Chapter 6 - Temptation

4.5K 86 1
                                    

Walang work today so that means no possible chance of meeting Ice. Which is really great. Dahil feeling ko quota na ako sa pagkikita namin and to think that he's kinda stranger to me. So this makes this day bearable despite the constant nagging of Mama about my upcoming 'date'.

As usual kinukulit pa rin ako nila Nikki kay Ice. Lalo na si Nikki na ngayon ay iniisip na meant to be kami ni Ice dahil sa mga 'coincidentally meeting' namin every time. At kinikilig pa siya sa tuwing makikita niya si Ice. Hindi ko rin naman siya masisi kung magfeeling teenager siya ulit. I mean that guy really looks good. Sayang lang because he is boyfriend material at alam kong papasa siya sa standards ni Mama. If only he agreed that day edi sana wala na akong pinoproblema ngayon.

"Bukas na dinner niyo ni Jerry."

"Jerry? Sinong Jerry?"

"Do you want to be grounded?" Nanliit ang mata ni Mama sa akin.

Tumawa lang si Dad.

"So hindi na ako papasok sa office? Okay. Basta ikaw magpaalam sa akin, Ma."

"I'm serious Tiffany. And you can't use the car too." Seryosong sabi niya.

Seryoso talaga si Mama pag dating sa mga gusto niyang ipadate sa akin. If only those guys can be as serious as her.

Hindi na naman kasi uso ngayon 'yung arrange marriage or something. So far mga lalaking nakilala ko, wala sa kanila ang interesado talaga. Most of the time pumayag lang sila kasi maganda ako (according to them not me) pero kung personality na ang usapan.. 'yun ang problema.

"Dad ayan nanaman si Mama." I pouted. "Talk her out. Please."

"For the record, gusto kong date ay pag kasama 'yung taong gusto ko." Paliwanag ko.

"Hmm.. what's wrong with Jerry? Tell me, sino bang gusto mo kadate?"

"Dad!"

Mama just sighed at dahil si Mama iyon at palagi siyang pinagbibigyan ni Dad and just because Dad knows me too well alam niya kung paano ako mapapapayag.

"Nabili mo na ba 'yung gusto mong bag?"

Umiling ako. Okay I know where this is going.

"I'll buy you that bag." Aniya. "If,"

I knew may if na kasunod 'yun. Mabilis pa naman ako mabribe pag dating sa mga bagay na gusto ko.

"If pumunta ka. Tiffany, wag mong pahiyain ang Mama mo kay Tita Rose."

Kaya ko naman bilhin ang bag. Actually pinagiipinunan ko na. Pero to actually have the bag agad agad and not using my own money..

I am so tempted right now.

"Dad naman." I whined. "Pero seryoso 'yan ah. Baka niloloko mo lang ako para pumunta ako."

"I got you the shoes that you like last time."

"She's earning money now pero inispoil mo pa rin ang anak mo."

"Of course. I don't have anyone to spoil anyway. And that's the only way."

Temptations are there to be tempted so, yeah.

xx

"Excited ka na sa date mo? Ano susuotin mo?"

"Hindi ko pa alam. Kung ano nalang mapagtripan kong suotin. Ayaw kong magpaimpress."

"Parang baligtad ata?"

"First impression lang naman importante and we are already pass that stage so kebs lang."

Kung mas pangit ang impression niya sa akin bukas mas okay. I will just be casual. Kung ano ang usual get up ko 'yun na 'yun.

"Tsaka it's not as if gusto ko talaga siya. Good news is kapalit ng isang dinner ay 'yung bag na nakita natin na gustong gusto kong bilhin." Bumalik ang mood ko.

Naeexcite na ako makuha 'yung bag ko!

"'Yung pinagiipunan mo na bag?" Jade asked.

Nagpigil ako ng ngiti at tumango.

"Nasuhulan ka nanaman ni Tito noh? Okay pala 'yan, may date na may bag pa." Rhian shared my reaction.

"Gusto mo samahan ka namin?" Jade suggested.

"Uy tara fun 'yun!" Biglang naexcite si Rhian.

Kumunot ang noo ko. "Ayaw ko nga. Lalo akong maiilang pag nandun kayo noh!"

"Manonood lang kami."

Mukhang gusto gusto talaga nila. Mga walang magawa sa buhay 'tong dalawa.

"Hay nako knowing you two malamang sobrang obvious kayo! Imposibleng matatapos ang gabi without him feeling your presence."

"Grabe ka naman. Hindi naman kaya kami halata. Ayaw mo lang ata kami papuntahin." Pagdradrama ni Rhian.

"Ayaw ko talaga noh."

"Gusto ka lang namin isupport sa date mo. At gusto namin siya makita."

"Thanks but no thanks. Tsaka wala ba kayong date ni Tantan? Magseselos nanaman iyon! Baka isipin niya nanlalalaki ka na."

"Nope. Over confident si Tristan when it comes to himself so hindi basta basta magseselos 'yun sa lalaki."

Binida nanaman niya ang boyfriend niya. At first I thought Jade wouldn't be the kind to fall head over heels with a man. I mean she doesn't look like one pero kung titignan silang dalawa si Tan, even if you're happy being single hindi mo pa rin mapipigilan hindi mainggit.

"Tsaka wala naman dapat pagselosan si Tan. Obvious naman na in love na in love ang dalawa." Rhian scoffs.

I know, Rhian. Gets kita. Pag walang buhay pag-ibig nga naman talaga oh.

"Kinikilabutan ako pag naiisip ko." Tumawa ako.

"May pinagdadaanan ba kayong dalawa? Sabihin niyo lang kung may problema kayo sa amin ha." Jade retorted.

Tumawa nalang kami.

"Oo na. Hindi na kami pupunta pero kwento ah? Details." Rhian wiggled her brows.

"There's nothing to say. Kakain lang kami and maybe konting talk then I'll run na." I shrugged.

Most of the time sa mga dates ko, I'm not doing much talking. Sasagot lang ako sa tanong and then mapapagod rin sila magtanong and they'll think I'm boring so matatapos agad ang date.

I'm usually the talkative one pero 'yun ang strategy ko sa mga dates na ayaw ko.

"Ano oras ba 'yan? Tambay kaya tayo bukas? Tagal na rin natin hindi nagkikita."

"Oo nga. Tara! Pag okay date mo edi isama mo na rin." Sabi ni Jade.

"Susunod ako pero ako lang magisa. Don't expect na may kasama ako. Mamaya magassume pa 'yun pag sinama ko. Mahirap na." Sagot ko.

After ng dinner namin bukas hindi na ako ulit makikipagkita sa kanya. Magkikita kami maybe pag may get together sila Mama at sila Tita Rose pero 'yung kaming dalawa lang, nope.

"Kanina pa nasasamid 'yun. Kawawa naman." Tumawa si Rhian.

Once is enough. Tama nang pinagbigyan ko lang si Mama at kahit ilan bag pa ang ioffer sa akin ni Dad ay hindi na ako papayag.

I should learn how to say no to temptations too!

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon