Chapter 29

15.2K 255 12
                                    

Kirsten's POV

"Cody hihiramin ni Reece si Cole mamaya, mamamasyal daw silang dalawa."

"Bat ako ang tinatanong mo? Anak mo naman yan eh."

Medyo nag init ang ulo ko sa tono ng pananalita niya.

"Bat galit ka?"

"Hindi ako galit"

Hindi daw pero halata naman sa boses niya.

"Ano bang problema mo? Ang aga aga ang init ng ulo mo."

"Wala akong problema ok?!"

At tumayo sya ng upuan at pumunta ng sala at nanuod ng t.v, tignan mo sabi niya hindi daw sya galit pero sa kilos pa lang niya halata na. Ayaw kong magalit ngayong umaga pero inumpisahan niya ako eh.

"Sabihin mo kung anong problema mo, hindi yung nagagalit ka lang dyan ng walang dahilan. Parang sinabi ko lang na hihiramin si Cole ni Reece nagagalit ka kaagad dyan."

"You know what? Bakit hindi ka na lang makipag balikan ulit dyan sa Ex mo ng hindi ka nahihirapan sa ganitong sitwasyon."

Nag init ang katawan ko sa galit ng marinig ko mga sinabi niyang iyon.

"At ngayon gusto mo naman akong makipag balikan kay Reece?! Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na wala ng namamagitan saming dalawa! Kung meron man sa bata na lang yun wala ng iba pa."

"Talaga lang hah."

Sabi niya sabay tingin ulit sa pinapanuod niya sa t.v, mag sasalita sana ako ng makita ko si Cole napababa ng hagdan.

"Mom? dad? are you guys fighting?"

Sabi niya ng makalapit sya sakin.

"No baby"

"But i just heard you and daddy shouting each other."

Di ako sumagot sa tanong niya sa halip dinala ko sya sa kusina.

"What do you want to eat?"

"Pancakes and bacon mommy."

"Ok sir"

At pinagluto ko na sya, di narin sya nangulit sa pagtatanong, buti naman dahil ayaw kong malaman ng anak ko na nagtatalo kami ni Cody, naubos niya ang niluto kong pancakes at bacon.

"Mommy, when daddy pick me up?"

"He's here in a few minutes i guess, so come i'll take you a bath."

Tumango sya at sumunod na sakin, nanunuod pa din ng t.v si Cody ng dumaan kami sa sala, di ko sya pinansin at tuloy tuloy na kami ni Cole sa C.R at pinaliguan ko na sya, ng bihis na sya umupo sya sa sala para hintayin si Reece, ilang minuto lang ay may nag doorbell, panigurado si Reece na yun, pagbukas ko ng pinto di nga ako nagkamali.

"Hi! Ang ganda ng bahay niyo ah."

Sabi niya.

"Thanks, tuloy ka muna.

Sumunod naman sya at ng nasa sala na kami nakita namin si Cody at Cole na nag uusap pero huminto din sila ng makita kami. Tumayo agad si Cody at umakyat ng hagdan ng makita niya si Reece.

"Akalain mo yun marunong din pala makaramdam."

Hunampas ko sya sa balikat pero mahina lang.

"Pag ikaw narinig nun."

Tumawa lang sya at tinabihan niya si Cole.

"How's my son?"

"Im fine dad."

I'm His MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon