Chapter 38 - Out of the League

2.9K 89 3
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali at hanap ako ng hanap ng damit na isusuot so tinawagan ko sila Rhian at Jade para tulungan ako.

Nagyayang magdinner si Isaac. He told me to dress pretty and I replied by saying I'm always pretty. Pero ito ako ngayon hindi alam kung anong dapat suotin. Ayaw rin niya sabihin sa akin kung saan kami kakain he said it's a surprise. 

"Just wear anything. Lahat naman ng damit mo maganda. Tsaka nakita ka na niya ng bagong gising remember?"

"Iba naman iyon. Ano nalang 'yung puro pangit ako 'yung maaalala niya?" Umirap ako.

Err, well they are not actually helping. Don't know why I called them.

It's true I like him at gusto ko naman na maganda ako sa paningin niya minsan. Hindi ko nga alam kung bakit bigla siyang nagyayang magdinner kami. I didn't ask because we are always like this. Going out for dinner, hanging out together and there's nothing weird about it until I realized I actually like him. Feeling ko parang nasa state kami ng its complicated. I feel like we are somewhere between friends and more than friends but if it means I get to be with him. Then why not?

"Paano ka namin tutulungan hindi mo nga alam kung saan."

"Ayaw nga kasi niyang sabihin. Ewan ko ba doon."

"Girl, baka magcoconfess na siya sayo! Think about it ganito usually ginagawa ng mga lalaki diba? Kunyari surprise surprise."

Binalewala ko ang sinasabi ni Rhian dahil imposible iyon at hindi ko 'yun naisip. "He's not like your 'usually' guy kaya hindi niya iyon gagawin. For the record, hindi nga niya ako gusto."

"Ayaw maniwala ni Tiffany. Rhian diba! Iba talaga 'yung tingin niya." 

"Well you're wrong because he looks at me like he looks at any girl." I didn't intend to said it in a bitter way pero wala akong nagawa nung ganon ang lumabas.

"Wag ka nga. Hindi mo nga napapansin 'yung mga sulyap niya. Kami napansin namin." Rhian said.

"He said it himself. Tinanong ko siya pero sabi niya never pa daw siyang tumingin ng ganon. Ano pala iyon?"

Tumawa si Rhian at hinampas ako. "Girl saan ka nakakita ng umamin pag tinanong? Sige nga!"

"He is different. Kung totoo aamin siya."

"Halos lahat ng lalaki naduduwag pag sa harap ng gusto nilang babae. Let's say he is different pero lalaki pa rin siya."

"So anong gusto niyong gawin ko? Ako ang umamin? Because no way. Alam niyo 'yan."

"What we are saying is he likes you too."

"Fine. Pero tulungan niyo na muna ako." Tinignan ko ang oras.

"How about this one?" Nilabas ni Rhian ang dark blue cami velvet top sa cabinet.

Halos makalimutan ko nang may binili pala akong ganon. I can pair it with jeans and coat depende sa place.

xx

Pamilyar ng daan na dinaanan niya at parang nakapunta na ako dito pero hindi ako sigurado. Nanlaki ang mata ko nang pinasok niya ang sasakyan sa loob.

Tumingin lang ako sa kanya.

He smiled and nodded. He parked his car and turned off the engine. Bumaba na siya at sumunod naman ako. 

"Dito tayo?" Tanong ko at halos hindi makapaniwala.

"Yes." 

"Didn't you just forget something or.." I stopped mid sentence because he is shaking his head. So we are really going to eat here?

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon