"What? You agreed to be this guy's plus one?"
"Unfortunately ako lang ang maganda at mabait niyang kaibigan na papayag."
"You should let him die of boredom there. I'm sure may kapalit?"
"Shut up."
"Oh. Ayaw ipaalam ang kapalit? Ikaw nalang Tiffany ang tatanungin ko. What is it? Tell me."
"Kung gusto mo ikaw nalang ang sumama sa kanya then malalaman mo."
"Nope. Thanks but no thanks. I don't really want to know. Sige lang guys just keep that to yourselves. After I risked my life earlier because I was worried."
Wala naman kapalit. Friends don't need to be bribed to help each other. Though he did that before he ask.
"Hindi ko naman sinabing pumunta kayo. Lalo na ang magdrive ng ganon. Not cool by the way."
"You don't think it's cool kasi hindi ka cool." Sabi niya na parang bata sa akin.
By the way Mateo is super childish. Bagay naman sa look niya ang childish dahil baby face siya. He could even pose as a college student.
"Now I know bakit ako ang niyaya mo sa party ng kapatid mo. Ako lang ba ang normal sa mga friends mo?" I turned to Isaac.
"See. That is not so cool, Tiffany."
Nilingon ko ang mga tables sa kabilang bahagi ng bar at ngumiti. "You know what is cool? Let's play billiards. Losers get the check for tonight."
Pinalo ni Mateo ang mesa at confident na tumayo. "Game!"
Hindi sumali si Ice at sinabing kami muna ang maglaro dahil sa pustahan.
Malakas ang loob kong makipagpustahan dahil tinuruan ako nila Tan at madalas rin kaming tumambay dati sa bilyaran. Hindi rin papatalo si Mateo but he's purely just using his strength to shoot the ball.
"Lakas tira ka nanaman!" Sabi ko nung nagyabang siya dahil dalawang bola ang napasok niya.
Pero hindi na siya sinuwerte sa pang fourth niya. At ang sinisisi niya? Si Ice dahil sa trashtalk nito.
Nung turn ko na ay hindi na siya ulit nakatira dahil sunod sunod ang pasok ng bola.
"Gusto mo upo ka muna while waiting for the bill?" Sabi ko kay Mateo bago ako tumira. It's the last ball. "Or you can pray na hindi pumasok.."
"Which did anyway." I said when the last ball got inside the hole.
Humalakhak naman si Ice at tinapik ang balikat ni Mateo habang nakipag high five naman siya sa akin. "Smart enough to challenge Mateo."
"Oh so pag ikaw matatalo mo ako?" I faced him.
He just shrugged and draped his arm around me as we walk back to our table.
"Nakakauhaw noh? Parang ang sarap uminom ng uminom." Nilingon ko si Mateo. "Lalo na pag libre."
"Ready mo na card mo. Malakas uminom 'to!" Mapangasar naman si Ice.
"Not fair 2 against 1." Mateo pouted.
"1 on 1 sa billiards pero talo. Admit that natalo ka sa billiards ng isang babae." Iling ni Ice aa kanya.
"Eh sa swimming?" Lumapit ako at binulong iyon kay Ice.
Sinamaan lang naman niya ako ng tingin at tumawa ako.
"Order ka lang. Pibagbigyan talaga kita dahil sa nangyari kanina sayo. What gentleman wins against a woman?" He chuckled.
"Yeah we both know you did. Thank you, Mateo! Kakain ako palagi sa resto mo pambawi sayo." I bumped his shoulder.
"Wag na. Palaging nagoovertime ang staffs ko dahil sainyo. Kainan at hindi tambayan ang resto ko."
"Stop complaining. We bring business and your staff loves us. Kj lang ang boss that's why he misses all the fun." Ngumisi sa akin si Ice at tumango ako.
Kahit na closing time na ay nandoon pa rin kami pero sinasabi naman ni Ice na pwede na sila umuwi but some wants to stay at minsan ay nakikipagkwentuhan pa.
Buong gabi ay cinoconvince ako ni Mateo na wag samahan si Ice dahil iniinis siya nito.
Bibigyan daw niya ako ng mga coupons sa resto niya at gifts certificate sa malls. He went that far para lang inisin ang kaibigan.
"Tempting.."
"And starbucks coupons." He wiggled his eyebrows.
"Deal." I said. I practically live on coffee during Mondays and other days when I'm hungover.
But of course this is just us annoying Ice. I won't bail dahil pumayag na ako. Though lung seryoso si Mateo ay pwedeng mabago ang isip ko..
Nah, just kidding. May napili na nga akong damit na susuotin at gift na ibibigay.
"I will annoy the hell out of you everyday pag tinotoo mo 'yan. I'm not kidding, Tiffany." Tumatawa si Ice pero alam kong seryoso siya sa sinabi niya.
"Woah scary. Tinatakot mo ba ako?"
"That depends." He held up his glass and I clanked mine. Sumali rin si Mateo.
I love how the three of us can hang like we knew each other for a really long time kahit na halos kakakilala pa lang namin. And I can be myself when I'm with them too. They're just like Michael and Tan to me.
xx
Walang katapusang pangaasar ang nakuha ko sa mga boys nang nalaman nilang aattend ako ng debut ng kapatid ni Ice.
"Ayon! Dumadamoves na. Kasalan ka ba sunod?"
I shoved Joseph. "Hindi ka invited sa kasal ko."
"May groom ba?" Humalakhak naman si Michael.
"Isa ka pa! Actually lahat kayo hindi invited."
"I was actually worried kung paano ko sasabihin na hindi ako pupunta. Thanks, Tiffs." Tantan winked at me.
"Kakainis talaga kayo!"
Sa lahat ay ako lang ang paborito nilang asarin. Simula nung high school pa lang ay ako na ang palagi nilang niloloko. Parang hindi sila masaya pag hindi nila ako naasar ng isang araw.
Inaasar rin nila si Rhian pero sobrang minsan lang pag wala silang maasar sa akin though madalas meron.
"Biro lang. Seryoso na, bakit ka pupunta?" Tanong ni Michael.
"Because he asked me. And his other friend is going too. Hindi big deal. Kung ano ano lang iniisip niyo."
"So if I asked you sasama ka rin?"
That's just what they have been waiting for. Nagsimula nanaman silang magsigawan at mangasar.
"Pag ikaw hindi ko na aantayin yayain mo ako. I will crash the party for you." Ngumiti ako.
"Iyon 'yon!" Hinila niya ako at inipit gamit ang braso niya. "Muntik na akong magselos."
Tinulak ko siya palayo para makahinga. "Pake ko?" I retorted.
"Kadiri ka gago." Sinapak siya ni Oliver.
"Loverboy!" Sabi naman nung isa at nagkumpulan sila doon.
Napapailing naman ako at natawa kami ni Michael nung nagkatinginan kami.
Kung alam niyo lang..
BINABASA MO ANG
Accidentally on Purpose (Completed)
RomanceWhat happens when two people meet by an accident? (Tiffany from The Bad Boy's Girl story)