmm?" Ngiti pa niya.

"Oo na. Tara na! Late na tayo."

Aasarin nanaman nila kami mamaya sure ako. Every time we are late they are accusing us of having make out session. Which by the way is not totally true. 

It took me time to find the house dahil first time ko lang dito. Bago bumaba ay kinuha ko ang paper bag na laman ay gifts ko sa kanila.

"Merry Christmas guys!" Bati ko pagkapasok. 

Puro pang Christmas decoration ang loob ng bahay ni Tan. From the tall Christmas tree to the decorations in the stairs.

"Wait, I have gifts!" I announced. Nilapitan ko sila isa isa at binigay ang mga regalo. Nakita kong inalog ni Michael ang box.

Sumimangot si Ice sa akin. "Where's mine?"

"Later." Nagtaas baba ako ng kilay sa kanya.

Nakita kong nagiwas siya ng tingin ay namula ang tenga niya. Hinampas ko siya agad. "You perv! It's not what you're thinking, okay?"

"I'm not thinking about anything." Pagtanggi niya at lalo siyang namula.

"Stop!" I laughed.

Huminga siya ng malalim at pinuntahan si Joseph.

We spend the night talking, drinking and mostly eating. Pinagusapan kung kaninong bahay ang gagamitin sa sunod na Christmas party. 

Bago siya bumaba ay nilabas ko ang isang paper bag na naglalaman ng mga regalo ko sa kanya. Ang hirap pumili ng regalo para sa kanya dahil parang ang dami kong gustong bilhin. Niloko pa nga ako ni Nikki na bilhin ko na ang buong mall.

"It's our first Christmas together so marami akong gifts sayo actually." I said excitedly.

Tawa tawa kong nilabas ang mga laman. Inuna ko ang cookbook at narinig ko agad ang protest niya.

"Seriously?"

"It's useful. Uy aminin mo totoo. And no judging. Marami akong gustong bilhin but ito talaga mga napili ko. Next is," Ngumisi ako at inabot sa kanya ang nakabalot na color violet pajamas set.

He opened it in front of me hoping that it would be something he likes. But it failed him as he saw the content. "Sigurado ka bang panlalaki 'to?" Ngumiwi siya. 

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon