It's so sad that this is the last chapter guys! :( i dedicate this chappy to all of you guys! At nag papasalamat po ang kaibigan kong si Reece na nasa Texas at si Kirsten dahil sila ang ginamit kong pangalan sa story ko :) gusto nilang itranslate ko sa english ang story ko para daw maintindihan nila hahaha pero syempre ayaw ko dahil baka dumugo ang ilong ko hahahaha enjoy reading guys!!! :)
Kirsten's POV
Ngayon ay ang araw ng kasal namin ni Reece, akala ko nag bibiro lang sya kahapon na ikakasal na kami ngayon, ni hindi nga ako prepared, kaya pala naging busy sya dahil tumulong sya sa pag aasikaso para sa kasal namin. Nakakatuwa na nakakalungkot dahil sa lahat na pinag daanan namin ni Reece hindi ko alam na sya din pala ang makakatuluyan ko sa huli. Inaayusan na ako ng mga make up artist na kinuha nila dahil mamaya ay mag uumpisa na ang kasalanan namin. Kinakabahan ako dahil sa pagkakataong ito ikakasal na ako sa taong mahal ko. Nakita ko si mama na sumilip sa pinto at pumasok.
"My baby girl."
Sabi niya.
"Wag kang iiyak baka masira ang make up mo."
Sabi ko sa kanya.
"Di lang kasi ako makapaniwala na ang dating baby girl ko ay ikakasal na, parang dati lang bata ka pa ngayon ikakasal ka na, ang bilis talaga ng panahon anak."
Pinipigilan ko ang luha kong tumulo dahil baka masira ang nake up ko, alam kong masaya na ngayon si papa na makita akong ikakasal. Kahit hindi sya ang maghahatid sakin sa altar atleast nakita niya akong ikakasal sa taong mahal ko, ng matapos na akong mag make up tumayo na ako at sumunod kay mama, papuntang sasakyan.
"Kinakabahan ako ma."
Sabi ko ng makapasok kami sa loob ng bridal car.
"Ganyan din anak ang naramdaman ko ng magpakasal kami ng papa mo."
Ngumiti ako sa kanya at umandar na ang sasakyan.
"Ang ganda ganda mo anak."
"Syempre kanino pa ba mag mamana di ba?"
Tumawa kaming parehas at niyakap niya ako.
"Sana maging masaya kayong dalawa ni Reece"
"Oo naman ma."
Nakikita ko na ang simbahan kung saan ako ikakasal, habang papalapit ang sasakyan lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko ang daddy ni Reece sa di kalayuan at huminto kami da harap niya at binuksan ang pinto.
"You look beautiful"
Sabi niya sakin.
"Thank you"
At nilagay ko na ang kamay ko sa braso niya, sya ngayon ang mag hahatid sakin sa altar papunta kay Reece, habang naglalakad ako papalapit sa pinto lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko, narinig ko ng tumunog ang mga kampana sinyales yun na nasa tapat na ako ng pinto, at unti unti ng bumubukas ang pintuan ng simbahan, agad kong nakita si Reece sa tapat ng altar at naka ngiti, ang pogi pogi niya ngayon sa totoo lang. Napatingin ako sa katabi niya, si Cody ang best man niya, naka ngiti sya habang nag lalakad ako, nakita ko sa likod ang anak kong si Cole, ang pogi niya rin ngayon sa suot niya manang mana sa daddy niya, tumingin lang ako kay Reece feeling ko kaming dalawa lang ang tao dito dahil sya lang ang nakikita ko ngayon, naka ngiti sya sakin habang nag lalakad ako, ng nasa tapat na niya ako binitawan na ako ng daddy niya at hinawakan na niya ang kamay ko at humarap sa pari.
"Reece do you take Kirsten to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"
BINABASA MO ANG
I'm His Maid
RomanceWARNING!! 18 plus only!!! READ AT YOUR OWN RISK! Kirsten Marano, isang maid na nakapag trabaho sa anak ng pinaka mayamang business man sa buong asia. Hindi uso sa kanya ang salitang love dahil ang love ay para sa mga taong tanga lamang. Pero nang ma...