Kirsten's POV
"Sandali lang"
Grabe maka doorbell ah, akala mo wala ng bukas. Binuksan ko na ang pinto at ng makita ko kung sino ang nasa labas, isang may edad ng babae ang nasa harap ko ngayon.
"Ano pong kailan nila mam?"
Tinaasan niya ako ng kilay, ay ang taray niya naman.
"Nandyan ba ang anak kong si Reece? At sino ka?"
Nagulat ako sa sinabi niya, anak niya si Reece? Ibig sabihin mama sya ni Reece? OMG!! Yan? Mama ni Reece? Nakakatakot naman sya, napakataray niya at mukhang matapobre.
"Good evening po mam, ako po ang bagong katulong ni Sire Reece,tuloy po kayo nasa kwarto po si Sir Reece tatawagin ko po sya."
Sininghalan niya lang ako at tumuloy na syang pumasok sa loob.
"Anong gusto niyo po mam? Water or Juice?"
Alok ko ng maka upo sya sa sofa.
"Juice"
Tumango ako at pumunta ako sa kwarto ni Reece. Kumatok ako sa kwarto niya.
"Pasok."
Naka higa sya sa kama niya at nanunuod ng T.V
"Bat kailangan mo pang kumatok, pwede ka namang pumasok na lang."
Sabi niya ng makapasok ako.
"May bisita ka."
"Huh? Sino?"
"Labasin mo na lang"
At umalis na ako ng kwarto niya, tumuloy na ako sa kusina at nag timpla ng Juice. Pag labas ko sa kusina, saktong kararating lang din ni Reece sa sala.
"Mom?"
"Yeah its me, how are you son?"
Nilapag ko na ang juice sa center table.
"Im fine, by the way this is Kirsten my..."
"I know son, she's your maid."
Biglang kumunot ang noo niya, sinenyasan ko sya na ok lang. Hindi ako handang ipakilala ang sarili ko as girlfriend ni Reece, sa itsurahin pa lang niya hinding hindi niya ako magugustuhan. Sa estado pa lang ng pamumuhay walang wala na ako.
"Why are you here mom?"
"Oh son, you didn't missed me?"
Hindi kumibo si Reece, paano sya mamimiss eh hindi nga sya nag alaga kay Reece hanggang lumaki sya. Kahit ako kung ako man ang nasa kalagayan ni Reece di ko sya mamimiss.
"Well i just want to invite you tomorrow for a dinner with Mclaughlin Family."
"What?! No way!!"
Mukhang mag tatalo pa ata tong mag ina na to kaya umalis na ako.
"Yes way. It's for your own good son."
"No its not mom! I told you this before!!"
Yun na lang ang mga narinig ko at pumasok na ako sa kwarto. Bakit galit na galit si Reece ng marinig niya ang pamilyang yun? Kakain lang naman sila ah, ilang minuto pa ang lumipas may kumatok sa pinto ko, kaya pinag buksan ko kaagad pag tingin ko si Reece na galit na galit ang itsura.
"Anong nangyari sayo?"
Umiling lang sya, niyakap niya ako kaya niyakap ko din sya. Mukhang may problema sya, di ko na lang muna sya kinulit, saka na pag hindi na mainit ang ulo niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88579883-288-k381835.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...