Chapter 26

16.7K 272 18
                                    

          Kirsten's POV

Present Day

"At noong last week nga sa birthday ni Mr. Wang doon lang kita ulit nakita, sobrang tuwa ko nun ng makita kang muli, ang dami dami kong gustong sabihin sayo ng mga araw na yun kaso sumulpot si Cody, at nagalit ako ng malaman kong Fiancè mo sya. At lalo pa akong nagalit ng malaman kong may anak pala ako at ni hindi mo man lang sinabi."

Di ko alam kung matutuwa ako ng malaman kong wala syang anak kay Laura at hindi pala sya kasal, so tama nga ang hinala ko gawa gawa lang pala ang lahat ng yun ng mommy ni Reece.

"Gusto kong ipakilala mo ako kay Cole na ako ang daddy niya hindi si Cody."

"Hinding hindi mangyayari yun."

Nakita kong nagbago ang expression ng mukha niya.

"At bakit?!"

"Wag mo na kaming guluhin pa, mas mabuting hindi ka niya kilala."

Bigla niyang hinampas ang mesa kaya nagulat ako.

"What the fvck Kirsten!!! Anak ko siya kahit saang anggulo mo tignan! Ako ang ama niya! Hindi si Cody!!!"

"Hindi!! Hinding hindi mo makukuha anak ko sakin!"

"Sa tingin mo kukunin ko sya sayo?! Ang gusto ko lang malaman niya na ako talaga ang totoong tatay niya!"

Napa iyak ako bigla, bakit ba kailangan mangyari to? Bakit ba kasi nagpakita pa sya, nagulat na lang ako ng iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko.

"Don't cry."

At hinalikan niya ako sa noo pababa hanggang sa makarating sa labi ko, damn! Na miss ko tong mga labi na to sobra, di ko namalayan na tumugon na pala ako sa mga halik niya, napaungol sya ng sabunutan ko ang buhok niya. Pareho kaming hingal na hingal ng maghiwalay ang mga labi namin.

"I really really missed you so much."

Sabi niya habang naka dikit ang mga noo namin, kahit ako na miss ko din sya ng sobra. Umayos na ako ng upo baka mamaya makita pa kami nila Cody sa ganung posisyon kaya pinaalis ko sya sa tapat ko.

"Sasabihin ko sa kanya ang totoo pero hindi pa sa ngayon."

"At kailan naman yun?"

Sabi niya, maya maya bumukas na ang pinto at pumasok si Cole.

"Mom aren't we go home yet?"

Sabi ni Cole ng makapasok sya sa opisina ko, tinignan ko Reece naka tingin lang sya kay Cole.

"Hi Cole."

Sabi ni Reece, tumingin naman si Cole sa kanya at nag wave, biglang niyakap ni Reece si Cole kaya nagulat si Cole sa ginawa ni Reece. Bumitaw naman si Reece sa pagkakayakap sa kanya, nakatingin lang si Cole sa kanya.

"We need to go home"

Sabi ko kay Reece, inayos ko ang mga gamit ko at hinawakan ko na si Cole sa kamay. Sabay na kaming lumabas na tatlo sa opisina at sabay din kaming sumakay sa elevator, kahit isa samin walang nag sasalita, pero si Reece naka tingin lang kay Cole. Nang nasa ground floor na kami nakita ko na si Cody sa sasakyan nag hihintay.

"Bye"

Sabi ko kay Reece, nag bago ang itsura niya ng makita niya si Cody.

"Bye Mr."

Sabi ni Cole kay Reece, ngumiti si Reece at nag wave, sumakay na kami ng sasakyan at pinaandar na ni Cody ang sasakyan, nakita ko pa sa side mirror si Reece na nakatayo.

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon