Chapter 26 - Strict Boyfriend

3K 72 1
                                    

When we arrived at the hotel nakita ko sa lobby ang mga taong nakdress at mga naka suit.

"Tara. Nasa loob na si Mateo."

I hooked my hand in his arm and went inside. I was in awe the moment we step inside the ballroom.

Si Ice ay parang wala lang pero ako ay napa wow dahil sa ganda ng pagkagawa ng venue. Para akong nasa barbie world. The place was full of pastel colors. And I love pastels!

May photobooth sa isang corner at nakaayos ang cupcakes na I think souvenir then may mataas na cake doon. And cocktail bar rin. May bartender na nagseserve ng drinks. The place was just so grand and beautiful to look at.

"You know I never had my debut party." Sabi ko as we walk our way to where Mateo is.

He shot me a look. "I thought you did. Mahilig ka sa mga ganitong events diba?"

"Ewan ko. Ayaw ko lang nasa akin lahat ng atensyon. I just had a simple party with my friends and family." I smiled. "But now seeing this made me regret my choice. Wow."

"Hey guys! Ang tagal niyo!" Napalingon kami kay Mateo. "Your sister made the wrong choice to have an open bar. Uubusin 'yan ni Tiffany, libre eh."

Nginisian ko si Mateo na nakapolo na tinupi hanggang siko. "Wag mong ipasa sa akin. Ebidensya o." Tinuro ko ang hawak niyang cup then I flipped my hair in the most exaggerated way. "Sorry feeling girly ako ngayon at wala akong balak maglasing sa party ng kapatid niya."

"Nahiya ka pa. Malalaman natin mamaya 'yan." Sabi niya.

Then a photographer appeared and called our attention. 

"Look here."

Nagpose namin kaming tatlo ng nakangiti. I was in the middle. "One more."

"Kunan mo silang dalawa." Umalis si Mateo.

I tilted my head in Ice's shoulder and smiled. Pinatong naman niya ang kamay niya sa balikat niya.

"Thanks." The photographer said then left.

"I just realized bagay pala kayo." Sabi ni Mateo na may dalang appetizers at binigyan rin kami.

"It's the clothes." Sabi ko.

"No shit? Same color? Now I feel left out. Sana sinabihan niyo rin ako."

"We just happened to wear same color." Tinapik siya ni Ice at napamura si Mateo.

Ice excused himself after that para puntahan ang mga relatives niya. Sinubukan naman namin ni Mateo ang maglaro ng games sa mga booth.

May prizes daw kasi. "Akala ko ba magaling ka.." Sabi ko nang hindi niya na shoot ang ring.

"Practice lang 'yun. Ito na talaga." Nag game face pa siya.

I just watched him fail again. Natatawa na rin ang nagbabantay ng booth sa kanya. "Kaya mo 'yan, Mateo. Try and try until you succeed." Tawa ko.

"Ayaw ko na. Masyadong pangbata, hindi bagay sa akin." Aniya.

"Pagkatapos mong mag 10 rounds. Halos angkinin mo na nga 'tong booth." Asar ko sa kanya.

"Thank you, Miss." Sabi niya doon sa babae bago kami umalis.

Sinunod namin pinuntahan ay mga iba't ibang cookies sa jar. We tried some of them and it's delicious!

Bago kami mabusog sa cookies ay binalikan na kami ni Ice.

"Come on. The program is starting."

Umupo kami sa isang table with his cousins. Buti nalang because I don't think I can handle the awkwardness pag kasama ang parents niya.

We all turned to look at the entrance to see the debutante. I'm excited to see his sister and the gown na I bet super ganda rin.

Ang daming nagflash na camera nung pagpasok niya but I got a glimpse of her since nasa medyo harapan ang table namin. She's gorgeous!

Hindi sila magkamukha ni Ice pero parehas sila ng shape ng face.

And don't even start with the gown. Color pink na tube but with turtleneck lace. I can't wait for her other dresses!

"Ang ganda ng kapatid mo. Buti nalang hindi kayo magkamukha noh?" Sabi ko after ogling.

He scoffs, "Buti talaga hindi ko siya kamukha."

Umakyat rin ang parents niya sa stage to gave short speech and wished her a happy birthday. May video presentation rin sa background na photos of her when she was a baby to present.

Meron na doon na may kasama siyang batang lalaki which I'm assuming is Ice.

"Ikaw 'yun? Ang cute!" Turo ko ko picture.

"I know." Bumulong siya sa akin.

I shoved him, "Joke lang pala."

Kinakausap kausap rin ako ng mga pinsan niya nung kumakain na.

"Cute niyong dalawa! Gaano na kayo katagal?" Tanong ng pinsan niyang babae.

"Oh no, no. Friends lang kami." Ngumuti ako. "The three of us." Sabi ko pa.

"Friends lang talaga 'yan." Sumagot rin si Mateo.

"Really? So pwede ko hingin number mo or Facebook?" Tumawa naman 'yung isa. Ang alam ko ay halos kaage lang namin siya.

"No." Sumagot agad si Ice. "May boyfriend siya."

"Weh? Pero kasama mo?" Hindi naniwala 'yung guy.

Nginitian ko lang siya pero kumunot ang noo ko kay Ice.

"He says that to every girl he meet." Bulong niya sa akin.

Tinawanan ko lang siya at may binulong rin siya kay Mateo.

Bigla naman may sumigaw sa table namin. "Kuya!"

Napangiti siya agad nung nilingon niya ang kapatid. "Happy Birthday, sis."

Binati rin siya ni Mateo at kumindat. "Pwede ka nang magbar. Akong bahala sa kuya mo."

"Hi." Sabi naman niya sa akin.

"Happy Birthday."

After ng photo ay umalis rin siya agad pero tinapik niya kuya niya at sinabing, "Punta ka daw sa table nila Mama."

"Okay," Then nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko.

"With me?"

"Hindi nila ako papapuntahin ng walang rason. They want to meet you. Let's go."

Tumingin ako kay Mateo and mouthed, "Help."

Pero nginitian lang niya ako at tinulungan pa akong tumayo. Nagthumbs up pa siya sa akin.

"Wait lang, bakit nila ako gustong makilala." I asked nervously.

"Because you're my plus one. Ano, tara na. Tinitignan tayo ng mga tao."

Bigla ko rin naisip iyon kaya tumayo ako ng maayos at tumikhim. Okay I'm just greeting them. It's easy, just smile. Okay smile.

He grinned at me like an idiot.

Pinakilala niya ako sa parents niya and tita, titos as his friends. Wew. Todo smile naman ako at binati sila. Tinanong lang nila ako kung nabusog ba ako or nageenjoy ako at hinayaan na kaming bumalik sa table namin.

"Akala ko ba may boyfriend ka na? Bakit kayo naghoholding hands?" Nakangisi 'yung pinsan niya.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak simula kanina pa at bibitaw sana pero hinigpitan niya lalo.

"Hindi naman strict ang boyfriend mo diba? Okay lang naman 'to right?" He faced me.

"Ha?" Confused pa ako at gusto ko pa rin alisin ang kamay ko pero nung nginitian niya ako with his teeth showing, I lose it.

Hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon