Chapter 5

34.9K 412 4
                                    

        Kirsten's POV

Sa wakas monday na! At ang ibig sabihin nun mamaya papasok na ako, excited na ako mamayang gabi. Inayos ko na ang mga gamit ko para mamayang gabi, hindi pa alam ni Reece na nag aaral ako, ayaw ko naman sabihin na night shift ang pasok ko, mamaya sagutin lang ako ng "I don't care" edi napa hiya naman ako,kaya mas minabuti ko na lang na hindi ipaalam sa kanya. Mabilis lang naman lumipas ang oras, nakapag handa na ako ng kakainin ni Reece mamaya, nag ready na ako at umalis na rin ng condo, di naman ako natagalan sa biyahe dahil 20 minutes nasa Jackson's College na ako, una kong pinuntahan ay sa office para mag bayad ng 1st sem, nakuha ko na agad schedule ng pasok ko bukas at kung saang room ako papasok ngayon, di naman masyadong kalakihan ang school na to kaya di naman ako nahirapang hanapin ang room ko. Pag dating ko sa room may mangilan ngilan na ring mga estudyanteng nandoon. Umupo ako sa may pinaka unahan, mas gusto kong nasa unahan para mas lalo ko pang maintindihan ang tinuturo ng teacher. Maya maya nag si datingan na ang mga iba pang estudyante, may tumabi sakin isang lalaki at isang babae nginitian ko naman sila at ngumiti din silang dalawa sakin.

"Hi, bago ka dito?"

Tanong nung babaeng nasa kanan ko.

"Oo"

Tumango tango lang sya sakin.

"Anong name mo?"

Sabi ng lalaking nasa kaliwa ko.

"Kirsten ikaw?"

"Cody sya naman si Melia pinsan ko."

Turo niya sa katabi kong babae.

"Hi"

At nakipag shake hands sya sakin, maya maya dumating na ang prof namin, sa sobrang bilis ng oras di ko namalayan uwian na namin, napasarap ang pagtuturo ni Sir Salazar samin. Tinignan ko ang orasan saktong 9:00 na. Kinuha ko na ang bag ko at ng paalis na sana ako pinigilan ako ni Melia.

"Sabay sabay na tayong lumabas."

Ngumiti naman ako at tumango, hindi naman sigurong masamang makipagkaibigan ako di ba? Kailangan ko rin ng kaibigan kahit papano.

"Saan ka umuuwi?"

Tanong ni Cody habang nag lalakad kami sa hallway.

"Dyan lang sa 56th street, kayo?"

"Malapit lang pala, 58th street lang ako at si Melia sa 40th street lang."

Sagot ni Cody.

"Ah di ko kabisado doon eh."

Sagot ko naman sa kanya.

"Anong work mo Kirsten?"

Tanong ni Melia.

"Maid."

Nakita kong nagulat silang dalawa sa sinabi ko, oh? Anong masama sa pagiging maid? Marangal na trabaho yun kaysa naman mag GRO ako.

"Really?"

Tumango ako sa sagot ni Melia.

"Parang hindi naman, ang ganda mo namang maid."

Bigla naman akong na flattered sa sinabi niya.

"Thank you, ganun talaga. Kaya nga ako nag aral ngayon para makapag tapos ako at makahanap ng trabaho na maayos ayos. E kayo? Saan kayo nag wowork?"

Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ako Cashier ako at si Cody naman Crew sa isang restaurant."

Tumango tango lang ako, di ko namalayan nasa tapat na pala kami ng terminal. Nang may dumaang bus sabay sabay na kaming sumakay dahil iisang way lang ang pupuntahan namin, nauna ng bumaba si Melia, nag paalam lang sya at bumaba na, dalawa na lang kami ni Cody ang naiwan kaya medyo awkward, di ko rin alam kung bakit eh.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon