Chapter 23 - Toretto Jr.

2.9K 82 3
                                    

Tgif today so napagusapan na iinom kami nila Mateo. Isasama ko dapat si Nikki pero may birthday siyang pupuntahan kaya ako lang.

Napatapak ako sa preno ng wala sa oras dahil hindi ko napansin ang dumaang aso. I'm not usually like this when I'm driving. Maingat akong magmaneho.

Tawag kasi ng tawag 'tong si Ice! Hindi makapaghintay. Tuloy hindi ko napansin 'yung aso.

Hindi ko na alam kung ang uunahin ko. Ang sagutin ang tawag ni Ice o ang kotse sa likod ko. Bumaba ang lalaking may ari ng kotse.

"Wait. Call you later. Nabangga ako." Tinext ko nalang siya dahil alam kong hindi siya titigil kakatawag.

Pero tumawag ulit siya. This time sinagot ko na.

"Mamaya na--"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa sigaw niya. "Are you okay? Nasaan ka? Anong nangyari?"

Mas nagpapanic pa siya kaysa sa akin. "I'm fine. Just my car."

"What? I'm going there. Where are you right now?"

Sobrang seryoso ng boses kaya sinabi ko nalang sa kanya para magtigil na siya.

Bumaba rin ako para tignan ang harapan ng kotse. Well lucky for me wala naman nangyari but I can't say the same for the other car though.

Tinignan ko ang kotse niya. Hindi naman grabe pero nagkaroon lang ng konting dent ang kanya. Super konti lang talaga na hindi mo napapansin pag hindi mo tinignan maigi. Bago pa naman dahil sa plate number niya. Wala naman meron sa kotse ko, kahit pintura ay wala. I don't know if I should feel happy dahil ako ang may kasalanan.

Tinignan rin niya ang kotse niya. Napakamot siya sa ulo. Mukhang hindi rin niya alam ang gagawin niya. Sa tingin ko college student lang siya at parang kakakuha pa lang niya ng license last week.

Nagsorry ako agad at pinagusapan kung paano namin aayusin.

Buti nalang mabait si kuya. He didn't shout at me like other people na rude talaga.

"Sorry talaga." Now I really feel sorry for his car. Though hindi ko naman totally kasalanan. May dumaan kasing aso so I have to stop.

Magsasalita pa sana ako nang napalingon kaming dalawa sa dalawang kotse na mabilis ang takbo.

Napaatras ako dahil pakiramdam ko ay mababangga ako.

Huminto sila nakapaligid sa amin. Napaatras si kuya nang lumabas ang dalawa.

"Ah.. Ate pasensya rin." Napapalingon siya kay Ice at kay Mateo. "May kasalanan rin naman ako. Hindi ko kasi napansin tsaka bago pa lang ako nagdadrive."

Paano ang dalawa parang akala mo bida sa fast and furious. Flashing their mad driving skills and channeling their inner Dominic Toretto and Brian O'Conner.

Ang bilis ng takbo sabay preno pagdating sa amin. Sino ba naman ang hindi matatakot diba! Kakaloka 'tong dalawa 'to! Parang handa na silang bugbugin si kuya. Ang dilim pa man rin at walang katao tao. Siguro iniisip ni kuya sasapakin siya nila Ice.

"What happened?" Galit niyang salubong sa amin.

I jumped at his voice. Ngayon ko lang siyang narinig ng ganito kaseryoso. Ang normal na Ice ay aasarin pa akong hindi marunong magdrive at magenroll ulit sa driving school. Hindi 'yung parang tatay na handa akong pagalitan. Ayun lalong natakot si kuya.

"Uh ate, okay lang. Kasalanan ko rin naman. Tsaka nakainsurance pa naman 'to." Nanginginig ang boses niya.

"Kuya wait!" Pigil ko kay kuya na aalis na dapat.

Accidentally on Purpose (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon