Chapter 29 - Complicated Relationship

2.8K 74 0
                                    

Nagstay muna kami sa bahay at inayos ang gamit bago kami lumabas. Naghiwalay kaming mga girls sa mga boys.

Ayaw ko sanang iwan si Ice dahil ako ang naginvite sa kanya kaya lang itong si Michael pinaalis ako at sinama si Ice sa kanila.

In that case kasama rin namin si Allana na nageenjoy dahil nakakapagpicture siya.

Halos puro picture ang ginawa namin apat. At tumambay sa isang kainan para magpalipas oras. Sobrang tirik pa kasi ng araw, 'yung tipong masakit sa balat.

Hindi na naiilang si Allana at nakikipagkwentuhan na rin sa amin at tawanan. We joined the boys nung medyo hapon na.

Nilapitan ko si Ice na nakaupo lang sa buhangin at tinabihan.

"Anong ginawa niyo kanina?"

"You really want to know?" He glanced at me at his lips curved.

"Sus if I know nag sightseeing kayo!" Umirap ako. "Ayaw mong magswimming?"

May kanya kanyang buhay silang lahat. Buhat ni Tristan si Jade at si Oliver naman si Allana and they are playing. May photoshoot namang nagaganap kay Joseph at kay Rhian.

"Ikaw ayaw mong sumali?" Tanong niya.

Umiling ako at umupo sa tabi niya. "I'm too heavy for that."

Tumaas ang kilay niya at tinignan ako. "You're too thin."

"Edi magpapaaraw nalang ako dito. Happy?"

"Sana sa Manila ka nalang nagpaaraw."

Pinalo ko siya. "Epal mo. Ikaw sumali kung gusto mo. Kayong dalawa ni Joseph!"

Napatingin naman ako sa kabilang side nang may tumikhim. Nakatayo si Michael habang nakapameywang at suot ang favorite niyang rayban's.

"Bakit ka pa nagbihis kung hindi ka aapak sa tubig?" Masungit na sabi niya.

"Magsama kaya kayong dalawa? Epal kayo sa buhay ko." Sabi ko habang tinitignan silang dalawa.

Hinila ako patayo ni Michael. "Tara! Buhatin mo ko."

Then hinila na niya ako papuntang dagat. Nilingon ko naman si Ice na napapailing habang nakangiti.

Akala ko nagbibiro lang si Michael pero talagang gusto niyang ako ang magbuhat sa kanya. "Gags, hindi kita kaya."

"Try mo lang. KJ mo naman."

Natatawa lang sila at hindi kami pinapansin dahil normal lang 'to sa barkada. As always nagtatalo nanaman kaming dalawa. Paano ba naman kasi tama bang ako ang magbuhat sa kanya?

Women should be treated as equal, I know pero hindi ko talaga kaya. No match ang lakas ko sa bigat niya.

"Hindi KJ tawag don. Gusto mo talagang mabali buto ko noh?"

"Sus. Ikaw na nga sumakay alam ko naman gusto mo lang mafeel muscles ko." Aniya.

Umirap ako at umiling. "Okay. Get down."

Nung nakayuko na siya, I pressed on his head kaya naout of balance siya at tuluyang nahulog sa tubig tapos tumakbo ako paalis.

Narinig ko nalang ang pagsigaw niya ng pangalan ko pagkaahon niya.

Tawa ako ng tawa at binalikan ko si Ice.

"Nope, can't help you." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at nginuso niya si Michael na basang basa.

Oops. I ran as fast as I could. Tumakbo ako papunta kay Rhian.

"Just don't let me catch you. Ibabato kita sa tubig!" He shouted as he chased.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon