Maaga akong umuwi ng bahay dahil wala si Dad at si Mama.
Apparently iiwan nila sa akin ang bahay ng isang linggo dahil nag out of town sila without inviting me. They went on a date!
Updated lang ako sa itinerary nila dahil nagsesend si Mama sa akin ng sweet pictures nila. How cute my parents is, right?
So since naiwan ako sa bahay, I invited Jade and Rhian over. Ang tagal na namin hindi nag sleepover tatlo. Nung college pa ata ang huli dahil sa busy rin.
"Namiss ko 'to. Parang college days lang ulit."
Nagleave kami sa work bukas para hindi hassle ang papasok.
"Diba! At least ngayon hindi na natin kailangan magaral." Rhian chuckled.
"Gusto niyo drinks? Kuha lang kayo sa ref. Alam niyo naman kung nasaan." I said while looking for movies to watch.
"Love, Rosie!" Tinuro ni Jade ang tv. "Napanood niyo na? Panoorin natin ulit."
I played the movie.
Frustrating ang movie but I like it. The times that they should've been together already. Pero their ending was worth the wait and time.
"Kung nagconfess na kasi siya agad." Comment ni Rhian.
"It's not easy. Confessing. Magbest friend sila so iisipin nila mga risks." Umiling si Jade.
"Movie critics na kayo ngayon?" Tumawa ako. "Alam na alam ni Jade 'yan. Makinig ka sa kanya."
"Ako talaga? Baka ikaw. Alam mo na, mag best friend.." She trailed.
"Michael." Ubo ni Rhian. "Michael."
"Pinili niyo ba talaga 'to para lokohin ako?"
"Ay sorry. Hindi na pala si Michael. May iba ka na pala." Then the both of them shared looks.
"As much as I want to satisfy both of you, Michael and I? Never. At wala akong iba. Kung may iba ako I should've invited him over at hindi kayo."
"May point ka." Jade nodded. "Gusto niyo fries? Padeliver tayo."
Ako kasi 'yung tipo na once nagkagusto sa isang tao. I'm all in. That's me. Kaya pag hindi ako sure sa taong 'yun, sinisigurado kong I keep my distance dahil ayaw kong maattach.
Ayaw kong nasasanay sa mga bagay na mawawala rin pagkalipas ng ilang araw o linggo.
With Ice? Close na kami ngayon pero ayaw ko munang lumagpas doon ang pagkakaibigan namin. Besides he made it clear na hindi niya ako type."Actually may aaminin ako.." Sabi ni Rhian na nakangiti.
"May boyfriend ka na?" Bored na sabi ni Jade at nagkatinginan kaming dalawa.
"Alam niyo?"
"So meron nga?" Tumawa ako. "Text ka kasi ng text dyan! Sino bang hindi maghihinala. Ilan taon na tayong magkaibigan noh."
"Tinalo mo pa ako na may boyfriend sa pagtext." Ani Jade.
"Okay, fine. Pero hindi pa boyfriend. We're just going out." Masaya niyang kwento.
Gustong gusto naman namin ni Jade ang mga kwentong pag-ibig. Dahil dyan nasa hot chair siya ngayong gabi.
"So who is this guy? Saan mo nakilala?"
"Ilan beses na kayo nagdate?"
She smiled sheepishly. And there I knew gusto niya talaga 'yung guy because that's the face you have when you like a guy.
"Isa isa lang. So mabait siya, gentleman actually too gentleman for my liking pero cute siya. He is my officemate's cousin."
Natawa ako kasi she's the sister I never had. Alam ko kung ano ang tipo niya sa lalaki. Gusto niya 'yung mga nababasa sa romance novels or mga napapanood sa tv kind of guy 'yung badass pero mabait pala deep inside.
Who we date is really far from our ideal type right?
"Too gentleman? Mukhang alam ko na kung sino ang mapagtritripan sa mga get togethers ah?" Tawa ni Jade.
"Ay hindi girl." Rhian raised a finger. "Gentleman pero hindi papatalo 'to. Wanna know what he does? He's a lawyer."
Our jaw dropped upon hearing that. "Lawyer?" Napareact ako. "Iba ka. 24 years of no dating experience then a lawyer? Wow."
"Wait lang. May kukunin lang ako." Paalam ni Jade at umakyat sa kwarto.
"I know right? Napa-wow rin ako nung nalaman kong lawyer siya kasi ang bata pa niyang tignan!"
Naguusap kami ni Rhian about sa guy nung bumalik si Jade.
"Hindi lang ata si Rhian dito may dapat ikwento. Sino si Mateo?"
"Mateo? Paano mo kilala si Mateo?" Tanong ko.
Hawak niya ang phone ko at hinarap sa akin. "Kanina pa tumatawag sayo." Then she toss it to me.
Kunot noo ko iyon sinagot. Bihira lang kaming magtext ni Mateo at lalo ang magtawagan.
"Saan ka? Sama ka sa amin."
"Kasama mo si Ice? Saan kayo?" Tumingin ako sa dalawa. Nakatingin rin sila sa akin habang nakangiti.
"Hindi pa namin alam. Nasaan ka ba? Tara na daanan ka niya."
"Nasa bahay ako. Pass. Kasama ko friends ko."
"Tambay lang tayo. Sama mo sila kung gusto mo."
"Wait lang ah." Tinakpan ko ang phone at tinanong sila. "Gusto niyo bang lumabas?"
"Tara tara! Saan?" Si Rhian. Tumingin naman ako kay Jade. "Pwede rin naman."
"Sure kayo?"
"Oo! Sabihin mo game ka."
"Saan ba kayo? Text mo sa akin kung saan." Sabi ko kay Mateo bago ko binaba.
"So are we finally meeting this Ice?" Excited na sabi ni Rhian.
"You guys met him. Sa bar."
"Nakita ko lang. At least now I get to say hello man lang."
I figured maybe mas okay pag nakilala nila si Ice. Mabait naman si Ice sa mga kaibigan ko. (Sa akin lang ata hindi) and I'm sure matutuwa rin sila kay Mateo.
We met somewhere in Makati. Bago bumaba ng kotse ay winarningan ko ang dalawa.
"Wag kayong magsabi ng kung ano ano doon ha. Kilala ko kayo!"
"Grabe sa biglaan ah." Salubong ko sa kanila.
Tinawanan lang ako ng dalawa. Pinakilala ko naman sila Jade at Rhian sa kanila.
"Ano gusto niyong inumin? Hard?"
Jade chuckled. "Not a good idea."
Tumawa ako when I remember those countless times the three of us drink and got drunk together.
"Maybe next time."
"No one can handle us once we get drunk, Mateo." I laughed.
Lahat kami ay nag big ass beer.
"Alam mo palagi kang kinukwento ni Tiffs. We get to finally put a face behind the stories."
Siniko ko si Rhian.
"Kinukwento mo ako?" He gave me a wide smile.
"Kapal mo. Nagpaloko ka naman sa kanila. Bakit naman kita ikukwento."
"Fine. Hindi kwento. I just know you kasi galit siya sayo for rejecting her." Binulong iyon ni Rhian sa kanya.
Ang lakas ng tawa ni Ice at nakipag apir pa sa dalawa kong kaibigan. Si Mateo ay ngumingiti rin.
Nanliit ang mata ko kay Ice. "You told him too? For the nth time, hindi ako seryoso nung tinanong kita. Hello, sino naman gugustuhin maging boyfriend ka?"
"Woah wait. Anong sinabi mo?" Si Mateo.
"Now he knows too." Ngumuso si Ice. "I didn't tell him, you know."
Alright. Maybe hanging out is not a good idea!
BINABASA MO ANG
Accidentally on Purpose (Completed)
RomantikWhat happens when two people meet by an accident? (Tiffany from The Bad Boy's Girl story)