Chapter 28 - Not Laughing

2.8K 72 1
                                    

After the debut I have decided that I will invite both Ice and Mateo to go with us.

I had fun at that party naman so it's like returning the favor lang and he mentioned that he likes to swim. Siguradong matutuwa siya. Gusto ko rin isama si Mateo dahil masaya siyang kasama. Ang saya niyang pagtripan paminsan at nakakatawa rin mga baon niyang lines minsan.

"What are you doing this weekend?" I called Ice while lying on my bed.

"Hindi ko pa alam. Bakit?"

"We are going to Batangas! Sama ka. Kasama sila Michael. Yayayain ko rin si Mateo."

"Bakit mo ako gustong isama?"

"Actually hindi ako. Sila Jade, isama ka daw tsaka mas masaya kung marami. Game na!"

"Eh ikaw?"

"Okay lang. Kung gusto mo sumama, sama ka pero kung ayaw mo okay lang."

"If you want me to go, I will go." 'Yun lang ang sinabi niya and the decision is on me.

"Sana pala hindi na kita tinanong, 'no?"

He chuckled, "So do you want me to go o baka napipilitan ka lang?"

I sighed, "Oo na. Gusto kong sumama ka. Happy? Sama ka na ha. Sama kayo ni Mateo."

"Alright, I'll go. I have to ask Mateo kung pwede siya."

xx

Nakatanggap lang ako ng text kay Mateo na hindi siya makakasama dahil may meeting siya kasama ang client.

Sinabi ko na rin sa barkada na isasama ko siya at inunahan ko na sila at sinabing wag akong asarin dahil magwawalkout ako sa harapan nila.

Magdadala ng kotse si Ice dahil masipag rin siyang magdrive kaya hiwalay kami ng kotseng gamit nila Oliver. Si Tan ay may dala rin sariling kotse.

"Excited na ako! Finally vacation." I squealed nung nasa highway na kami.

Tinawanan lang niya ako. Sinabayan ko naman ang mga kantang alam ko na tumutugtog sa stereo niya.

Tumawag sa akin si Michael saying that hihinto sila sandali sa may gasolinahan at may bibilhin at mauna na kami kung gusto dahil nakawaze naman.

"Mauna na tayo? May dadaanan lang sila." Tinanong ko si Ice. "Gusto mo ako naman magdrive?"

Umiling siya. "Okay lang. Kumanta ka nalang."

"You have to trust my driving skills." I said dramatically.

Mas nilakasan ko pa ang boses ko at mas feel na feel ko ang pagkanta dahil sa sinabi niya.

He just looked at me from the corner of his eyes and laugh.

"Are you judging me now?"

"Maganda ka sana wag ka lang kakanta."

I hit him in the arm. "Gwapo ka rin wag ka lang magsalita."

"Sa next date mo sabihin mo magkaraoke kayo para wala ka nang problema. Sila na ang tatakbo palayo sayo."

"Hindi nakakatawa, Isaac. Just concentrate on driving! Wag mo akong pakialamanan."

"I can't concentrate when I can hear you."

"Do your best. Hindi ko naman jnudge ang parking skills mo nung nasagi mo ang kotse ko." Sarcastic kong sabi sa kanya.

He just groaned and continue driving. Never ako makakamove on doon okay? And doon kaya nagsimula ang so called 'friendship' namin.

"Hindi mo ba alam ang taong nasa shotgun seat ay responsible sa music? That includes singing too."

"Do me a favor and cover my ears."

I narrowed my eyes at him and leaned forward to annoy him more. Nilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya at doon kumanta.

Natawa naman siya at hinayaan ako. Umayos lang ako ng upo ulit dahil nangawit ako.

"Ang ganda pala ng boses mo?"

"Kaya nga ako swimmer diba. Edi sana sa choir ako sumali."

"Good point." He turned to me slightly and smiled.

"Hindi ka ba napapagod?" Tawa niya nang kumakanta pa rin ako.

Umiling ako. "Hindi. Kanina ka pa Ice ah. Magaling ka bang kumanta? Pwede mo lang ako ijudge if magaling ka."

"Wala naman akong sinasabi. Bakit pikon ka agad?" He said in his defense.

I admit I'm not good at singing but I still likes to sing so whatever.

"Don't worry, hindi naman ako naturn off." He said jokingly and winked.

"Kung meron man matuturn off sa atin ako iyon dahil judgemental ka. Tsaka kilala mo na ako nung nene pa ako and you've seen me in no make up look and just woke up look."

Pinakaayaw kong makita ng mga tao ay mga pictures ko nung high school pa ako. Mahihiya pa ba ako kay Isaac kung apat na taon niya akong nakikita sa hallway. Bonus pa na nakikita niya akong nakaswimming cap.

"Maganda ka pa rin naman sa paningin ko lalo na pag napipikon ka."

"Ewan ko sayo. Wag mo akong kausapin." Sabi ko at pumikit.

Mga halos isang oras pa ng byahe bago kami nakarating. He parked the car at nilabas na namin ang gamit at nilakad ang distansya ng bahay na pagstay-an namin.

Kasunod na dumating ay si Jade at si Tantan.

Nauna na kaming pumasok sa house na nirent namin for this weekend. Masaya ako sa nadiscover kong beach at bahay kasi cheap lang tapos may own pool pa kami with balcony.

Hindi ko na kailangan pang ipakilala si Tantan tsaka si Ice dahil nung nagkita ay nagtanguan na sila at nagusap. Kami naman ni Jade ang nagusap dalawa.

Hindi tumagal ay dumating na rin sila Michael. Tumakbo naman papunta sa amin si Rhian at nagreklamo.

"Pasabay ako sa inyo pauwi. Kung sino sa inyo, ampunin niyo ako please!"

"Bakit?" Natatawang tanong ni Jade.

"Ang ingay nila! Para akong nasa frat party. Partida pa wala si Tan ha!"

Tama pala na hindi ako doon sumakay.

"Sorry. Wala nang space. Dapat kasi sinama mo si lawyer guy."

I will keep on calling him lawyer guy dahil palagi kong nakakalimutan ang pangalan niya.

"Parang hindi ka pa sanay sa kanila. Alam mo naman sila, hindi uso katahimikan."

Pinuntahan ko si Ice kasama sila Michael.

"Magkakilala na kayo?" Tanong ko pero pinakilala ko pa rin isa isa. "Oliver, his girlfriend Allana, Joseph, Michael, Tristan," Then points to Jade and Rhian. "Kilala mo na naman sila."

Lumapit si Michael sa akin at tinignan ako.

"Ano?" Irita kong tanong.

"Namiss ka lang sungit mo nanaman!"

"Kung magbayad ka na ng share mo?" Mataray kong sabi.

"Halika," Tinawag niya ako at walang pasabing inipit ako sa braso niya

Sumisigaw at tumatawa ako habang pilit tumatakas. "Michael! Ang baho mo."

Lalo pa siyang nanadya at inulit ang ginawa niya. Tumatawa kaming dalawa habang pilit kong inaalis ang kamay niya. "Ang bango bango ko kaya!"

Nakakainis talaga 'tong si Michael wala nanaman magawa!

Nung binitawan na niya ako ay nakita kong nakatingin si Ice sa amin.

And he's the only one not laughing.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon