Chapter 44 - Make Out

3.8K 90 8
                                    

We were all going to Rhian's house tonight after work for her pre-birthday celebration dahil saktong Friday. At wala naman sa amin ang may pasok ng Saturday.

Tinanong pa nga ako ni Mama kung pumapasok pa ba ako sa trabaho dahil sa madalas na pagalis ako. And I know what she is implying. Na palagi kong kasama si Ice. Though hindi 'yun totoo. I rarely saw the guy. Mas hindi pa nga kami nagkikita simula nung naging kami dahil matatapos na ang taon at nagiging busy na rin sa work. 

Madalas kong kasama sila Jade o kaya sila Nikki. Kaya pag may time kaming dalawa talagang lumalabas kami o tumatambay lang sa bahay.

"Nandito na ako sa baba ng office niyo." He texted kaya nagmadali na agad ako.

Dalawang araw na kami hindi nagkikita kaya excited akong makita siya. God, I miss him. 

Nginitian ko si kuyang guard na nakatayo doon. "Ingat ma'am." Sabi naman niya. Pamilyar na siya sa sasakyan ni Ice kaya hindi na niya ito pinapaalis. 

Nung una kasi pinapaalis pa niya si Ice dahil bawal huminto sa tapat ng building. May lahing pasaway rin si Ice, ayaw umalis. Hanggang sa wala nalang nagawa si kuya sa kanya.

Nagdouble look siya sa akin at kumunot ang noo niya. 

"Bakit?"

"Nakalipstick ka." It was a statement and not a question.

"Yup." I popped my lips. "Problema mo? Palagi naman akong nakalipstick."

"Hahalikan sana kita kaya lang nakalipstick ka. Sayang naman ang paglipstick mo.." He said playfully.

I hit him on his arm. "Heh. Tigilan mo nga ako!"

Humalakhak siya at nagpatuloy magdrive. "Gusto mo bang halikan kita?" He glanced at me.

"Ugh pwede ba. Ewan ko sayo."

Ganyan siya maging playful. Pag tinamaan siya ng kalokohan niya hindi ko alam kung paano magreresponse eh. Minsan sinasakyan ko ang kalokohan niya pero minsan hinayaan ko nalang siya. Bahala siya kung saan siya masaya. Hay, bakit ba may pagkachildish 'tong boyfriend ko.

"Tagal natin hindi nagkita hindi mo ba ako namiss?"

Marami pa siyang sinabi and I ignored him. 

"Babe."

I shot him a look. Babe? What, are we having endearments now?

"Or baby? What do you prefer? Well I prefer love." He tilted his head. May sariling mundo nanaman 'tong lalaking 'to.

"Love." He said. 

Napailing ako sa kanya. Though love has a nice ring to it.

"Hahalikan ko na 'to pag hindi pa 'to tumigil." Bulong ko sa sarili ko. Mahina pero narinig pa rin niya. 

"I thought you wouldn't say that."

At iyon naman pala ang pakay niya.

"Anong nakain mo at ang taas ng energy mo ngayon?"

"Baby? Sweetheart?" He smiled coyly. 

I rolled my eyes. 

"So are you going to kiss me or not? Ano ba 'yan, puro salita lang pala."

Hindi ko siya pinansin dahil nagmamaneho pa siya. I smiled widely seeing there is traffic ahead. Nung nastuck na kami sa traffic ay bigla kong kinabig ang ulo niya at hinalikan siya.

The kiss that is saying I miss him. Hindi ako clingy but two days was too much. I felt him smile as he is kissing me back. Hinawakan pa niya ang leeg ko para lalong ipagdikit ang labi namin. He was the one to pulled back first.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon