Chapter 4 - Morning Coffee

4.7K 100 0
                                    

That guy is a total jerk. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. Ice. Magyelo sana siya bwisit!

"First time mong mareject, Tiffs. Congrats."

Tinatawanan nila ako nung kinwento ko ang nangyari.

"Sabi kasi sayo wag ka nakikinig kay Rhian."

"Hindi na talaga."

"Wait lang," Sabi ni Jade then I heard Tan's voice.

"Magkasama nanaman kayo? Ugh wag mo sasabihin sa kanya. Aasarin lang ako niyan!"

"Too late. Alam na niya at pinagtatawanan ka niya ngayon."

"Ugh. Bye na nga! Matutulog na ako. Maaga pa ako gigising bukas."

Itutulog ko nalang ang inis ko. Ayaw ko naman maging eye bags na tinubuan ng mukha bukas sa office.

I just hope may magandang mangyari bukas sa office.

Kinabukasan sa office. Usual routine pa rin. Ganon pa rin ang ginagawa ko. Iniiwasan ko lang isipin 'yung bwisit na iyon.

Tinawag ako ni Nikki pagkadaan ko sa pwesto niya.

"May gagawin ka ba mamaya? Tambay tayo girl. Magyaya ako ng kaibigan."

"Pwede. Sige pero wag lang masyadong late."

Tapos na ako sa pagiging party animal ko. Nagbabar lang ako pagnagkayayan kami nila Michael pero hindi na talaga tulad dati na halos every week.

I'm more of a tita na ngayon. Nakakapagod mentally ang work at gusto ko nalang matulog sa bahay.

Pagkatapos sa work ay kumain muna kami sa malapit na chinese food bago kami lumipat sa isang chill lang na inuman.

Isa isang dumating mga ininvite nila na kaibigan. Hindi na ako naginvite dahil balak ko rin umuwi ng maaga baka mabitin lang sila. Ang lalakas pa man rin nila uminom!

Kaya lang hindi ako nakaalis ng maaga dahil sobrang natuwa ako kay Anthony. Friend ng isa kong officemate. Nakakatuwa talaga kasama ang mga bakla at magkatabi kami sa pwesto kaya naging close kami agad.

Ang dami niyang side comments at facial expressions na nakakatuwa.

"Uy friend crush ka ata ni Carl. Tingin ng tingin sayo, e." Binulungan ako ni Anthony.
"Hindi kaya! Wag mo kong pagtripan hoy." Tawa ko.

"Trust me. Alam ko 'yang mga tingin na ganyan," siniko niya ako, "Ayan ganyan oh."

Napatingin tuloy ako at saktong nagiwas ng tingin si Carl.

"Uy cheers naman tayo!" Sabi ni Nikki.

"Kung ayaw mo, ako gusto ko." Malokong sabi ni Anthony.

"Sira ka talaga!"

"Hingi daw ng number mo okay lang?" Nilapitan ko ni Nikki bago ako umalis.

Hindi ako nakatanggi dahil on the spot at naririnig kami ni Carl. I don't want to be rude at dahil nakakahiya kay Nikki. Siya pa man rin ang close ko sa office.

"Sure." Tumingin ako kay Carl. "Ano bang number mo? I'll call nalang." Then I gave him my phone.

Mukha naman siyang mabait. Who knows baka siya pumayag na maging fake boyfriend ko or he might really be my boyfriend pag okay talaga siya.

"Mauna na ako ah? Chill ulit next time. Thank you, bye."

xx

Dahil late na ako nakauwi kagabi kinulang ako sa tulog. I still have minutes to spare so I went to the nearest Starbucks from the office. I need my coffee!

I'm really in a good mood today even though kulang ako sa tulog so I thought no one can ruin my day except I saw Ice.

Nakapila rin siya at bibili ng kape.

Since ito na ang malapit sa office napilitan na rin ako pumila. Bakit naman ako aalis? Hindi naman siya ang may-ari ng Starbucks na 'to!

I ordered my usual drink then went to the side to wait for my order to be called.

Saktong nagkatinginan kaming dalawa. I don't know if he remembers me but I rolled my eyes at him anyway.

But then he made his way and talked to me! Ang kapal lang naman talaga ng mukha.

"Good morning Miss black sedan."

Hindi ko alam kung trip niya ba akong asarin pero nagkunyari akong hindi ako 'yun.

"Ang sungit mo naman."

I know he's talking to me pero hindi ko siya pinansin.

Narinig kong tinawag na ang pangalan niya at order niya. Finally aalis na ang panira ng araw ko.

"Dito ka rin pala nagwowork. See you around then, Miss."

Sinadya ko siyang tignan at sumagot ako. "Excuse me, stalker ka ba? Hindi kita kilala."

Hinding hindi na ako pupunta dito sa Starbucks na 'to! Pagtyatyagaan ko nalang ang 3in1 namin sa office kaysa sa chance na baka makita siya ulit.

Gwapo sana siya kaya lang antipatiko! Parang gustong gusto niyang ipamukha sa akin na inayawan niya ako.

First time in my life I felt insecure. Siya pa talaga ang nakapagpafeel nun sa akin ha! I'm always the one to reject. Karma just hits me hard in the face.

And that was just morning. Hindi ko inexpect na makita rin siya ng lunch!

Isang oras lang ang lunch break namin but we decided to eat outside. Nakakasawa rin kasi ang food sa 20th floor ng building.

Kumain kami kung saan mabilis maserve ang food. As usual puno ang resto pero may tinuro si Nikki.

"Doon oh, matatapos na ata sila."

Pagtingin ko ay nakita ko nanaman ang bwisit sa buhay ko. I saw Ice again! Seriously pangalawang beses na 'to!

Bakit ba kami palaging nagkikita? Pati ba naman sa kainan? Kakain nalang ako lunch hindi pa ako pagbigyan ni Lord. Gusto ko lang naman maging peaceful ang mind ko, bakit kailangan ko pa siyang makita.

As if we're close, he waved at me. Inalis ko ang tingin ko sa kanya.

"Kilala mo 'yun? Ikaw ata 'yung kinakawayan niya." Kinalabit ako ni Nikki.
"Hindi ako 'yun." Sagot ko pero hindi ako tumingin.

At dahil dakilang papansin rin ang isang 'yun. Aba lumapit ba naman!

"Uy Miss sedan!" Kinalabit niya ako.

Hindi ko siya pinansin pero kinausap siya ni Nikki.

"Magkakilala kayo? Pwede ba kami makiupo sa pwesto niyo?"

"Sure, sure. Pero baka ayaw ng kasama mo?" I could see him smirked at my peripheral.

"Gusto niya." Nikki nudged me. "Tara, Tiffs. Gusto mo diba!"

Umiling ako pero hinila niya ako.

"Sabi ko sayo ikaw 'yung kinakawayan, e!"

Pilit ko siyang nginitian.

Nakakahalata na ako ah! Nananadya talaga siya!


Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon